Chapter Forty: Friends? "Einok! May multo! Pinasok tayo ng multo!" sumisigaw si Bianca nang makita niya si Lene na putikan. Kanina niya pa ginigising si Einok pero hindi pa rin ito gumigising. Hindi naman siya makababa sa kama para iyog-yog si Einok, dahil natatakot siya. "Hoy! Einok! Magising kana!" Binatuhan niya ng unan si Einok. "Ano ba Bianca! Kanina kapa, ang ingay-ingay mo," pagkamulat niya ng kaniyang mga mata nakita niya si Lene kaya pati ito ay napasigaw at napataklob ng kumot. "Bianca! May multo!" "Ano bang ginagawa niyo? Nagkaroon lang ako ng tuyong putik sa aking mukha multo na agad?" walang ganang sabi ni Lene sa dalawa, nagulat naman ang dalawa. "Lene?" sabay nilang sabi. Nagsibaba sila sa kanilang kama at nilapitan si Lene. "Ikaw ba talaga iyan Lene?" Tumungo si Lene

