Chapter Forty-one: Hide and Seek? Hinahanda ni Elias ang almusal ni Kerri, para pagkagising nalang nito ay kakain nalang at magpapahinga ulit. Pagkabalik ni Elias sa klinika ay nakita niya si Kerri na nakaupo sa kama at nakatulala sa pader. "Gising ka na pala mahal, naghanda nga pala ako ng almusal mo, para makakain na kayo ng anak natin," nakita ni Elias si Kerri na tumulo ang luha nito. Kaya nataranta siya at lumapit sa babae. "May problema ba?" Pinunasan ni Elias ang mga luha na tumutulo sa mga mata ni Kerri. Nasasaktan siya, dahil nakikita niyang umiiyak ang kaniyang kasintahan. "Mahal mo pa ba ako?" Tinignan ni Elias ang babae sa mata at kinunutan ng noo. "Mahal mo pa ako hindi ba? Elias sabihin mo na mahal mo pa ako," hinawakan ni Elias ang magkabilang pisngi ng babae at hinalika

