Chapter Thirty-nine: The Bodies. *Tok*tok* "May tao ba?" Nagising si Ashtrid sa ingay na narinig niya sa labas ng pintuan. Buti nalang si Bianca, Lene, at Einok ay hindi nagising. Napakababaw pa naman ng tulog niya. Pagkabukas ni Ashtrid ng pintuan, nakita niya ang isang lalaki na may dalang maleta. "Pwede na ba akong pumasok? Kanina pa ak-," naputol ang mga sasabihin ng lalaki, dahil sinarahan siya ni Ashtrid ng pintuan, hindi naman niya kasi ito kilala, baka meroon pang gawing masama sa kanila. "Huy! Papasukin mo ako!" Binuksan ulit ni Ashtrid ang pintuan at tinignan ng nakakatakot ang lalaki. "Ano ba ang kailangan mo? Natutulog ang mga tao rito oh, hindi mo ba nakikita? Huwag ka ngang istorbo." "Grabe ka, ang sabi sa akin ng punong guro ay dito na ako ngayon matutulog, hindi k

