Kabanata Tatlo

1394 Words
Chapter Three: Meaning of Keimusho. "Lene? Leeennneeee," tinatry ni Kerri na gisingin si Lene pero hindi nila ito magising. "Bakit mo kasi isasama yan? Wala naman yang alam sa gagawin natin," Binatukan ni Kerri si elias. "Ano kamo?" "Wala. Tangina ikaw nanaman panalo." Nginisian ito ni kerri at bumalik sa paggigising kay lene. "Hayaan nalang kaya natin muna sya mag pahinga? Pagod yan sa byahe kaya ganyan," "Ano kaba nash, sabi nya saakin kanina kapag hindi ko sya ginising malalagot ako. Ayaw ko pang mawala sa earth. Nakaktakot kaya sya," "Buti pa sa kanya takot ka sakin hindi," "Bahala ka dyan elias wala akong panahon para makipag bangayan sayo," Dahil sa ayaw magising ni lene. Kinurot ni kerri ang kanyang pisngi na madiin. "Sino ba yun!" "Waaahhh! Lene! Naakatakot ka naman!" "Bakit ganyan ang mga suot nyo? May papatayin kayo?" Ang mga suot kasi nila ay balot na balot na damit na black. Para silang mga ninja, pati mukha nakataklob maliban lamang sa mata. "Syempre may gagawin kami. Kaya pwede ba? Mag suot kana," ibinato ni elias ang extra nilang suit kay lene. Ano bang problema ng lalaking ito sa kanya? Bakit palaging galit ito? Meron ata ang lalake kaya palaging beast mode. Habang nag susuot ng damit si lene narinig nya ang mga bulong ng kanyang roommate. "Saan nga ulit ang morgue ng school?"-Kerri. "Sa dulo ata?"-Nash. "Nakakatakot naman tong gagawin natin. Isang taon na ako dito pero ito ang pinakanakakatakot na gagawin natin." "I'm here Kerri,"- Elias. Nang matapos mag bihis si Lene lumabas sya sa cr at sinabing. "Tara na sa morgue," "Hala ang sexy mo lene! Huhuh sana all!!" "Sexy ka kerri hindi lang halata. Kaya tara na," "Bwesit ka nash. Mukha kang pwet," Dahan dahan nilang binuksan ang kanilang pintuan at nang makalabas silang lahat, ang hallway ay wala niisang ilaw kaya madilim. Dahil sa takot ni kerri napahawak sya sa braso ni elias at sumiksik dito. Bago sila mag patuloy sa paglalakay kumuha muna si nash ng flashlight para makita nila ang kanilang dadaanan. Nauuna si nash sa kanilang apat at nasa huli ang dalawang magkadikit na kerri at elias. Ang nasa isip ni lene bakit magkadikit ang dalawa eh wala namang nakakatakot sa ginagawa nila. Wala ngang ka thrill thrill. "Ay tae ng kalabaw," "Elias!!! Wag mong higitin ang damit ko!" "Anong pinagsasabi mo? Eh ikaw nga tong nakahawak sakin wala naman akong ginagawa sayo. Staka manahimik ka nga ang ingay ingay ng bunganga mo," kahit bulong ang pagkakasabi elias kay kerri ay rinig na rinig ni lene kaya hinarap nya na ang dalawa, at imbis na pagsabihan sila na tumahimik nakapansin sya ng isang bata na nakakapit sa damit ni kerri. Kaya pala sinabi ni kerri na hinila ni elias ang kanyang damit. May isang batang kaluluwa pala ang naligaw. "Hoy ano yang tinitignan mo lene? Wag nga nakakatakot eh," tinignan nya sa mata si kerri at nilapitan sabay pasimpleng kinuha ang kamay ng bata. "Wala," "Nasa dulo na tayo ng school wala namang morgue na nakalagay dito,"-Nash. "School to kaya bakit sila mag lalagay ng sign na Morgue," seryosong sabi ni lene. "Kung may morgue dito. Itatago nila ang kwarto na yun, dahil wala namang morgue sa school." Dugtong nya dito. Ikinalabit sya ng bata at may itinuro na pintuan. Ang pintuan na nakakadena at naka lock. Nilapitan ni lene ang pintuan na yun at hinwakan ang lumang kadena. "Ito naba yun?" Singit ni kerri at tinignan ng mabuti ang padlock. "Bakit nakalock?"- nash. "Hindi ito ordinaryong padlock. Isa itong makaluma at sa taong ito sigurado akong wala ng ganitong susi," "Hindi natin masisira ang kadena kahit gaano pa ito kaluma," sabi ni lene at hinarap ang tatlo nyang kasama. "Alam nyo ba kung saan dinala ang katawan ng namatay kanina?" "Dito?" Mahinang sabi ni nash at itinuro ang pintuan na nakalock. "Kung dito nila dinala ang katawan marahil ay nakabukas ito. Kaya hindi dito dinala ang katawan," "Detective ka Lene?" "Hindi Kerri sadyang may utak lang," bagkakabasag ni lene kay kerri. Totoo naman ang pagkakasabi ni lene hindi naman detective palagi ang makakatuklas ng lahat. "Ang harsh," "Sino ba ang nakaisip ng planong ito? At paano nyo nalaman na may morgue dito?" "Lahat ng studyante dito alam yan at ang ikinatataka namin bakit merong morgue dito,"-nash. Napansin ni lene na hindi nag sasalita si elias at palagi itong nakatingin sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang meaning ng Keimusho Raelene?" Seryosong tanong ni elias sa kanya. "Prison," "Exactly we're all prisoners. Bawal tayong lumabas sa paaralan na ito kaya isa isa tayong mamatay dito," "Tumahimik ka pre," "Bakit Nash? Natatakot ka? Bakit hindi nyo na tanggapin na isa isa tayong mamamatay dito?" "Sabing tumahimik ka," "Tignan mo kanina may namatay. Isa isahin nila tayo dito. Hindi sila titigil hanggat hindi sila nabibigyan ng hustisya," "Matagal ng wala yan elias," "Hindi mo masasabi kung kailan sila papatay ulit. Kaya kailangan nating mag ingat. Nagsisimula palang sila," "Bakit alam mo ang lahat ng yan elias?" Nagtatakang tanong ni kerri. Kung kanina nakahawak si kerri sa braso ni elias ay ngayon ay nakahawak na ito sa kamay. "Bago ko napagdesisyonan na pasukin ang skwelahan na ito niresearch ko muna kung ano ang nakaraan nito. Hindi ko sinabi ang mga ito sa inyo dahil ayaw kong problemahin nyo yun," "Sa dorm na natin pag usapan yan," seryosong sabi ni lene. Kinuha nya ang flashlight kay nash at derederetsyong naglakad papunta sa kanilang kwarto. Nang makapasok silang lahat sa silid nasa si upo sila sa sahig. "February 2, 1682. Na nag disisyon ang Presidente ng Pilipinas at ng Japan na mag tayo ng isang kulungan. Kulungan ng mga babae at tinawag nila itong Keimusho. Nagkaron ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng  Pilipinas at Japan. Dahil sa galit ng ating Presidente nag utos sya sa kanyang mga tao na patayin ang lahat ng mga tao sa kulungan na iyon. Kaya naging abandunado ang Keimusho at wala ng nagtatakang pumasok o dumaan doon, dahil kapag may dumaan sa building na yun ay papatayin agad. February 2, 1882 doon itinayo ang Keimusho University dahil sa mag asawang nagkaron ng interest dito. Yun lang ang alam ko," "Sobrang tagal na," sa pagkakasabi ni nash ng salitang iyon ay biglang nagbukas ang kanilang bintana dahil sa malakas na hangin. Napatingin silang lahat dito at sinarado den naman agad ni nash ang bintana. "Sa sobrang tagal sure ako na hindi tao ang pumapatay dito," "Ayaw ko na makinig sa inyo tutulog na ako," humiga si nash ssa kanyang higaan at nag taklob ng kumot. "Ako den huhuhuh. Elias tabi tayo," wala ng nagawa si elias kundi ang sundin ang kanyang matalik na kaibigan. Pero bago humiga si elias ay tinignan nya muna si lene na naka upo parin sa sahig at nakatulala. "Sleep lene. Pagod ka kaya kailangan mo ng pahinga," Hindi pinansin ni lene ang mga sinabi ni elias. Kaya nahumiga nalang si elias sa kanyang kama at niyakap si kerri. Mahimbing na natutulog ang tatlo, subalit si lene ay palipat lipat ng pwesto ng higa. Hindi sya makatulog dahil sa kanyang mga nalaman. Para bang may tumutulak sa kanya na alamin ang lahat at bigyan ng hustisya ang mga pinatay. Alas tres na ng madaling araw hindi parin sya makatulog. "Can't sleep?" Napaupo sya sa kanyang kama at nakita si elias na nakatayo sa bintana at nakatingin sa kanya. Tumayo si lene at sinabayan si elias na tignan ang kalangitan. "Unang pasok mo palang ba dito may naramdaman ka den?" Mahinang tanong ni lene kay elias. "Yes" alam nya na, na hindi lang sya ang nakaramdam non. "Bakit mo natanong?" "Ako den, at para bang may bumubulong saakin na hindi ko maintindihan," "Kailan kayo nag kakilala ni kerri?" "Kami ang unang magka dormmate at don sya nakilala," "Girlfriend mo ba sya?" "Bakit mo naman natanong yan? Kebago bago mo palang eh," "Curious lang mukha kasi," "Mahal ko sya," "Bakit hindi ka umamin?" "Ano bang pakeelam mo?" "Bakit? Masama bang mangeelam?" "Oo! Napakasama lalo na sa taong hindi mo ka close," "Makatulog na nga lang kabadtrip ka," Napakainit talaga ng ulo ni elias kay lene. Pero wala kang magagawa kung ayaw sayo ng isang tao. Sino ba naman si lene? Isa lang naman syang babae na nakakakita ng multo. Ang babaeng ipinanganak ng malas. Palagi nyang sinasabi na "sana normal nalang ako katulad ng iba. Sana hindi nalang ako ipinanganak. Sana hindi nalang ako nabuhay" Ang dami nyang problema pero hindi nya ipinapahalata, at ayaw nya na may maka alam ng sekreto nya. Pero anong magagawa ko eh nandito na naman sya kaya kailangan nyang tapusin ang problemang ito. Kaya ipapangako nya sa mga namatay na bibigyan nya ito ng hustisya at balang araw ay malalaman nya kung sino ang pumapatay. Bago nya pinikit ang mga mata tinignan nya muna ang bata na multo at nginitian sya nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD