Kabanata Isa

1824 Words
*Pebrero 2, 1772* Naglalakad ang isang misteryosong nakasumbrelong lalake ng may makita syang abandunadong building at itong building na ito ay may nakasulat sa itaas  na "Keimusho" Hindi nya maintindihan ang pangalan kaya pinasok nya ang gusali. Ang akala nya ay isa itong abandunadong hospital pero ng makapasok sya ng mismong gitna ng building may nakita syang mga kulungan. Nang makakita sya ng isang buong katawan na bungo ay bigla nalang syang napatakip ng ilong dahil sa bulok na amoy ang kanyang naamoy sa isang kulungan. Pag ka silip nya isang nabubulok na  katawan na para bang kakapatay lang nito dito. Ang pag kakataka nya bakit dito pinapatay? Sunod sunod nyang tignan ang mga ibang kulungan at mag kakaparehas lang itong mga to. Kung hindi puro dugo, puro bangkay ng mga namatay at ang mas lalong ikinataka nya puto naka sara ang mga gate ng mga kulungan. Hindi nya maintindihan ang nangyare dito basta ang alam nya lang ay may pumapatay at hindi lang ito isa kundi dalawa. Napalingon sya sa kanyang likod ng may marinig syang parang babae na umuungol dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Pag karating nya sa ingay na yun. Nakita nya ang isang babae na duguan ang p********e dahil may nakatusok na bakal sa kanya puson. Nang hihingalo na ito sa sakit at malapit ng mawalan ng buhay. "Tu-long," pag kasabi nyang iyon ay dun na sya pumikit. Dun nya lang na pagtagpo na puro babae ang mga nasa kulungan. Wala syang nakitang lalake. Tumakbo sya palabas para sana humingi ng tulong pero sya ay napahiga ng sya may naapakan na isang pako sa kanang paa. Dahil sa sakit sya ay napapikit at gumapang para malabas. Binilisan nya ang kanyang pag gagapang ng may marinig syang tunog na nag lalakad. Unti unti itong lumapit sa kanya at hindi nag dalawang isip na pinugutan ng ulo. *Pebrero 2, 1822* May isang magasawa ang nag karon ng interest sa abandunadong kulungan, dahil sa malaki at mura lang ito. Binili nila at ginawa nilang paaralan. Madaming nag eenroll pero unti unti ding umaalis dahil sa isang pangyayare. Pangyayare na hindi nila malaman laman kung bakit every week may namamatay sa paaralan. May sabi sabi din na may mga nag paparamdam daw na kaluluwa at sila ay ginugulo ng mga ito. Pero ng dumating ang Pebrero 2, 1982, tumigil ang mga spirito at pag papapatay. Ang akala nila tapos na ang lahat ng iyon hindi nila alam ito ay nag sisimula palang. Pebrero 1, 2022 Nananahimik si Raelene sa pagkukuha ng kaniyang libro sa locker nang biglang may humigit sa kaniyang balikat at bigla siyang sinampal. "You w***e!" Ramdam ni Raelene ang mga titig sa kaniya ng mga estudyante at mga cellphone nilang vini-video-han sila. "Anong karapatan mong landiin ang boyfriend ko, ha? Ang kapal ng mukha mong pikutin siya!" Hindi niya pinansin ang babae kaya siya ay tumalikod at naglakad nalang paalis. "Someone corner her," madmaing humarang sa kaniyang dadaanan kaya hinarap niya na ang babae.  "What?" "You stole my boyfriend from me," lumapit si Raelene sa babae tinignan niya ito ulo hangang paa. Tinitigan niya ang babae na para bang sinasabi niya na kapag kinalaban mo ito ay siguradong masisira ang buhay mo. Dahil sa titig ni Raelene sa babae ay nanginig ito sa takot. "Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa titig mo?" Utal-utal na sabi nito. "May sinabi ba akong matakot ka?" Sasampalin na sana ng babae si Raelene nang mapigilan niya ang kamay nito. Nagulat ang babae sa bilis ng kaniyang kamay. Tinaray niyang makaalis sa hawak ni Raelene pero ito ay nabigo dahil sa higpit ng hawak nito. "Dont talk to me again or, else?" Tinitigan nya ito nang nakakatakot at binitawan ang kamay ng babae. Paalis na sana siya nang sabunutan siya ng babae. Napahawak siya sa kaniyang ulo para maalis ang pagkakasabunot sa kaniya at papatulan na sana ito nang marinig niya ang isang matandang lalaki na sumigaw sa kanilang dalawa. "You two in my office," seryosong sabi ng matanda. Bago sila sumunod sa lalaki ay binulungan siya ng babae at sinabing… "… I will make sure na maaalis ka sa school na ito," nginisian niya lang ang babae at mabilis na sinundan ang matandang lalaki. Naiinis siya. Bakit ba kasi palagi nalang sa kaniya binubuntong ang kasalanan ng iba? Wala naman siyang ginagawa? She's just new pero palaging lumalapit sa kaniya ang gulo. Ang hirap ng kaniyang buhay, palipat-lipat ng paaralan. Kung saan-saan nalang siya ini-enroll ng kaniyang mga magulang. Baka mamaya i-enroll na siya ng mga magulang niya sa boys school.  "SHE started it," nabuntong hininga nalang sya at nanatiling tahimik. Nasa principal's office sila ngayon at nag-uusap tungkol sa nangyari kaninang away. Kasalanan niya? Wala naman siyang ginagawa. In fact, inignore niya ang babae no’ng una and hindi niya nilandi ang boyfriend ng babaeng iyon.  "Miss Dixon? Care to explain?" Tinignan niya lang ang principal at binuksan ang kaniyang phone at saka niya ito sinagot. "I didn't do anything and I didn't stole her boyfriend." "Sabi ni Miss Anderson kaya raw nakipag-break ang boyfriend niya sa kaniya ay dahil inagaw mo." "Why would I do that? I don't need boyfriend." "Wag kana mag-sinungaling! Kitang-kita ko sa aking mga mata ang pag-hahalikan niyo ng boyfriend ko!" "Alam mo ba ang rules ng school, Miss Dixon?" Hindi nya ito pinansin. Tuloy pa rin siya sa pag-scroll sa f******k at panonood ng mga videos. "At about sa away kanina, Sir. Nananahimik lang ako tapos sinugod niya na ako at sinabi niya sa ‘kin na hindi na ako mahal ni Francis at ibigay ko na raw po siya sa kaniya. Grabe, sir hindi niya alam kung gaano po kasakit ‘yon sa akin. Hindi lang po ‘yon ang ginawa sa ‘kin ng babaeng ‘yan, sir. Sinampal niya rin po ako pagkatapos niyang sinabihin sa akin ‘yang mga ‘yon," napairap nalang si Raelene nang makita niya itong kunwareng umiiyak. She's good. Sure siyang paniniwalaan siya ng principal dahil sa kaartehan ng babae. Lalaki lang ‘yon, pinag-aabahalan niya? She's desperate to have a boyfriend at sobra niyang mahal ang lalaki kaya ayaw niyang mawala ito sa kaniya. "Alam mo bang ma-eexpel ka sa ginagawa mo, Miss Dixon?" "I don’t care. Expel me anytime you want." "See, sir? Ganiyan po pakikitungo niya sa akin kanina." "Miss Dixon, I will call your parents at papapuntahin sila rito para sabihin ang lahat ng ginawa mo. Bago ka pa lang sa paaralan na ito kaya huwag kang gagawa ng ikaka-expel mo."  "Pina-explain mo pa ako kung hindi ka naman pala maniniwala sa ‘kin? You just wasted my time, sir. Sabihin mo na sa ‘kin kung i-eexpel mo ako para hindi mo na kailangan tawagin ang magulang ko. Hindi lang naman isa ang paaralan sa Pilipinas." Nagulat ang principal sa sinabi ni Raelene at nanggigil kaya napatayo ito at sinabing lumayas siya sa kaniyang paaralan at huwag na siyang babalik pa. See? Ganiyan kalaki ang kaniyang problema. Lahat ng tao hindi naniniwala sa kaniya. Kahit anong sabihin at gawin niya, walang maniniwala sa kaniya dahil isa siyang newbie. Dapat hindi na siya nag-explain kung hindi naman pala papaniwalaan. Nagsayang lang siya ng oras at laway sa isang bagay na walang kwenta. Kinuha niya ang kaniyang bag at mabilis na lumabas sa Principal's Office. Pumunta muna siya sa cafeteria para bumili ng makakain. Pagkatapos niyang bumili lumabas siya sa paaralan at naglakad sa isang gusali na kahit isa wala kang tao na makikita sa paligid.  "Tulungan mo kami." "Ikaw ang kailangan naming." "Kailangan namin ang tulong mo." "Ikaw lang ang makakapatay sa kanya." "Sge na, binibini." Tila may naririnig siyang mga boses babae na bumubulong sa kaniya. Kaya nagtingin-tingin siya sa paligid pero pagkatingin niya ay napaatras siya nang makakita siya ng mga bangkay na nakahanay sa kalsada. Puro babae ang mga ito at puro nakasaya na palatandaan na ang mga dalagang iyon ay mga babaeng 17's. Ipinikit niya nang matagal ang kaniyang mga mata na akala niya mawawala ang mga bangkay pero pagkabukas niya ng kaniyang mga mata ay nakapaligid na ito sa kaniya at nagsasalita silang lahat na hindi niya maintindihan dahil sa lakas ng kanilang boses.  Nagising siya sa katotohanan nang hinawakan siya ng isang lalake sa balikat. Kaya napalingon siya rito. "Okay ka lang?" Tumungo lang siya at naglakad na papunta sa kanilang bahay.   "WHAT? Expelled ka na naman? Raelene, ilang school na ang pinasukan mo! Magtino ka naman! Nauubos ang pera namin ng daddy mo sa’yo!"  "I'm good, mom. Thanks for caring," aakyat na sana siya sa kaniyang kwarto nang pigilan siya ng kaniyang ama na nanggaling sa kusina. "Pack your things."  "Why?" "Ie-enroll kita sa ibang school." "Huwag niyong sayangin ang pera niyo sakin. Just like mom said."  "Just pack your things. Aalis tayo bukas," pagkatapos niyang makinig sa kaniyang ama ay dumeretsyo siya sa kanyang silid at nag-impake ng mga gamit. Hindi niya alam kung saan siya ie-enroll ng kaniyang ama pero dahil magulang niya, kailangan niyang sundin ang mga ito. Hindi niya maintindihan ang kaniyang ina. Simula kasi no’ng bata pa siya napakainit na ng ulo nito sa kaniya. Kahit anong gawin niya, hindi pa rin nagbabago ang trato nito sa kaniya.  Si Raelene ay isang babae na walang ginawa kung ‘di ang manahimik lamang at mag-cellphone buong magdamag. May kaya sila kaya nabibili niya lahat ng gusto niya at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Simula no’ng nag-highschool siya, nagsimula ang mga gulo na lumalapit sa kaniya. Kung hindi pagnanakaw, pag-aabuso sa tao ang binibintang sa kaniya. Kaya palagi siyang napapalipat sa iba't ibang paaralan. Kung iisipin mo isa siyang misteryosong babaena akala mo ay may sikretong itinatago na para bang may tumatawag sa kaniyang kaluluwa na tuwing gabi sa kaniya nagpaparamdam at sinasabing pumunta siya sa lugar na ‘yon dahil may kailangan siyang malaman. Katulad nalang no’ng kanina. Nakakita siya ng bangkay na kaluluwa. Wala siyang pakealam sa mga kaluluwang nakikita niya kaya isinasantabi niya nalang ang mga ‘yon. Pagkatapos niyang mag-impake. Kinuha niya ang kaniyang tuwalya at pumasok sa CR para maligo. "Paumanhin, binibini pero maari ba akong magtanong?" Hindi niya pinansin ang kaluluwang lalaki. Tuloy pa rin siya sa pagsasabon ng kaniyang katawan. Wala siyang pakealam sa mga kaluluwa kaya hinahayaan niya nalang ang mga itong makita ang kaniyang katawan. Patay na naman sila kaya pinapabayaan niya nalang.  "Ang sungit mo binibini," pagkawala ng kaluluwa bigla nalang siya nakarinig na parang may bumato sa kaniyang bintana. Kaya nagmadali siyang maligo at nagbihis. Pagkatingin niya sa labas ng kaniyang bintana ay may nakita siyang lalaking nakasilip sa bintana ng kanilang kapit bahay. Hindi niya ito kilala kaya isinara niya nalang ang bintana at humiga nalang sa kama.Napamura sya sa gulat ng kumatok ang kanyang ama. Tumayo sya at pinagbuksan ito. "Ssshhh tulog na ang iyong ina. May gusto lang akong ibigay sayo anak," kinuha niya ang kanang kamay ni Raelene at may ibinigay. "Rosario?" Tinungahan lang siya ng kaniyang ama at hinalikan siya sa noo. Habang nakahiga si Raelene sa kama at nakatitig sa kisame. Kinuha niya ang rosario at tinitigan. Isa itong lumang rosario na alam niya na hindi makakatulong sa kaniya. Bakit? Dahil hindi takot sa rosario ang mga spirito. Hindi mo sila basta-basta mapapaalis sa isang lugar kung doon sila namatay at kailangan ng hustisya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD