Kabanata Anim

1457 Words
Chapter Six: The Morgue. "Ayus kana ba? Uminom ka muna ng mainit na sabaw, para uminit yang lalamunan mo," kinuha ni Lene ang ibinigay na sabaw ni Kerri sa kamay nito at nag pasalamat. Masaya siya kasi meron palang tao na nag-aalala at nag-aalaga sa kaniya, maliban sa kaniyang ama. "Sigurado ka bang ayus kana? Huhuhu huwag mo na ulit gagawin yun kinabahan ako sayo, alam mo ba kagabi? Para kang mamamatay na, hindi ka makahinga at hindi ka tumitigil sa kakaungol sa sakit." Silang dalawa lang ang nasa kwarto, dahil ang dalawang lalake ay pumasok sa klase. Ipinaalam na rin naman nila si Lene at sinabi rin ni Kerri na aalagaan niya si Lene kaya hindi rin siya makakapasok. "Sorry talaga Kerri, naging pabigat pa ako sayo." "Ano kaba ayus lang yun, kaibigan kita kaya kailangan kitang alagaan, responsibilidad ko yun at hindi ka pabigat lagi mong tatandaan yan. Ano ba ang napaginipan mo Lene?" "Wala yun Kerri, wag mo alalahanin yun. Ayus na naman ako hindi ba?" "Mag-iingat kana ahh," nagulat si Lene, nang bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Siguro nga sobra ang pag-aalala nito sa kaniya. Alam niya na kung bakit siya nito nagustohan. Hindi lang maaalahain at mabait si Kerri, malambing din. Ang ganda pa ng wangis at katawan. Bagay sila ni Elias. Isang seryoso at maingay na magkasintahan. "May pagtingin ka ba kay Elias?" tanong ni Lene. "Bakit mo naman natanong yan? Sarili mo ang pinaguusapan natin tapos napunta kay Elias?" "Basta sabihin mo nalang ang dami mong sinasabi eh," "Kay Elias? Magkakagusto ako kay Elias? Gumuho man ang mundo hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking yun." "Bakit? Gwapo naman si Elias, palagi kang inaalagaan, at palaging nandiyan para sayo, staka ang sweet niyo kaya sa isa't isa." "Basta may kulang sa kaniya na hindi ko makita," "Ano naman yun?" "Bakit ba ang dami mong tanong?" "Wala lang. Sa tingin ko kasi may pagtingin sayo si Elias, bakit hindi mo kaya siya tanungin?" "Ako? Kay Elias? Baka sa panaginip mo, hahahaha. Ayaw ko siyang tanungin, kasi baka mapahiya lang ako, ay teka magaling kana naman hindi ba? May sinabi sa amin si Mam Trilly. Kung sino daw ang may gustong bisitahin si Oddete sa hospital ay pumunta mamayang 9pm sa labas ng school. May sasakyan daw doon na maghahatid at magsusundo sa atin," tungo lang ang nasagot ni Lene kay Kerri. Ayaw niya kasing pumunta, dahil sa panaginip niya kahapon. Sinisisi niya ang kaniyang sarili, kung bakit nasa hospital si Oddete. "Sa dinami-rami kong sinabi tungo lang isasagot mo? Ang tamad mo talaga magsalita, hindi ko alam kung paano kita naging kaibigan. Pero mahal kita aayyiiii I love you Raelene." "Pumasok ka mamayang 1pm Kerri. Huwag mo na akong alalahanin." "Gusto kong alagaan ka." "Ayus na naman ako, sige na. Sayang naman yang ayos mo," nakasuot na kasi ito ng uniporme, dahil akala niya makakapasok siya, pero mas inalala niya si Lene. "Hahahah ayus lang yun, ang mahalaga ay naalagaan kita." "Pumasok ka ngayon." "Oo na po nanay kapag may kailangan ka punta ka nalang sa silid aralan ahh nandoon kami nila Elias." Nang makaalis na si Kerri sa kwarto, kumuha siya ng apat na itim na kandila sa kaniyang kabinet. Ipinalibot niya ang apat na kandila sa gitna ng kwarto at sinindihan. Pinatay niya muna ang ilaw at isinara niya kurtina, sabay upo sa gitna ng mga kandila. Pumikit siya at nagfocus sa paligid. "Anak ganito ang paraan para makakita ka ng demonyo gamit ang iyong isipan. Huwag mong hahayaan na makuha niya ang kaluluwa at puso ng katawan mo, dahil sigurado ako kapag nakuha niya ito sayo ikaw ay wala ng kawala. Unti-unti kaniyang papatayin, gamit ang iyong kaluluwa. Kaya dapat kapag ginagawa mo to ay nag-iingat ka." Napangiti siya ng maalala niya ang kaniyang ama, kung paano siya turuan nito. "Salamat sa lahat, papa." Napamulat siya sa tunog ng isang sigaw na babae. Pagkatayo niya, nakita niya ang kaniyang katawan na nakaupo parin sa gitna ng mga kandila at nakapikit. Ito ang sinasabi ng kaniyang ama, kung paano makikita ang demonyo. Tinignan niya ang kanilang kwarto na ngayon ay isang kulungan na. Nawala ang kanilang mga kama at kabinet. Ang pintuan na labasan nila ay naging gate. Dahil sa pagtataka, lumabas siya sa kulungan at sinundan ang mga sigaw ng mga babae. Ito siguro ang Keimusho noon, ang sinasabi ni Elias na prison ito dati. Madumi, mabaho, puro dugo, at madilim ang paligid na nadadaanan niya. Dinala siya ng mga sigaw sa dulo ng Keimusho. Ang morgue na nakalock sa school nila ay nakabukas. Kaya pumasok siya doon. Nakita niya ang mga babae mahigit na bente na nakahubad at nakasabit ang kanilang buong katawad sa isang lubid. Nakita niya doon ang babae na nagpakamatay noong sabado. Lahat ng mga babae ay may marka na bituin sa pulsohan. Nabalik ang kaniyang mga mata sa labas ng morgue nang may maramdaman siyang nakatingin sa kaniya. Hindi nga siya nag-kakamali, nakatingin sa kaniya ang demonyo na nakita niya sa kaning panaginip. Para hindi siya mahuli ng demonyo. Pumikit siya at pagkamulat niya, nakabalik na siya sa kaniyang katawan at nasa school na ulit siya. Pinatay niya ang apoy ng kandila, sabay binuksan ang ilaw at kurtina. Kung kanina ay hapon palang ngayon ay gabi na. Ang bilis naman ng oras, at bakit hindi pa bumabalik sila Kerri. Pagkatapos niyang itago ang mga kandila, ay doon bumukas ang pintuan at bumungad ang tatlong magkakaibigan. "Dinalahan ka namin ng pagkain hehehe. Alam kong nagugutom kana eh." "Salamat sayo Kerri." "Sasama ka ba sa amin mamaya?" Tanong ni Nash habang kumakain ng chocolate ice cream. Si Kerri naman ay ice candy. "Oo, gusto ko rin malaman kung kamusta na siya," hindi lang dahil doon kung bakit siya sasama. Titignan niya ang pulsuhan ni Oddete kung meron paba itong marka na bituin, kung wala na ay ligtas na ito, pero kung meron pa gagawa siya ng paraan para mailigtas si Oddete. Nagsuot ng uniporme si Lene, dahil pinagbabawal ang normal na damit kapag lalabas ng paaralan lalo na sa loob ng paaralan. Nang makasakay sila sa bus ng school, narinig niya ang mga estudyante na sumasakay. Ma sinasabi ito tungkol sa paaralan. "Hindi ba pinagbabawal nila na lumabas?" "Oo, pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay pwede na." "Siguro dahil naisip nila na may mamamatay kaya pinayagan nila tayong lumabas at dalawin si Oddete." "Simula kasi ng makapasok ako rito hindi na ako pinayagan ng Principal na lumabas, hindi ko pa nga nakikita ang mga magulang ko." "Tama ang mga sinasabi nila," napatingin si Lene sa lalaking katabi niya sa upuan. Hindi niya katabi si Kerri, dahil nakatabi ito kay Elias. "Mahigit tatlong taon na ako rito ngayon lang ulit ako nakalabas....." ".... at simula nong sabado roon na nagkagulo ang paaralan. Bago ka lang ba rito?" tumungo lang si Lene. Ayaw niya itong kausapin kasi hindi naman sila magkaibigan at hindi niya rin ito kilala. "Jaris nga pala," inilahad ng lalaki ang kaniyang kamay kay Lene, ang akala niya ay kakamayan siya nito pero tinignan lang ni Lene. "Kausapin mo naman ako, ano ba yan ang boring mo naman kausap," hindi niya pinansin ang lalake at tumingin nalang sa bintana ng bus. Puro puno ang makikita mo sa labas at walang kailaw ilaw. "Sungit," napairap si Lene, dahil sa kalikutan at kadaldalan ni Jaris. Kanina pa ito kwento ng kwento sa kaniya. Bakit ba kasi ito tumabi sa kaniya? Gustong-gusto niyang matulog sa byahe, pero hindi niya magawa. "Gusto na kita," napaharap si Lene kay Jaris. Anong pinagsasabi ng lalaking ito sa kaniya? Kakakita lang nila, tapos gusto siya agad? "Ayos ka lang ba? Ang ilong mo dumudugo," hinawakan ni Lene ang dugo at tinignan. Titingala sana siya, pero pinigilan siya ni Jaris. "Huwag kang titingala, hayaan mong lumabas ang dugo. Kasi kapag pinatili mo ang dugo sa loob baka mamuo. Ito panyo," inabutan siya ni Jaris ng panyo at inilagay sa kaniyang ilong. Nakatungo lang siya buong byahe, para lumabas ang dugo. "Kumain kaba? Nakatulog ka? May sakit kaba? Mainit ba dito? May nararamdaman ka ba?" "Iling? Yan lang ba palagi ang isasagot mo sa akin? Nag-aalala na ako rito ohh." "Ayus lang ako." "Ayus ka lang? Sigurado ka? May ayus bang dumudugo ang ilong? Ikaw ang pinaka weird na babaeng kilala ko sa buong buhay ko." "Raelene, pumunta ka rito," tumingin siya kay Elias, sabay lumapit. "Dito ka umupo, akin na yang panyo. Yung akin ang gamitin mo," pagkabigay ni Lene ng panyo. Ibinato ni Elias ng galit ang panyo kay Jaris. Inilagay ni Lene ang panyo sa kaniyang ilong. "Problema mo?" "Dito ka umupo. Huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala," umupo si Lene sa kaliwa ni Elias. "Hindi ko naman kinakausap." "Ano pala yang panyo?" "Tinulungan niya lang ako." "Tsk." Ano bang problema ni Elias? Bakit nagagalit ito sa kaniya? Wala naman silang ginagawa ni Jaris, para magalit siya. Tumutulong lang naman ang lalaki. Nahihiya tuloy si Lene kay Elias. Hindi siya makagalaw, kasi baka paggumalaw siya magalit sa kaniya si Elias. Hindi makatulog si Lene sa byahe, kaya ang ginawa niya nalang ay nanuod ng palabas sa tv ng bus. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD