Chapter Fifty-two: We are safe. "Peter." tawag niya sa pulis na nasa tabi niya. "Bakit po Hepe?" Napatigil ang Hepe at tinignan ang pulis na nasa harapan niya. Kung ipapautos naman niya sa iba ang trabaho ng detective ay baka magkagulo, at hindi mapagkakatiwalaan. Hindi magiging maganda ang ikakalabasan kung ipagkakatiwala niya sa iba ang kaso. "Wala, tulungan mo ang mga kasamahan mo roon." "Masusunod po Hepe." Pinagiisipan niya kung siya ang pupunta sa bahay ni Mr. Dixon. Kapag natapos na sila sa paaralan, siya mismo ang pupunta sa bahay na iyon para tignan kung nandoon ba ang katawan ni Raemalene. *** "Bilisan niyo! Hayaan niyo muna si Kerri kailangan na kailangan na nating makapunta sa pintuan!" Parang walang narinig si Elias sa sinabi ni Einok, dahil nakatingin lang ang lalaki s

