Chapter Fifty-one: Einok and Lene. "Ito ba ang aming apo?" "Oo Mrs. Portez, at ngayon sa tingin ko ay nasa panganib siya," sabi ni Ryan at humarap sa Hepe. "Pumunta na kayo sa paaralan, Hepe, ako na ang bahala kay Mr. Dixon." "Kayo," turo ng Hepe sa walong pulis. "Samahan niyo kaming pumunta sa paaralan at ang mga mga pulis na hindi ko tinuro ay samahan niyo si Detective Lopez pumunta sa bahay ni Mr. Dixon," nagsaludo ang labintatlong mga pulis, bago sila lumabas ng prisinto. Lumapit ang Hepe sa mag-asawa at kay May. "Mas maganda po siguro na umuwi muna kayo sa inyong bahay Mr. and Mrs. Portez, at ikaw naman Mrs. Dixon, bawal ka pang bumalik sa inyong tahanan, dahil hahalug-hugin ito ni Detective," tumungo si May. "Ayus lang naman sayo hindi ba?" "Mas gusto ko pong pasukin ang bahay

