Kabanata Pito

1439 Words
Chapter Seven: Ms. Gloria Del Rosario. Sa tagal ng byahe, ay magdamag nakatunganga si Lene sa tv. Ilang palabas na ata ang kaniyang napanood sa tagal. Nangangalay na siya sa kaniyang pagkakaupo. Galaw siya ng galaw para hindi sumakit ang kaniyang pwetan. "Huwag kang galaw ng galaw, baka magising si Kerri," sabi na nga ba papagalitan siya ni Elias. Ang hirap din intindihin ng mga lalaki. Paiba-iba ang mood. Minsan maamo, minsan galit. Hindi nalang siya gumalaw at nanahimik. Dapat pala hindi na siya umalis sa upuan niya kanina. At least doon nakakagalaw ka ng maayos, walang magbabawal sayo. Nang makarating sila sa hospital, nagpaalam si Lene na pupunta siyang banyo, pero hindi naman talaga. Gabi na kaya wala ng masyadong tao sa hospital, kaunti na rin ang mga ilaw na nakabukas, kaya mabilis lang siyang makapunta sa morgue ng hospital.  Bubuksan na sana niya ang pintuan nang may naramdaman siya na may humawak sa kaniyang balikat.  "Anong ginagawa mo rito?" Isang lalaking doktor ang pumigil sa kaniya.  "May titignan lang." "Bawal dito ang isang estudyante." "May titignan lang po ako." "Pagbibigyan kita, pero sampong minuto lang." "Salamat po." tumungo sa kaniya ang doktor, sabay umalis. Ang gulo noh? Bawal daw ang estudyante pero pinayagan siya, pinatagal niya pa ang pag-uusap, papayagan din pala. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at binuksan niya ang ilaw, pero ang sa gilid lang ang liwanag. Medyo madilim ang morgue, dahil kaunti lamang ang ilaw, lumapit siya sa limang patay na nakataklob ng kumot. Binuksan niya ang mga ito, at napaatras sa nakita. Lahat ng patay ay babae na walang mga mata at lahat ng mga pulsuhan nito ay may mga marka na bituin. Hahawakan niya sa ang pulso ng isang babae, nang biglang namatay ang mga ilaw.  Ilang sigundo, bumalik din ang liwanag, pero ang mga patay na babae ay wala na at may nakita siya sa bandang dulo ng morgue na isang kaluluwa. Kaluluwang babae na nakauniporme na pangnurse. Wala rin itong mga mata. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, pagkamulat niya bumalik ang mga bangkay. Kung kanina lima ito ngayon ay sampo na.  Pinag-isipan niya na nalumabas nalang, kaysa manatili sa loob. Ayaw niya nang makeelam, pero sigurado siya na konektado ang hospital na ito sa kanilang paaralan.  Tinanong muna ni Lene sa nurse ang numero ng silid ni Oddete, bago pumunta roon. "Bakit ang tagal mo?" Napatingin sa kaniya lahat ng mga estudyante, dahil tinanong siya ni Kerri. "Naligaw ako." "Ahh dito kana," lumapit siya kay Kerri. Nagsorry siya kay Oddete gamit ang kaniyang isip. Nakatingin lang siya kay Oddete na nakahiga sa hosptal bed at madaming nakakabit dito na mga hose. Sinulyapan niya ang pulsohan ng babae, nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang nakitang bituin. "Nagpatingin ka naba sa doktor?"  "Hindi na kailagan, Nash." "Bakit?" "Ayus na naman ako. Hindi na kailangan ng gamot." "Ikaw bahala, nag-aalala lang kami para sayo," "Salamat." Isa nalang ang nasa isip niya. Ang morgue ng school. Kailagan niyang makapasok doon, kahit anong mangyare. Gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob non. Kung tama ba ang nakita niya. Alam niyang marami pa siyang kailangang malaman, marami pa siyang kailangang imbestigahan. Kailangan niyang magtanong-tanong sa mga guro ng paaralan lalo na sa punong guro. Kailangan niyang gawin ito mag-isa, ayaw niyang may madamay pa. Mas gusto niyang tapusin ito ng mag-isa. "Tara na sa bus," yaya ni Kerri sa tatlong kaibigan.  Ang apat na magkakaibigan ang naunang sumakay sa bus. Lahat sila umupo sa dulo.  "Akala ko ba gustong-gusto mo makita si Oddete, Kerri?" tanong ni Nash kay Kerri. Yun din sana ang itatanong ni Lene, kaso naunahan siya.  "Ayaw kong nakikita siyang nahihirapan. Kilala ko si Oddete, hindi siya gagawa nang ikakasakit niya, lalo na hindi niya iisipin na magpakamatay. Sinabi niya sa akin na kailangan niyang mag-aral ng mabuti para sa kaniyang mga kapatid, dahil inaabuso ng magulang niya ang mga kapatid niya." "Kung hindi niya naisip na magpakamatay. Paano siya nagkaganon?" "Ang dami mong tanong Nash, naiinis na ako sayo." "May punto si Nash, Kerri," pagsisingit ni Elias sa nagbabangayan na Kerri at Nash. Ayaw makisali ni Lene sa kanila, dahil siya ang may alam sa mga nangyayare. Alam niya na may nag-utos sa kaluluwa ni Oddete na magpakamatay o may sumanib na demonyo sa kaniyang katawan. "Katulad nga ng sabi mo, hindi basta-basta magpapakamatay si Oddete, imposible kaya na may nag-utos sa kaniya?"  "Sino ang nag-utos? Teka imposible naman yun kung uutusan siya. Wala naman siyang kaaway. Mabuting tao si Oddete. kaya ko nga siya naging kaibigan, dahil sa kabaitan niya."  "Bakit niya ba pinagkaka-abalahan yan? Pwede niyo naman tanungin si Oddete pagkagising niya," pagkakasingit ni Lene sa usapan. Ayaw niya na kasing marinig na pinag-uusapan si Oddete. Ang hirap magpigil, baka masabi niya ang kaniyang sekreto. "Yun na nga ang problema natin Lene, hindi ko alam kung magigising pa siya." "Huwag kang mag-alala, ayus na si Oddete." paglalakas ng loob ni Lene kay Kerri. Pinatong ni Kerri ang kaniyang ulo sa balikat ni Lene at doon natulog. Nang tumingin si Lene kay Elias, dinilaan niya ito at inirapan lang siya ni Elias. Iniisip ni Lene, kung paano niya umpisahan ang pag-iimbestiga. Siguro pagdating nila sa paaralan ay dederetsyo siya sa Principal's office. Alam niyang mahihirapan siya rito, dahil unang beses niya palang ito gagawin, pero alam naman niya ang kaniyang ginagawa. Alam niya na tama ang kaniyang desisyon. Ala una na ng madalin araw sila nakarating ng paaralan. Pagkababa niya ng bus, nagpaalam siya kila Kerri na may gagawin lang saglit, at dumeretsyo sa opisina ng punong guro. Pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya ang Principal na nakaupo sa kanilang upuan at nagpipirma ng mga papel. "Miss Dixon? Bakit ka nandito? May problema ba? Halika umupo ka," umupo siya sa harap ng punong guro at nagsalita. "May itatanong lang po ako." "Ano iyon?" "Ilang taon na po kayo nagtatrabaho dito?" "Dalawampu't dalawang taon palang." "Sino po ang punong guro noon?" "Si Ms. Gloria Del Rosario, mahigit siyam napung taon siya nagtrabaho rito, umalis siya noong Pebrero 2, 2004, bakit mo ba itinatanong sa akin ito? Bakit nagkaroon ka ng interesado sa dating punong guro?" "Nagtataka lang po ako, pero alam niyo po ba kung saan siya nakatira?" "Walang nakakaalam sa kung saan siya nakatira, hindi nga namin alam kung patay na siya o humihinga pa, simula nong umalis siya sa paaralan ay nawalan na ng koneksyon ang mga estudyante sa kaniya."  "Ganon po ba? Sige po pala, maraming salamat po." "Walang anuman. Magpahinga kana, dahil maaga pa ang pasok niyo bukas," tumungo si Lene sa Principal at lumabas.  "San ka pupunta?" isang lalaki ang nagsalita sa kaniyang likuran nang hindi siya dumaan sa daan na papunta sa kanilang dorm. Pagkaharap niya sa lalaki, nagulat siya nang makita niya si Elias na nakasandal sa pader at nakakrus ang mga braso. "Papunta na sa dorm?" "Bakit ka dadaan diyan, hindi diyan ang daan papunta sa ating kwarto?" "Sabi ko nga hindi ako pupunta sa dorm hehehe." "Saan ka pupunta?" "Sa silid-aklatan." "Anong gagawin mo roon?" "Bakit ba ang dami mong tanong? Iihi ako sa silid-aklatan, tang-ina ano ba ang ginagawa sa sili-aklatan? Ha?" "Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo at hindi ka makakapasok sa silid aklatan, dahil sa oras na ito ay sarado na iyun at may nagbabantay na." "Sa oras na ito, sigurado ako na ang nagbabantay doon ay natutulog na," seryosong pagkakasabi nito kay Elias at nagpatuloy sa paglalakad papuntang silib-aklatan. Pinabayaan niya si Elias na sumunod sa kaniya. Wala naman siyang magagawa kung pagbabawalan niya ito na huwag sumama sa kaniya. Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa silid, nang matagumpayan niyang makapasok ay nagbukas siya ng isang kompyuter at umupo. "Sino ang nandiyan?" Tumingin siya sa paligid nang may marinig siyang boses ng lalaki. Sino nanaman ang nagsalita? Bakit puro lalaki? "Sungit? Bakit ka nandito?" tinignan niya lang si Jaris, sabay sinearch sa chrome si Mrs. Gloria Dela Verde. Tumabi sa kaniyang si Jaris at tinignan ang kaniyang ginagawa. "Ms. Gloria? Sino ba yang sinisearch mo? Ang weird mo talaga." "Pwede ba manahimik ka." Ms. Gloria Del Rosario Ang babaeng pinakamatanda sa Pilipinas. Isang daan dalawangpu't taon gulang ng nabubuhay. Isang Principal sa Keimusho University. Naninirahan sa ***** village malapit sa Keimusho University. Ang kaisa-isang anak nina Mr. Gregorio Del Rosario at Mrs Bernadete Del Rosario. "Bakit ganyan lang kaunti ang impormasyon?" "Bakit kaba nangengeelam? Umalis ka nga rito." "Ang sungit mo talaga. Bawal ba na tulungan kita? Ikaw na nga ang tinutulongan, ikaw pa ang galit." "May sinabi ba akong tulungan mo ako?" "Sino ba si Gloria?" "Bakit ka ba puro tanong? Nakakindi kana, hindi ako makapag-isip ng maayos, dahil sayo?" "Kaya nga ako nagtatanaong para malaman ko at matulungan kita." "Tatlong taon kana rito sa Keimusho hindi mo pa kilala si Ms. Gloria?" "Familliar sa akin ang last name niya, pero hindi ko pa naririnig ang pangalan niyan." "Wala kang silbi." nang matapos si Lene sa kaniyang pakay sa silid aklatan, denilete niya ang history sa kompyuter bago pinatay. Tinignan niya si Jaris na nakangiti sa kaniya at inirapan. "Umihi lang ako saglit may lalaki ka ng kasama?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD