Chapter 4: Rose

2392 Words
CHAPTER 4: ROSE Ayradel's Side "Since kase wala ang daddy niya na si Sir Alfred Lee, siya ang ipinadala dito para mag-observe. And the goodnews is..." Blah blah blah Hindi na masyadong nagsi-sink in sa utak ko ang pinagsasabi ni Ma'am, kasi naman nakatungo ako ngayon sa armrest ng armchair ko para magmukmok... at magtago. Busy akong pag-isipan kung ano nga ba itong posibleng gulong pinasok ko... 'Yong taong pinatid, 'Yong tinawag na tanga 'Yong tinakbuhan at tinawanan ko pa Anak pala ni Alfred Lee?! Anak ng DEPED SECRETARY??? Sakay ang Richard Lee-ntik na 'yon ng isang magarang sasakyan, may men in black pa itong alalay, kaya malamang anak siya ng makapangyarihang tao, 'di ba? Gusto ko nang batukan ang sarili dahil hindi ko naisip agad iyon. Kaya heto ako ngayon, pawis na pawis habang nakatungo para hindi ako makita n'ong halimaw. Baka mamaya isumbong pa ako n'on sa tatay niya at gawing miserable ang buhay ko. DepEd Secretary 'yon o! Baka sirain pa nila ang pag-aaral ko kapag nalaman na pinatid ko ang anak niya! Tanggalan ako ng scholarship, ipa-ban ako sa mga schools o di kaya bigyan ako ng masamang record! Pero hindi mangyayari 'yon kung hindi niya ako makikita, diba? Tama. Mamaya rin naman, aalis na 'yan e. Tutungo na lang muna siguro ako hanggang sa umalis siya. Mago-observe lang naman siya sa school, so isang araw lang siya rito? Or isang linggo? Waaa, huwag naman sana! Ilang minuto akong nagtiis para hindi niya ako makita. Sobrang ihing-ihi na ako! Kanina ko pa 'to pinipigilan, at palagay ko kailangan ko nang ilabas 'to... pero paano? Habang nasa harapan ang atensyon nilang lahat ay mabilisan akong tumayo at tumalikod upang hindi nila ako mapansin. May pintuan kasi sa likod na part nitong classroom kaya naman pwedeng makalabas doon nang hindi dumadaan sa harap. Talagang pasimpleng tinakpan ko pa ang mukha ko para lang hindi talaga ako makita. Nakatalikod na ako at isang hakbang na lang para makalabas nang... "So, kailangan natin ang tulong ng inyong overall Rank 1. And it is... Miss Ayradel Bicol?" What the hell??? Sinubukan kong lumabas ulit pero... "Hey, Ayra! Saan ka pupunta?" Rinig kong sabi ni Ma'am. Naipit ko ang labi ko at pasimpleng nagdasal. Oh my God, help me please! "Ma'am CR lang po..." sabi ko at hindi pa rin lumilingon. "Ha? Wait nga lang at bumalik ka muna dito..." Napapikit na lang ako sa sobrang kamalasan at panghihinayang habang yung puso ko e, parang nakikipagrace na naman sa mga kabayo. "Miss Bicol.. come back here.." Shit..." bulong ko dahil sa kaba. Apelyido na ang tawag sa akin ni Ma'am kaya malamang ay seryoso na siya. Pero hindi ko pwedeng ipaalam sa lalaking 'yon na nandito ako dahil sigurado akong isusumbong ako niyan sa daddy niya. Bahala na! Pikit-matang naglakad ako pabalik sa tapat ng upuan ko habang nakatalikod pa rin. Mas lalo akong napapikit nang narinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase ko. Malamang, anong iisipin nila? Na ako, si Ayradel... ang tahimik at mahinhin nilang kaklase ay gagawa ng kakatawang mga bagay tulad nito? Juscolored! "What's wrong Miss Bicol? Ano 'yang ginagawa mo? Bakit ayaw mong humarap sa amin?" "U-Uhh, s-sorry, Mam, k-kasi po, may.. may ano po ako eh... may..." nagisip ako ng dahilan. "...malaking pimple po. N-nakakahiyaya po." Mas lalo pang lumakas ang tawanan ng buong klase. Napunta kay Lui ang tingin ko at maging siya ay tinatawanan ako sa pinaggagawa ko. "Nababaliw ka na ba?!" Binasa ko ang sinabi ni besty mula sa Row 3. "Siya 'yon!" I said also habang nakatalikod pa rin. "Artista!" Nanlaki ang mata ni besty at napatakip sa bibig nang maintindihan ang sinasabi ko. May mga ususyerang mga kaklase kami na nakatingin sa aming dalawa ni besty, pero di nila nagets yung sinasabi ko, syempre. "Pimples? Natural lang yan sa mga dalaga. It's okay. Face us. Parang ang pangit naman kung kakausapin mo kami ng nakatalikod, hindi ba?" sabi ni Ma'am, "Miss Bicol..." Wala na. Finished na. In that kind of tone, I knew it is the time to give up. Kahinaan ko ang warning tone ng mga guro. Kaya bahala na, wala na akong nagawa kung hindi ang humarap. Unang nahagip ng mata ko pagkaharap ay ang mukha ng Lee-ntik na tawang-tawa. Nakakabwisit talaga ang isang 'to. Nakabukol pa talaga ang dila niya sa pisngi habang pinipigilan ang pagtawa. "Oh, wala ka naman palang pimples ah?" hindi pa nga ako tapos sa pamumukol ng death glare doon sa lintek na Richard na 'yon, napatingin ulit siya ako kay Ma'am. Shocks. "F-false alarm lang po...he-he." sagot niya. I can't imagine myself saying this all kind of stupid things in front of everybody. Sobrang inaaalagaan ko ang image ko bilang Rank 1, or student model na 'dapat' daw ay tularan ng lahat ng estudyante. Sinisikap kong walang makikitang mali sa mga galaw ko dahil lahat ng mga ginagawa ko ay planado--- pwera na lang ngayon na para bang wala akong kontrol sa sitwasyon. Nadala ako sa takot na baka kapag nakita ako ng halimaw na nasa harapan ay masisira ang pag-aaral niya. Kahit anong iwas ko pala ay makikita at makikita niya pa rin ako. "Ano bang nangyayari sa iyo Miss Bicol? Is there something bothering you?" "W-wala po." Nakahinga na lang ako ng maluwag nang tumango-tango na lang si Ma'am. Pakiramdam ko, may nakatitig sa akin mula sa unahan, at isipin ko pa lang na pinagtatawanan ako ni Lee-ntik ay gusto ko na siyang itulak palabas. "Oh by the way... let's moved on nga nga." sabi ng guro. "Miss Bicol, about doon sa sinabi ko kanina na magiging classmate niyo si Mr. Lee ng isang grading--" "PO?" nalaglag ang panga ko. "C-classmate po? Namin? S-siya?" Akala ko ba... akala ko ba mag-o-observe lang sya?! "Yes, Ms. Bicol, hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko kanina? Ano bang nangyayari sa 'yo?" sagot ni Ma'am. Napapahiyang napatungo ako. Hindi ko na kasi napakinggan mga sinabi ni Ma'am kanina, hays. "Sorry, Ma'am." "Okay, uulitin ko na lang mga sinabi ko. Mr. Richard Lee will stay here in a grading... ibig sabihin sa loob ng isang grading ay magiging kaklase niyo siya... And you, being the overall Rank 1, the principal and all of the science teacher assigned you to be his tutor and guide of his staying here in Tirona High." Mas lalong nalaglag na naman ang panga ko sa mga narinig pero hindi na ako nagpahalata kay Ma'am na gulat. Hindi muna ako nakapagsalita agad at ang t***k ng puso ko na lang talaga ang naririnig ko. Ako Tutor Guide ng isang Lee-ntik? Nalee-ntikan na talaga. Mukhang hindi madissolve ng utak ko ang lahat. "Ang swerte ni Ayra." "Hala sana ako na lang!" umingay ang bulung-bulungan sa room. "OMG. Edi lagi silang magkasama ni Chardy natin?" Mas lalong nalaglag ang balikat ko, iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyayari. "Ito yung sinasabi kong special task na ibibigay sayo. And about Mr. Richard Lee, please be reminded na kung ano ang performance na maipapakita mo, iyon din ang magrereflect kay Miss Bicol. Maliwanag ba 'yon? So you better need a team work." "O-okay, ma'am." Automatic na sagot ko dahil wala naman na akong magagawa. "Alright, clear na ba sa inyong lahat. If that so, Mr. Lee, please take your seat beside... Ms. Bicol." Akala ko pinakamahirap na ang magpigil ng ihi, pero mas mahirap pala ang magpigil ng inis at ang magpanggap na ngumingiti kahit sasabog ka na sa sobrang pagkapikon... at pagkaihi. "M-may I go to CR, Ma'am?" Paalam ko bago pa man makaupo 'yong Lee-ntik sa tabi ng upuan ko... sa upuan ni Jayvee. Nang maglakad siya sa harapan ko ay umangat ang labi niya upang pakitaan ako ng ngisi na para bang sinasabing "wala siyang pakialam sa akin" sabay lagay ng bag sa tabi ng upuan ko. "Okay, Ayra, balik ka kaagad dahil may iba pa akong iaannounce." Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas ako ng room nang sabihin iyon ni Ma'am. Pumunta ako sa CR at sumunod naman besty, upang doon ilabas lahat ng sama ng loob kong kanina ko pa pinipigilan. "Besty, what was that again?" Hindi makapaniwalang turan ni besty pagkalabas pa lang namin ng classroom. "So si Richard Lee pala ang tinutukoy mong artista na pinatid mo? 'Yong kinwento mo sa akin last time?" Talunang mukha ang ipinakita ko sa kanya. "Unlucky-ly, yes." "ANO???!" lumuwa ang mata ni besty. "Oo. At tinawag kong mas tanga." "ANO?!?!" Inulit pa. "TSK! E ano nang gagawin ko? Hindi ko naman kasi alam na anak ni Mr. Alfred Lee 'yon! Akala ko bagong artista lang kaya pinagkakaguluhan noong Monday!" Parang gusto ko na lang lalong maiyak, parang sobrang patay talaga ako sa pinaggagawa ko n'ong araw na iyon. "Besty, sisiw lang sa kanilang patalsikin ako dito sa TH at sa kahit na anong eskwelahang papasukan ko!" "Siguradong lagot ka dahil sa ginawa mo sa kanya, pero hindi naman siguro niya magagawa 'yang iniisip mo?" kampanteng sagot niya. "Anong hindi?! Nakita mo ba ang mukha niya kanina besty?" "Oo naman, gwapo diba?" Napairap ako. "Nakakatakot, besty! Parang mangangain ng buhay!" "Ay weh, ang inosente niya kaya. black hair, no piercings, makinis na balat-" "Aish!" parang wala akong mapapala sa pakikipagusap kay besty na halatang nagayuma din ng lee-ntik na yon. Kusang naghabulan na naman ang dibdib ko nang matanaw ko na ang pintuan ng Section 6A. Kung dati ay excited ako dahil kay Jayvee. Ngayon takot, inis, asar ang nararamdaman ko. "Basta besty, makisama ka na lang sa kanya. Kapag ginagalit ka huwag mong patulan para mapadali ang buhay mo." sabi ni besty bago kami tuluyang magkahiwalay ng daan. "Goodluck..." dugtong pa niya. Goodluck...? Parang mas nakakakaba pa 'to kaysa sumasabak ako sa mga quiz bee ah. Tinahak ko ang daan papunta sa aking upuan. Nagtama ang mata namin n'ong Lee-ntik at pinagsisihan ko iyon dahil nairita lang ako. Hindi ko siya pinansin at nagfocus na lang kay Ma'am. "Small school, huh?" sabi niya sa akin pagkaupo. "Haha... haha..." sagot ko lang kahit hindi naman talaga ako masaya. "Tss, bakit ayaw mo na akong tignan? N'ong Friday e, todo titig ka pa sa akin." tanong niya pa na nagpakilabot sa akin. Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasabi niya? "Wala ka namang malaking pimple ah? Sabi mo false alarm lang. Pfft!" What the--- Kalma lang Ayra, kalma. Naintindihan ko na ang sinabi kanina ni Ma'am. Patience. "Sorry, Sir." I fake a smile. Sinagot ko na kasi ang daldal e. "Pero makinig na lang po tayo okay?" I rolled my eyes. "Class, kahit na kay gwapong bata ni Richard Lee at anak siya ng DepEd secretary, still, treat him as one of your ordinary classmate, okay? Huwag na sanang maulit 'yong nangyari last time na pinagkaguluhan siya. Kung sino mang mahuhuli sa gan'on ay mapapa-guidance, maliwanag ba? Approach him like an ordinary classmate." Ma'am. Tama si besty. Papakisamahan ko na lang siya. Or better yet, hindi na lang kausapin? Tama, tama. Umiwas ako ng tingin para tantanan na niya ako, pero ang Lee-ntik parang pinaglihi sa kulit. Talagang dinudungaw nito ang tingin ko, at talagang kumakaway kaway pa sa harap ko para magpapansin. "Alam mo Miss," aniya. "...wag mo na akong tawaging Sir, kasi sabi nga ni Ma'am treat me as one of your classmate, saka hindi lang naman ako gwapo..." medyo lumapit siya sa tenga ko at binulong ang pinaka WALANG KWENTANG BAGAY na narinig ko. ''Mabait rin. 'Di ba?" saka siya lumayo habang tatawa-tawa pa rin. "Oh. My. God! Ang swerte talaga ni Ayra!" "Feeling ko sobrang bango ni Richard!" "Kyaaaa! Sana ako na lang seatmate niya!" Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa binulong niya. "Joke 'yon?" bulong ko. "Ha?" inosenteng sabi niya. Mukhang wala siyang alam sa gan'ong mga sagutan. Rich kid kasi ang Lee-ntik. "Hatdog." sabi ko. Gusto kong tumawa kasi hindi niya alam na tino-talksh*t ko na siya. "Hatdog? Anong connect ng hotdog?" Gusto kong tumawa pero hindi ko ginawa! Hahahahaha! Never ako nambara ng kausap. Minsan kay besty, pero sa ibang tao, never pa. Sa kanya pa lang. Ang saya pala mambara! Humarap ulit ako sa board at hindi na siya ulit pinansin. Nagsimula na kasing mag-lesson si Ma'am at nagsimula na siyang magsulat sa left side ng board... at dahil nasa Row 1 ako ay kinailangan kong iusog ng kaonti ang armchair ko palayo sa kanya. "Psh, pakipot," he hissed. Napalingon tuloy ako sa pagtataka. "You know what? Tao ang lumalayo kapag ayaw niya sa katabi niya..." ...walang kahirap-hirap na hinigit niya ulit palapit sa kanya ang armchair ko, na para bang walang taong nakaupo dito. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. "Hindi 'yong armchair." Pagkatapos ay lumingon din siya sakin. Sa sobrang lapit ay kitang-kita ko ang features ng mukha niya't malapit na akong maduling. Magandang mata, matangos na ilong, pulang labi. At naiinis ako dahil aminin ko man o hindi, tama ang mga kaklase ko, talagang gwapo ang isang to. "Ehem." napatingin ako sa unahan at nakita si mam na nakatingin sa amin habang pinapanood na kami ng buong klase. "Unang pagkikita niyo pa lang at mukhang close na agad kayo ah? Share niyo naman 'yang pinag-uusapan niyo." "Nothing, Ma'am," aniya. "Nagtatanong lang po ako tungkol sa lesson." Tumango-tango si Ma'am habang nakatungo pa rin ako dahil naghahabulan pa rin ang t***k ng puso ko sa kaba. "Okay, that's good. Remember, Richard's performance is your performance, Miss Bicol. So guide him well..." muling paalala ni Mrs. Reyes. Muli akong napalingon sa Lee-ntik na katabi ko. Ngumisi siya sa 'kin at itinaas -baba ang kilay niya. I frowned saka iniwas ang aking tingin. Doon ay naramdaman ko ang mahinang pagtawa niya. Natapos ang dalawang subject namin nang kunot lang ang noo ko. Pagkaannounce ng recess ay agad kong inayos ang gamit ko para makaalis agad sa upuan na 'to. Pero bago pa ako makaalis ay nauna nang tumayo 'yong katabi ko... Bigla pa siyang may inilapag sa arm rest ko. Nang makitang isang rosas iyon ay kumunot lalo ang noo ako umangat ng tingin sa kanya dahil nakatayo na siya ngayon sa harapan ko. "Rose for you," aniya. Itinukod niya ang kamay sa armrest ko at bahagyang lumapit. Napa-layo tuloy ako at napa-iwas ng tingin. Umingay dahil sa pagtili ng mga kaklase naming nakakita. "Report me, then." Saka siya kumindat at naglakad palayo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD