Kabanata Apat

1429 Words
Chapter Four: First day of class. "Elias!" "Ano nanaman?" "BIlisan mo kumilos naiinis na ako sayo. kupad-kupad mo! Malilate na tayo." "Oo agang-aga ang ingay mo!" Lahat sila nakabihis na ng uniporme, samantalang si Elias ay naliligo pa. Kaya mainit ang ulo ni Kerri. Nakaupo ang tatlo sa kanilang mga upuan nang may bumukas ng kanilang pintuan. "Hindi paba kayo lalabas? Mag faflag ceremony na." "Hinihintay pa namin si Elias, Oddete." "First day of class ngayon, Kerri. Wag kayong magpapalate." "Oo. salamat." "Lene wait mo si Elias punta na kami sa labas." "Sge Kerri," pinanood niya ang dalawa na lumabas, sabay higa sa kanyang kama. Inaantok pa siya, pero bawal siyang matulog ulit, dahil first day nila ngayon. Gusto niya sanang sumabay kila Kerri, pero inutusan siya na hintayin si Elias. Ayaw niya kasing makasama ang lalaki. Oo, inaamin niya sa kanyang sarili na hindi siya sanay na may kasamang lalake, dahil simula nong ipinanganak siya, nasanay siya ng mag-isa. Walang may balak na makipag-usap sa kanya. Hindi kasi siya friendly at madaldal, madami din na nagsasabi sa kanya na weird. "Bakit hindi kapa sumabay sa kanila?" "Ahhmm." "Nevermind. Alam kong si Kerri ang nag utos sayo," tungo lang ang sinagot ni lene kay Elias. "Tara. Ayaw kong malate ka unang pasok mo pa naman," napangiti si Lene doon. Ngayon nalang kasi sila ulit nakapag usap, simula nong linggo ng madaling araw. Hindi niya alam kung bakit siya ngumiti, basta ang naisip niya ay unti-unti na itong na sasanay sa kanya. "Saan nga pala ang flag ceremony?" "Sa labas." "Kumain ka kaya muna?" "Wala na akong oras para kumain. KIta mo na ngang malelate na tayo tapos pagkain ko pa ang iintindihin mo?" "Ahhmm. Masama kasi ang magpalipas ng gutom, lalo na kung nagaaral ka, hindi ka makakapag focus." "Wag mo akong intindihin." Pagkarating nila sa labas ng skwelahan, nakahinga sila ng maluwag, dahil wala pa ang Principal. Nakita nila ang madaming estudyante na mahigit limang daan na nakapalibot sa watawat ng Pilipinas. Nang makita nila sila Kerri ay naglakad sila palapit doon. "Buti nalang nakaabot kayo. Kupad kasi." inirapan ni Kerri, si Elias at tinalikuran. Napakamot nalang si Elias, dahil sa inis. "Hayaan mo na si Kerri. Ganyan talaga kaming mga babae kapag meron. Intindihin mo nalang." "Magandang umaga, sa inyong lahat. Ako nga pala si Ruth Santiago ang inyong Punong-guro. Gusto kong sabihin sa inyo na mag-saya at mag-aral kayo ng mabuti. para ang buhay ay bumuti," "Nagpapatawa ata ang Principal natin. hahaha." bulong ni Nash, kay Elias. "Isang karangalan ang turuan kayo ng aming mga guro. Alam kong madaming nagtataka sa nangyare nong Sabado, pero wag na po nating alalahanin ang problemang iyon." "Gagi, wag kang maingay. Madaming makakarinig sayo," "Kaya nga binulong ko sayo diba?" "Rinig kita," "Nakakagulat ka naman Lene. Bigla-bigla ka nalang nagsasalita, wag namang ganon. Hanggang ngayon natatakot parin ako sa kwento ni Elias eh," mahinang sabi ni nash. "Sge, sa susunod magpapaalam na ako, bago magsasalita." "Ha ha ha nakakatawa." "Sana maging masaya kayo rito. Salamat." "Seryoso ba siya? Hahahahah nong una masaya, pero nagiging boring kapag tumagal ka rito." "Ang dami mong reklamo Nash. Wala ka rin namang magagawa. Nandito kana eh," pagkatapos pagsabihan ni Kerri si Nash, nauna siyang maglakad at sinabayan naman ito ni Elias. "Pwede magsalita?" "Bawal," "Ok," Katulad nina Kerri at Elias. Naglakad na rin sina Nash at Lene papunta sa kanilang klase. Hindi alam ni Lene kung ano ang una niyang klase, basta sinusundan niya lang sila Kerri. Nang paakyat na sila sa thirdfloor ng school, biglang nag salita si Nash. "Para silang magjowa ano?" tinignan ni Lene sila Kerri at Elias na magkahawak kamay. "Sa tingin ko. Magiging sila," tungo lang ang isinagot ni Lene sa kanya. Wala kasi siyang mood para magsalita, na para bang hindi sang ayon ang kaniyang puso sa mga nirinig. Ano itong nararamdaman niya? Bakit siya nagkakaganito? "Ok ka lang Lene?" nag-aalalang tanong ni Nash, nang makita nito na nakatulala kila Kerri. "Oo," Bago makapasok si Lene sa klase ay may naramdaman siya na para bang may dumaan sa kaniyang gilid. Pero bakit ramdam lang? Kung may mararamdaman siya, dapat ay nakita nya ang multo na iyon na dumaan sa kaniya. Hindi lang iyon ang kaniyang napansin. Pati rin ang isang babae na nakaupo sa unahan ng silid aralan. May nakita siyang bituin na scar sa pulsuhan nito. Hindi ba niya nakikita ang bituin na iyon sa pulsuhan niya? At bakit meron siyang ganon? "Miss Dixon? Papasok kaba?" nawala ang kaniyang atensyon sa bituin, dahil sa babeng guro na tumawag sa kaniya. Pagkatingin niya ulit sa babae at sa pulsuhan ay bigla itong nawala. Kaya hindi niya na ito pinansin. Siguro ay muni-muni niya lang yon. Pumasok siya sa silid aralan at tumabi kay Elias, dahil yun lang ang bakanteng upuan. "Welcome students. Ako nga pala si VickyTrilly ang inyong guro sa buong taon," Hindi nakinig si Lene, sapagka't ayaw niyang mag-aral. Masakit daw sa ulo kaya ayaw niyang makinig. Kaya imbis na tumunganga sa pader ay natulog nalang siya magdamag. Nagising si Lene nang maramdaman nya na wala ng estudyante sa kanyang paligid. Napatayo sya nang may marinig syang ingay sa labas. "Huwag kang tatalon Oddete. Please huwag." Nakita niya ang mga estudyante sa labas ng paaralan at nakatingin ito sa itaas, kaya tinignan niya rin ito. Isang babae na nakatayo sa rooftop at handa na itong tumalon. Kung tatalon ang babae ay maari itong mamatay, dahil sa taas ng building. Mahigit na limang palapag ito sa laki. Gusto niyang iligtas ang babae, pero meron din sa isip niya na wag mangielam. Nang titigan niya ang babae kusang tumakbo ang kaniyang mga paa para pumunta sa kabilang building at iligtas ang dalaga. Iniwas-iwasan niya ang mga estudyante na madadaanan niya at nag sosorry, kapag may nadadanggil. Sa bilis ng kaniyang takbo nakarating agad siya sa rooftop ng dalawang minuto. Para hindi siya maramdaman ng babae, mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang braso at inilayo sa mataas na pwesto. Hinarap ni Lene ang babae sa kaniya, pagkaharap nito ay nakita ang mga mata ng babae ay naging normal. Bakit buong itim ang mata nito?  "Lene? Ok ka lang? Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo. Hindi mo ba gusto?" Isang tanong ni Nash ang nakakuha ng atensyon ni Lene. Tinignan niya muna ang kaniyang pagkain bago tumingin kay Nash at sinabing. "May iniisip lang." "Don't think, just eat," pagkasabi non ni Elias kumuha siya ng ulam sa kaniyang plato at ibinigay kay Lene. Tinunguhan lang ito ni Lene. Wala siyang gana kumain, dahil sa panaginip nya kanina. Ang babae na magpapakamatay sa kabilang building. Hanggang ngayon iniisip nya parin, lung bakit niya napaginipan ang babaeng yun. Alam niya na may purpose ang panaginip na yun. Yung babae kasi na nakita niyang may bituin sa pulsohan at ang babae na napaginipan niya ay iisa. Yun din ang babae na nagsabi sa kanila kanina na huwag magpapalate. "Ma'am! May magpapakamatay nanaman po," sigaw ng babae ang kanilang narinig sa buong cafeteria at madami na rin ang nagsitakbuhan palabas. "Makichismis tayo." "Walang lalabas," pagpipigil ni Elias kay Kerri. Silang apat lang ang natira sa cafeteria. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagkakakain nang may marinig silang tunog sa kitchen. "Diyan lang kayo," mahinang sabi ni Lene. Tumayo siya at dahan-dahan naglakad papasok ng kusina. Bakit ang dilim dito? Parang nawalan ng kuryente sa dilim. "Wag po. Tama na po," Nakarinig ng isang boses babae si Lene sa dulo ng kusina. Isa itong natatakot at kinakabahan na boses. Nang makita nya ang babae ay may nakita rin siyang lalaki. Lalaki na inaabuso ang babae. Hahalikan na sana ng lalaki ang babae, nang biglang sumingit si Lene ang sinuntok sa pisngi ang lalaki. "Huwag mo siyang hahawakan," nilapitan niya ang babae at itinago sa kaniyang likod. "Hindi ko alam na magiging dalawa ang tanghalian ko," malanding sabi nito, sabay binasa ang labi. Biglang nanlito si Lene sa nakita niya. Sino ba naman kasi ang lalaking gagawa nito sa babae? "Kung ako sayo, aalis na ako rito, dahil kapag nakita ko pa yang mukha mo baka matuluyan kita," ito ang hindi niya pa nararamdaman. Ang pakiramdam ng niligtas at pinotektahan. Para siyang tanga na nakatitig lang kay Elias na nakikipagsuntukan sa lalake. Feeling niya ligtas siya kay Elias. Pagkatapos nitong makipagsuntukan sa lalake, tinignan ni Elias si Lene mula ulo hanggang, sabay lapit kayna. "Lets go," lalapitan na sana ni Lene ang babae, pero pinigilan siya ni Elias. "Huwag mo ng isama yan. Baka madamay ka ulit." "Ano?" "Iwan nanatin yan." "Bakit?" "Wag ka ng madaming tanong," gusto niya sanang isama ang babae sa kanila, pero wala siyang magawa kung hindi ang sundin si Elias. Kaya iniwan nalang nila ang babae. Ligtas nanaman ito, dahil ang lalake na nagtangkang gahasain siya ay tulog na, dahil sa mga suntok na natamo nito kay Elias. "Pwede ba? Wag kang pupunta sa isang lugar na hindi ako kasama? Nang hindi kami kasama?" "Sorry." Pagsosorry lang ang sinagot ni Lene, dahil kung sumagot pa siya kay Elias, baka mas lalong magalit ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD