Kabanata Dalawa

1366 Words
Chapter Two: Keimusho University Pebrero 2, 2022 Nagising si Raelene sa pagkasara ng kaniyang mga mugalang sa pintuan ng sasakyan. Nagtingin-tingin siya sa paligid at nakikita niya na ang lugar na ito ay tago dahil sa gubat na nakapalibot sa paaralan. Bago siya lumabas ng sasakyan, meron siyang nakitang lalaki sa front seat at pagkatingin niya sa front mirror, nakatingin ito sa kaniya at may malaking ngiti sa labi. May dugo ang kaniyang leeg at ang mga mata ng lalaki ay kulay itim. "Hindi ka paba bababa?" Nawala ang lalaki nang tinawag siya ng kaniyang ina. Kinuha niya ang kaniyang backpack at bumaba sa sasakyan. Bago umalis ang kaniyang mga magulang, hinalikan muna siya sa nuo at sinabi na dadating maya-maya ang kaniyang iba pang gamit. "Miss Dixon, let’s go." Hindi muna niya sinundan ang babaeng matanda na kinausap ng kaniyang mga magulang kanina dahil sinusuri niya pa ang labas ng skwelahan. Walang estudyante sa labas kaya walang nakakakita sa kaniya.Habang naglalakad siya papasok ng paaralan may napansin siya sa isang bintana na isang babaeng nakasaya at ito ay nakasilip at tinitignan siya. Hindi siya natatakot sa mga multo kahit gaano pa ito kapangit o, kalaki.  Nang makaapak siya sa loob ng eskwelahan nakaramdam siya ng kaba at takot sa dibdib at para bang nanghina ang kaniyang katawan. Lumakas ang t***k ng kaniyang puso nang makita niya ang isang malaking picture sa gitna mismo ng paaralan papasok.  "Mr. Gregorio Del Rosario and Mrs. Bernadete Del Rosario." "Ang mag-asawang ‘yan ang nagpatayo ng Keimusho University. Kung wala sila, wala ang univesity na ito." Pinakinggan niya lang ang mga sinasabi ng principal na panay pa rin ang kuwento nito sa kaniya.  "Dito ang room mo sana mag-enjoy ka," Isang ngiti ang ibinigay sa kaniya ng principal bago ito umalis. Para bang sinasabi niya na mag-enjoy siya rito sa paaralan na ito, eh umpisa pa nga lang nakakamalas na. Para kasing hindi paaralan ito, para siyang kulungan na nilagyan lang ng pintuan.Dahil pagod siya sa biyahe dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para tignan kung may tao ba at hindi siya nagkakamali may tao nga isang babae at dalawang lalake? Bakit may lalake sa kwarto nya? Ang isang lalake ay naka bonet, yung isa naman wala. "Get out," pag kakasabi nya sa dalawang lalake. Kumunot ang noo ng lalake at tinitigan sya ulo hangang paa.  "Sino ka?" Seryosong sabi ng naka bonet na lalake.  "Hoy Elias umayos ka nga. Hindi ba halata? Sya ang huli nating magiging roommate," kung huhulaan mo ang kanyang idad ay masasabi na para syang 12yrs old dahil sa liit at pang bata na boses. Lumapit ang babae sa kanya at kinuha ang kanyang dalawang kamay. "Ako nga pala si Kerriel kerri nalang at yang dalawang lalake na yan ay sina Elias at Nash. Wag mo silang pansinin sadyang mga bastos na yan noon pa,"  "Raelene. Lene nalang," binawi nya ang kanyang kamay kay kerri at pumunta sa kanyang higaan. Nasa isang maliit na kwarto lang sila apat na higaan sa mga gilid, apat na cabinet, isang banyo, at dalawang bintana.  "Wag mong alalahanin ang mga lalakeng yan lene mababait naman sila pero minsan may pagkabastos masasanay ka den. Hindi ko den alam kung bakit nila naisip na pagsamahin nag lalake at babae sa isang kwarto. Basta ang alam ko walang rules ang skwelahan na ito. Pwede mong gawin ang gusto mo except sa lumabas ng University." "Matagal na kayo dito?" "Mag iisang taon palang kami. Sabay sabay kasi kaming nag enrolled dito," napansin ni lene na tahimik nag mga lalake. Buti naman kung ganon ang ayaw nya kasi sa mga lalake ay ang maiingay. Nakakairata. "Alam mo ba may chismis ako sayo," lumapit si kerri kay lene at umupo sa sahig.  "May kwento daw ang school na ito. Hindi ko nga alam sa magulang ko kung bakit ako inenrolled dito eh."  "Tigilan mo na yang pagkakalat ng storya na yan Kerri hindi yan totoo."  "Sus hindi daw totoo pero sinabi mo sakin na may nararamdaman kang kakaiba dito sa kwarto natin. Wag ka magsinungaling Nash. Totoo yun," Tumingin ulit sa kanya si kerri. "Alam kong totoo yun pero wag mong takutin yan."  "Mukha ngang hindi natatakot. Naniniwala kaba sa multo Lene?"  "Bakit?" "May multo daw dito." "Paano mo nasabi?" "Tumigil ka Elias masusuntok na kita," alam na agad ni Lene na may mga multo sa paaralan na ito pagpasok niya palang, pero ang hindi niya maintindihan paano nagkamulto? May kailangan dapat siyang malaman tungkol sa skwelahan na ito.  "May alam ka paba dito?"  "At kailan ka nagkainterest makichismis?" Tinignan nila si Elias at nilapitan ni Kerri sabay batok sa kaniya. "Kahit kailan talaga!! Papalayasin kita rito! Gusto mong matulog sa labas?" habang nag babangayan ang dalawa lumapit sa kanya si Nash at umupo sa kama ni Kerri. "Pagpasensyahan mo na. Maingay talaga yang dalawang yan. Matagal na kasi silang magkakilala mag-kakaibigan kami pero mas nauna si Elias na makilala si Kerri kaysa sakin." "Hoy ano yang binubulong mo kay Lene?! Lumayas ka nga riyan sa kama ko baka madumihan mo!" Hindi lang pala cute ang boses ni Kerri. Malakas din nakakabingi. Para siyang may mic sa bibig. "AAAAHHHHHHH!!!!!" Isang malakas na tili ang kanilang narinig, sa labas ng kanilang kwarto. Nagmamadali silang lumabas at nakita nila ang nag kukumpulang mga studyante sa isang kwarto na kanilang katapat.  "Kawawa naman yung babae."  "Nagpakamatay daw eh." "Talaga? Bakit daw?" "Ewan ko nga eh."  Mga bulong ng mga studyante ang nag lilikha ng ingay sa paligid. Sinilip ni Lene ang loob ng kwarto at nakita niya ang mga lalakeng nag-tatanggal sa patay na babaeng nagpakamatay gamit ang tali. Pagkatanggal ng katawan may napansin siya sa pulsuhan ng babae at ito ay isang scar na hugis bituin. Nagulat si Lene ng may humigit ng braso niya. "Hindi ka dapat nakikichismis diyan," si Elias pala ang humigit sa kaniya.  "Tara," kinaladkad sya ni elias papuntang likod ng University at pagkadating nila doon hinarap ni Elias si Lene. "Bakit ko ako dinala dito?" "Hindi mo dapat tinignan ang bangkay na iyon."  "Bakit naman hindi?" "Tangina wag ka nalang makulit sundin mo nalang ako." "Ito lang pala sasabihin mo dinala mo ako dito," aalis na sana si Lene ng pigilan sya ni Elias. "Hindi lang yon ang dahilan kung bakit kita dinala rito. Gusto kong malaman mo ang sikreto ng paaralan na ito." "Wala akong oras para riyan." "Believe me Raelene kinabukasan alam kong magtataka sa pagbago ng university at doon ka magtatanong sa akin. Kaya dinala kita rito, dahil bago ka palang at roommate ka namin." "Hindi tayo close."  "Wag kang pa cool please. Roommate ka namin kaya hindi namin hahayaan na hindi mo malaman ang sikreto ng paaralan nato." "Pwede ba? Deretsyohin mo na kung ano man ang sasabihin mo?" "Tangina bahala ka," iniwan siyang mag isa doon ni Elias. Dinala siya sa likod ng skwelahan tapos iiwan lang din naman pala siya? Ano ba problema ng lalaking yun? Papasok na sana siya ng makita niya ang isang malaking bituin na nakatatak sa pader at hindi ordinaryong pangtinta ang isiinulat dito. Ito ay isang dugo na parang kakalagay pa lamang, dahil may tumutulo pa.  "Ok ka kang Lene? May maganda bang tanawin sa pader na iyan?" "Hindi mo na kikita ang malaking bituin sa pader na ito?" "Bituin? As in Star? Nasaan?"  "Wala tara na," isinang tabi nalang ni Lene ang bituin na yun, dahil hindi naman pala nakikita ni Kerri. "Alam mo ba Lene? Gustong gusto kong magkaroon ng kaibigan na babae. Sawang-sawa na kasi ako sa mga mukha ng dalawang yun." "Sumbong kita." "Uyy huwag ahh, HAHAHA biro lang yun noh. Pero seryoso magkaibigan na tayo hindi ba?" Bakit nakikipag kaibigan si Kerri sa kaniya? Hindi niya ba alam na nakakakita ng multo ang kakaibiganin niya? First time niya kasing magkaroon ng kaibigan kaya nakakapagtaka at nakakapanibago. "Sama ka sa amin mamayang gabi?" Sabi ni Kerri habang umaakyat sa hagdanan. Madaming floors ang paaralan pero walang elevator. "Saan?" "Ahh tuwing sabado kasi 1am to 3am lumalabas kami ng kwarto at nililibot ang buong University." "Bakit nyo naman nililibot?" "Basta malalaman mo mamaya." "Nakita mo yung babae kanina?" "Oo" "Ano ang ikinamatay?" "Suicide."  "Gusto ko den makakita. Si Elias kasi hindi ako pinapakita huhuhuh." "Nakakaramdam ka ba ng mga spirito?"  "Ngayon lang. Hindi ko nga alam eh simula kanina nakaramdam na ako. Dati naman hindi payapa pa nga ang school na to." "May alam kaba sa nakaraan nito." "Nang school?" "Oo naman dami ko ng narinig na chismis sa paligid." "Meron ka bang sinasabi na hindi ko alam?" "Anong hindi ko sinasabi? Kerri?" "Wala hhehehe. Tara na sa dorm tutulog tayo para may energy tayo mamayang gabi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD