Kabanata Lima

1361 Words
Chapter Five: Her Dream. "Kumain kana," pagla-lambing ni Elias sa kaniyang kaibigan. Ayaw nitong kumain at nakahiga lang sa kama. Isang trahedya kasi ang nangyare kaninang tanghali. Nalaman nila na nasa hospital ngayon si Oddete at nag-aagaw buhay.  Nakatulog si Kerri nang hindi pa kumakain, kaya labis ang pag-aalala ni Elias dito. Hindi kasi siya sanay na hindi kumakain ang dalaga sa tamang oras, pero kahit anong pilit niya, ay hindi parin ito kumakain. "Hayaan nalang muna natin siyang magpahinga. Sigurado ako na kakain din yan bukas," nagulat si Lene nang mabilis itong naglakad at padabog na isinara ang pintuan. Ito nanaman sila magkagalit. Bakit ba kasi ang bilis magbago ang mood ng lalaking ito? Hindi niya ito maintindihan. Nagsusuggest lang naman siya kung ano ang dapat gawin. "Intindihin mo nalang. Ganon talaga si Elias pagdating kay Kerri. Sobrang protective," pagpapalakas ni Nash sa kaniyang loob. Magkaibang-magkaiba talaga ang ugali ng dalawa. Hindi niya nalang sinagot si Nash. Wala siyang masabi sa nangyayare, dahil hanggang ngayon ay iniisip niya parin ang kaniyang panaginip. Kaya imbis na magstay sa kwarto ay lumabas din siya at pumunta sa likod ng paaralan. Palubog na ang araw, kaya napagisipan niya na humiga sa d**o. Habang nakatingin sa kulay asul na langit, ay nakarinig siya ng yabag. Nagulat nalang siya ng may tumabi sa kaniyang hinihigaan. "Napakaganda ng kalangitan," napapikit siya sa ganda ng boses na kaniyang narinig. Isang boses na gusto niyang marinig araw-araw. Ang boses ni Elias. Ang sarap pakingan ng kaniyang mga tinig lalo na kapag siya ang kinakausap nito. Pagkamulat ng kaniyang mga mata, siya ay tumingin kay Elias na nakatingin din sa kaniya. "Sino kaba talaga? Lene." "Isa lang akong babae na napakagulo ng buhay." "Alam kong hindi lang yan ang kwento mo." "Ok." "Lene, pwede mong sabihin ang lahat ng tinatago mo sa akin." "May tinatago ba ako?" "Alam kong may alam ka sa mga nangyayare ngayon," tumingin si Lene sa langit at sinabing. "Hindi lahat ng bagay ay dapat mong malaman." "May tinatago ka nga." "Ano naman yun sayo? May magbabago ba kapag sinabi ko?" "Meron." "Imposible yun." "Tutulungan kita," napangiti si Lene sa sinabi ng lalake. "Pero sa isang kondisyon," "Ano?" "Tulungan mo akong mapasaakin si Kerri," ang mga ngiti na ipinakita niya kanina ay ngayo'y naglaho at naging pilit na ngiti. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib at nanghina. Meron sa isip niya na tulungan ang lalaki, pero meron din sa isip niya na huwag tulungan. "Bago ako pumasok sa silid aralan may napansin ako sa pulsuhan ni Oddete. Isang marka na bituin. Para bang may kumuwit sa pulso niya at nag marka," nang makita niyang nakikinig si Elias, pinagpatuloy niya ang pag kekwento. "Napaginipan ko si Oddete kanina sa klase na tatalon sa kabilang building, pero hindi naman siya nasaktan sa panaginip ko, dahil nailigtas ko siya." "Alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay buhay parin si Oddete at nakaligtas sa pagkakamatay." "Konektado ba ito sa panaginip ko? Dahil ba sa akin kaya hindi namatay si Oddete?" "Nakakita ka rin ba ng bituin sa pulso dun sa babaeng namatay noong isang araw?" "Oo." "Kapag may nakita ka ulit sabihin mo sa akin, dahil pati rin ang bituin na yun ay konektado sa pagkamatay niya." "Bakit ka nakikipagusap sa akin?" "Hindi ba tutulungan mo ako? At tutulungan kita?" Nakangising sagot ni Elias sa kaniya. Maghapon silang nakahiga sa damuhan at nakatingin lang sa kalangitan. "Tara na masama ang magpagabi sa labas." Naunang umalis si Elias, samantalang si Lene ay nakatingin lang sa isang multo na may kulay pula ang mata. Tinitigan niya ito ng mabuti, dahil baka namamalik mata lang siya. Minsan lang din siya makakita ng lalakeng multo. Paalis na sana siya nang makita niya ang multo na ngumiti na katakut-takut na ngit. Bakit ganitong multo ang kaniyang nakikita? Pwede ba yung poging multo naman? Nagmadali siyang pumasok sa paaralan at pumunta na sa kanilang kwarto. "Anong nangyare sa mukha mo?" pagtatakang tanong ni Nash kay Lene, pagkasarado ng pintuan. Takot at kaba ang makikita mo sa mukha ni Lene, dahil sa pawis at paghahabol ng hininga, binigyan siya ng panyo at tubig ni Nash. "Para kang hinahabol ng kabayo ahh? Baka naman nakakita ka ng multo, hahahaha," kung kay Nash ay biro ito, kay Lene ay hindi. Unang beses niyang matakot sa buong buhay niya. Para kasing hindi multo ang nakita niya, parang demonyo. Imposible kayang demonyo ang nakita niya? Pero bakit? "Bakit pagod na pagod ka? At bakit ang tagal mong dumating?" "Wala Elias. nakakita lang ako ng ibon, hinabol ako," "Hahahahahah, patawa ka Lene? Hahahaha," dahil sa ingay ng tawa ni Nash. Gumalaw ang katawan ni Kerri. Kaya naasar si Elias at binatuhan ng unan si Nash. "Manahimik kang hayop ka," "Ang arte mo Elias. Gumalaw lang ang katawan nangbabato kana. Malamang gagalaw yan buhay yan eh." "f**k you," "Yes daddy f**k me more," "Tangina ka kadiri ka," lumapit si Nash kay Elias para asarin, habang si Lene ang nakaupo sa kaniyang higaan at iniisip ang sinabi sa kaniya ni Elias. Paano niya tutulungan ang lalaki kung wala siyang alam sa mga ganyan? Hindi pa nga siya nagkakaroon ng kasintihan or unang halik manlang. Hindi rin siya marunong magpaamo ng lalake. Hindi rin siya marunong magmahal. Natatakot siya na kapag nalaman ng kaniyang magiging kasintihan na nakakakita siya ng multo ay baka ipagtabuyan siya. Natatakot din siya na baka masaktan niya ito at hindi mapasaya. Biruin mo ang isang eighteen years old na dalaga ay hindi pa nakakaranas magkaron ng kasintahan o halik manlang. Kaya pala nagiging malapit si Elias sa kaniya kasi meron itong kailangan sa kaniya. Habang nag-iisip ng kung ano-ano. Bigla niyang na-alala ang sinabi ng kaniyang ama. "Kung darating man ang panahon na iibig ka anak, huwag mong hahayaan na masaktan ka o makasakit ka, dahil and pag-ibig ay isang tulay ng magkasintahan para sila ay mabuhay ng masaya man o malungkot. Ang pag-ibig ay hindi puro saya lamang, dahil may pagsubok na ibinibigay sa atin ang Diyos. Kung ano man ang mangyare, kailangan mong tanggapin, kailangan niyong lumaban." Napangiti siya nang maalala niya ang mga yun. Ang sinabi ng kaniyang ama na hindi niya makalimutan. Kinuha niya ang rosario na ibinigay ng kaniyang ama at tinitigan. "Matutulog na kami Lene, goodnight," tinunguhan niya lang si Nash at tinignan si Elias na ngayo'y nakahiga na nakatingin kay Kerri. Lungkot at pag-aalala ang makikita mo sa wangis nito. Bago bumagsak ang kaniyang mga mata, nakita niya si Elias na tumingin sa kaniya, at doon niya tinanggap ang lahat. Dahan-dahang nag susuot si Lene ng kaniyang uniporme nang may marinig siyang may nabasag na baso. Kaya minadali niya ang pagbibihis at lumabas sa banyo. Gusto niyang alisin ang pag kakatitig sa demonyo pero hindi niya magawa. Para bang pinipigilan siya ng demonyo na gumalaw. Ang kaniyang nakikita ay isang demonyo na pula ang mga mata at malalaki ang mga galamay. Malaki ang ulo nito, walang bibig at ilong, puro dugo ang mukha at katawan. Gusto niyang saktan ang sarili para magising sa pananaginip, pero hindi niya magawa. Naparalyse siya ng demonyo. Nakatitig lang siya sa mga mata nito at nalalagutan ng hininga, dahil parang hinihigop ang kaniyang hangin sa katawan. "Aarrcckkkk!" "Lene?" Nilapitan ni Kerri si Lene sa kaniyang higaan para malaman niya kung bakit nagli-likha ito ng tunog. Binuksan niya ang ilaw at nagulat sa kaniyang nakita. Si Lene napakaputla at nanginginig ang buong katawan. "Elias! Nash! Gumising kayo si Lene!" Kabang-kaba si Kerri sa kaniyang nakikita, kaya napaluha na ito. Nang magising ang dalawang lalaki, mabilis nilang nilapitan si Lene at sinubukang gisingin. "Lene! Gumising ka! Sge na!" Hindi mapigilan ni Kerri ang mapaluha sa nakikita. Ang kaibigan niya nag-aagaw buhay. "Gisingin niyo Nash! Bilisan mo! Hindi na makahinga si Lene!" "Wag kang maingay!" Sigaw ni Nash, pati si Nash ay kinakabahan narin. Ayaw niyang mawalan ng kaibigan kaya tinatry niyang gisingin si Lene. Habang si Elias naman ay nakatitig lang kay Lene at pinapanood kung paano ito nawawalan ng hininga. "Let me," ipinagabi ni Elias si Nash at mabilis itong sinunggaban ng halik ni Lene, para bigyan ng hangin. Pagkatapos nitong halikan tumigil sa panginginig si Lene at umayos na rin ang paghihinga. "Ayus na matulog na kayo ulit," inis na sabi ni Kerri sa dalawa. Tinabihan niya sa kama si Lene at niyakap. "Mag-ingat ka naman sa panaginip mo Lene, isa bang demonyo ang nakalaban mo? Huwag mo ng uulitin ahh," bulong ni Kerri habang humihikbi, sabay siksik kay Lene. "Why did I even kissed her?" Mahinang sabi ni Elias sa kaniyang sarili, sabay pikit ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD