Ayradel's Side Napatingin ako sa mukha ng taong humawak sa balikat ko. "Naman, Suho! Masiyado ka namang nanggugulat!" Tumawa siya at inayos ang itim niyang glasses bago napakamot sa gilid ng tenga niya. "Sorry! Sino namang sinisigawan mo kanina?" sinundan niya ng tingin 'yong direksyon na pinuntahan ng sasakyan ni Lee-ntik. "Parang pamilyar 'yong sasakyan na 'yon ah." Kumitid ang mata niya habang nakatingin sa sasakyan. "Ayokong pagusapan dahil Lee-ntik siya. Tara, tara. Papasok ka na rin ba? Sabay na tayo." tumango siya kaya nagsimula kaming maglakad. "Bakit parang ngayon lang kita nakita ulit?" "Nagka-lagnat lang." ngumiti siya. "Bakit, namiss ba ako ni Luisa?" Natawa naman ako sa tono ng boses niya. Si Suho Fernandez ay ang ka-schoolmate ni besty dati bago pa siya mag-transfer sa

