Kabanata Walo

1538 Words
Chapter Eight: The Village. "Ano nanaman ba ang problema mo?" "Tang-ina Raelene, kilala mo ba yung lalaking yun? Paano kung binastos ka? Sino ang maglligtas ako?" "Binastos ba ako? Umayos ka nga Elias. Hindi kita maintindihan. Ano ba kasing pake mo kung kausapin ko siya?" "Siguro, pumunta ka sa library, dahil sinabi niya sayo na pumunta ka roon, at magkikita kayo. Ano ganon lang kabilis yun? Sasagutin mo agad?" "Oo!? Bakit? Ano namang pakeelam mo? Ano naman sayo kung sasagutin ko siya? Wala akong kasintahan kaya ayus lang sa akin." "Puta, bahala ka, sabagay madali ka lang namang makuha." Naunang maglakad si Elias, kaya naiwan siya. Galit sa kaniya si Elias, hindi na siya nasanay, palagi naman itong galit sa kaniya. Pati si Jaris dinamay niya sa kanilang away. Bakit ba kasi ito palaging mainit ang ulo ng lalaking iyun? Ano bang pinagsasabi niya na madali lang siyang makuha? Kasinungalingan lang naman ang mga sinabi niya. "Kasintahan mo ba iyun?" Hinarap niya si Jaris at inis na tinignan ito. "Edi kasintahan mo nga?" "Hindi." "Bakit ganon iyun? Kung makapagsalita akala mo kasintahan ka niya." "Ganon talaga yun sa kaniyang mga kaibigan, protective." "Ano oras ka pupunta sa bahay ni Ms. Gloria? Alam mo ba kung saan ang village na iyun?" "Hindi ako pupunta roon." "Bakit mo sinearch?" "Pake mo?" "Tutulungan kita." "Hindi ko kailangan ang tulong mo kaya huwag ka ng mangeelam." "Kailangan mo ng tulong ko para makalabas ka ng paaralan, staka ang sungit mo ahh, hindi ka makakalabas kapag wala ako." "Magpapaalam ako sa-" "Hindi, hindi ka nila papayagan. Ginawa ko na yan noon, pero walang nangyare," pagpuputol ni Jaris sa sasabihin ni Lene. Kung hindi siya makakaalis ng paaralan, hindi niya mapupuntahan si Ms. Gloria at hindi niya rin malalaman kung ano ang nangyare sa nakaraan ng Keimusho. "Anong gagawin mo para makalabas ako ng school?" "Magtiwala ka lang sa akin," sabay kindat kay Lene. Napairap nalang si Lene sa lalaki. Akala mo pogi pala ito, poging-pogi sa sarili. "Hatid na kita sa kwarto niyo." "Sige." "Sungit talaga ng babaeng ito, siya na nga ang tinutulungan sinusungitan pa ako. Ang lamig niya, ang tipid pa magsalita." "Ano iyun Jaris?" "Ahh wala iyun, sabi ko ano pangalan mo." "Raelene," mahina at seryosong sabi ni Lene. Ayaw niyang sabihin ang kaniyang pangalan, kaso wala siyang choice kung hindi sabihin ito sa lalaki, dahil tutulungan siyang makalabas. "Ayus na ako rito. Iwan mo na ako." "Ikaw bahala, goodnight, kita nalang tayo bukas," nginitian niya lang si Jaris at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanilang kwarto. "Kilala kana niya ahh, magkikita pala kayo bukas?" nilagpasan niya lang si Elias, derederetsyo siya sa pagpasok ng kwarto at pumunta sa banyo, para magbihis ng pangtulog. Pagkalabas niya sa banyo, nakita niya si Elias na nakatingin sa langit. Si Kerri at Nash ay tulog na tulog na, dahil siguro napagod sa byahe. Humiga siya sa kaniyang kama at tinignan lang ang likod ni Elias. Pagkalingon ni Elias sa kaniya ay doon bumagsak ang kaniyang mga mata. "Ako na bahala sa guwardya," sabi ni Jaris kay Lene. Pinatulog ni Jaris ang gaurd gamit ang kaniyang kanang kamay at nagsign ito na lumapit sa kaniya. Pagkalabas nila ng paaralan, pumunta sila sa gubat. "Marunong kaba magmotor?" Tumungo si Lene at nginitian ito. "Buti nalang," binuksan ni Jaris ang nakatakip sa plastic sa motor. "Motor ko ito, kaya ingatan mo. Mag-iingat ka sa daan, hindi ko alam kung saan ka pupunta, pero katulad nga ng sabi mo na may malapit na village rito, bilihan mo nalang ako ng pagkain, yun nalang ang gawin mo para sa akin," ibinigay ni Jaris ang susi sa kaniya. Sumakay siya sa motor at pinaandar ito. Ngayon ang problema niya naman kung saan niya mahahanap ang village. Walang may alam na may pupuntahan siya maliban lang kay Jaris. Sigurado siya na nag-aalala na si Kerri sa kaniya, hindi kasi siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. Ayaw niyang madamay sila. Puro puno lang ang kaniyang mga nadadaanan, nang bigla siyang makapansin ng maitim na usap sa langit. Sure na siya na doon ang village na sinasabi ng google. Pinaandar niya ng mabilis ang motor at tama nga siya. Ito ang village na hinahanap niya. Pero ang picture na nakita niya kagabi ay mga makukulay pa ang mga bahay at bagong-bago. Ngayon isa na itong village na napabayaan ng mga tao. Hindi na makulay ang mga pintura at ang mga kahoy ay mga bulok na. Luma na ang mga bahay at parang isang apak mo lang ay gigiba na. Pagkababa niya sa kaniyang motor, hangin lamang ang sumalubong sa kaniya, walang mga tao sa paligid, ang mga daan ay puro mga basura, halatang walang naglilinis dito.. May nangyare rito. Alam niyang may nangyare rito noon. Imbis na magtaka sa mga bahay na nakatayo sa harapan niya, ay hinanap niya nalang ang bahay ni Ms. Gloria. Habang naglalakad isang malaking mansion ang kaniyang namataan sa gitna ng village. Ito ay luma rin at parang wala ng nakatira. Pinindot niya ang doorbell at hindi niya inaasahan na may magbukas sa kaniya ng pintuan. Ang nasa isip niya kasi ay walang tao rito. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Isang matandang babae ang nagbukas ng pintuan. "Bahay po ba ni Ms. Gloria Del Rosario ito?" Kung kanina ay masaya itong natatingin sa kaniya, ngayon ay naging seryoso na. "Ano ang kailangan mo sa kaniya?" "May itatanong lang po ako." "Tungkol saan?" "Tungkol po sa Keimusho University." "Hindi ako nagpapapasok ng hindi ko kilala sa pamamahay niya." "Papasukin mo na ang dalaga, Neth," mahina ang boses na kaniyang narinig sa loob at alam niya na si Ms. Gloria iyun, dahil sa pangmatanda ang boses. "Wag kang gagawa ng ikakamatay ni Ms. Gloria," bulong ng babae sa kaniya. Ipinaderetsyo siya sa sala ng bahay. Doon niya nakita si Ms. Gloria na nakaupo sa wheelchair at nakatingin sa kawalan na parang bulag. "Umupo pa sa tabi ko iha," sinunod niya ang utos ng matanda. "Ano ba ang itatanong mo sa akin?" "Tungkol po sa Keimusho University," lumaki ang mata ng matanda at hinarap siya. Biglang bumilis sa pagkakahinga nito, pero napakalma niya naman agad ang kaniyang sarili. "Matanda na ako para kwentohan ka iha, pero isa lang ang masasabi ko sa paaralan na iyan. Mag-iingat ka, dahil umpisa palang ang mga nangyayare, ikaw lang ang makakapigil sa kanila." "Pero po Ms. Gloria, noong kayo pa po ba ang nagpapatakbo ng paaralan, meron po ba kayong nararamdaman na kakaiba?" "Simula noong pinasa sa akin ang paaralan na iyan, ay tuwing darating ang sabado ay may namamatay, pero tumigil din ang kababalaghan na iyon noong Febrero 2, 1982. Mag-iingat ka iha. Huwag mong hahayaan na makuha niya ang kaluluwa mo. Huwag mong hahayaan na may madamay pang ibang estudyante. Iligtas mo ang mga tao na kaya mong ipagtanggol. Hindi kita matutulungan, dahil wala na akong makita at matanda na ako. Ikaw nalang talaga ang pag-asa. Tandaan mo iha, isa kang mahalagang babae, huwag mong itago ang iyong kakayahan na makakita ng kaluluwa o demonyo," paano niya nalaman na nakakakita ng kaluluwa si Lene? "Salamat po Ms. Gloria," hinawakan ng matanda ang mga kamay ni Lene at sinabing. "Lola nalang iha, ano ba ang iyong ngalan?" "Raelene po." "Ka'y gandang pangalan. Katulad ng iyong namayapang ina. Mag-iingat ka iha, dahil nagsisimula palang siya sa kanilang ginagawa." "Maraming salamat po, lola," gusto niya man manatili muna sa bahay at tanungin kung ano ang sinabi ng matanda tungkol sa kaniyang namayapang ina, hindi pa naman ito patay. Kailangan niya ng magbalik sa paaralan, dahil baka siya ay maabutan na wala sa dorm. Pinatakbo niya ng mabilis ang motor at nang makarating sa taguan ng motor ay nakita niya ang kaniyang tatlong kaibigan na nakatayo doon. Si Jaris naman ay nasa sahig nakaupo. Doon niya lang naisip ang pagkain na para kay Jaris ay nakalimutan niya. Pagkababa niya sa motor boses agad ni Elias ang kaniyang narinig. "Bakit ka nakasakay diyan? Alam mo ba pwede kang maaksidente sa pinaggagawa mo? Ang bilis-bilis mo pa magpatakbo." "Lene! Huhuhuhuh ayus ka lang ba? Bakit ka lumabas ng paaralan? Saan ka nanggaling? Alam mo naman na pinagbabawal na umalis dito sa paaralan, baka mapahamak ka at saka bakit hindi mo ako sinama? Alam mo bang binugbog ni Elias yang kaibigan mo, dahil hindi niya sinasabi kung nasaan ka?" Sa daming tanong Kerri ni isa walang sinagot si Lene, subalit tinulungan lang ni Lene si Jaris na makatayo. Nakita niya ang mga dugo at pasa nito sa mukha. "Sinabi mo ba kung saan ako pumunta?" Bulong ni Lene kay Jaris. Iling lang ang sagot nito sa kaniya, dahil nahihiya itong magsalita. Naaawa si Lene sa lalake, 'dibale may gagawin siya para pasayahin ito. "Paumanhin, libre nalang kita sa cafeteria mamaya," dahil sa sinabi ni Lene sa kaniya lumiwanag ang  mga mata nito at niyakap si Lene. Nagsign si Lene kay Jaris na umalis na roon, para hindi na ulit siya madamay. "Huwag kana ulit lalapit doon sa lalaking iyun," kumunot ang noo ni Lene at tinignan ng masama si Elias. "Kaibigan ko siya kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako na makipagkita sa kaniya." "Lene para sayo naman iyun. Kahit ako hindi ko rin kilala yung lalaking yun. Pinoprotektahan ka lang namin." "Kerri, pagpoprotekta ba ang tawag niyo sa ginawa niyo kay Jaris? At kung saan ako pumunta wala na kayong pakeelam doon," dahil sa inis nilagpasan niya ang tatlo at pumasok sa school. Kailangan niya din lumayo sa kanila, para hindi sila madamay sa kaniyang ginagawa. Kailangan lumayo ang loob ng tatlo sa kaniya, kahit mahirap ay kailangan niya iyong gawin. "Sorry Elias, Nash, at Kerri. Ginagawa ko to para sa inyo hindi para sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD