Chapter Thirty-eight: Where's The Body? "Sabi na nga ba, tama ang hula ko hindi ba? Tignan mo buntis agad, hahahaha," tinulungan ni Bianca si Einok na makatayo. "Bibiya ang isang bata, dahil bigay ito ng Panginoon, Ashtrid kaya hindi dapat ito ginagawang biro," napairap nalang ni Ashtrid at lumapit kay Lene na nakatunganga lang kung saan dumaan si Elias papasok ng paaralan. "Ayus ka lang ba? Huwag mo nalang silang pansinin, wala naman tayong magagawa kung inuna nila ang p********k kaysa sa kasal, nagmamadali kasing magka-anak. Alam kong mahal mo si Elias, pero kailangan mo na siyang makalimutan, dahil magkakaanak na sila ni Kerri." "Hindi iyon ang iniisip ko at hindi ko na mahal si Elias." "Huh? Ano pala?" "Ang buhay ni Kerri." "Nasaktan ka na nga buhay pa ng bruha na iyon ang iniis

