Kabanata Siyam

1663 Words
Chapter Nine: The Nurse. "Ang yaman mo pala Raelene, hindi ako nagkamali na kaibiganin ka, ang daming pagkain, tara saluhan mo ako sayang naman kung hindi natin mauubos," tinignan niya lang si Jaris na kain ng kain sa kaniyang harapan. Lahat ng pagkain kasi sa cafeteria ay isa-isa niyang pinagbibili, para na rin itong pagpapaumanhin sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan. "Naiinis talaga ako kanina, grabe makasuntok yung kasintahan mo, kasalanan ko bang ayaw mong sabihin sa kanila ang mga pinaggagawa mo? Nadamay pa ako ang sakit kaya ng pagkakasuntok niya." "Ang daldal mo kaya nga kitang binilihan ng pagkain para hindi kana magsalita, at saka hindi ko siya kasintahan, kaibigan ko lang siya." "Paano hindi ko pagkakamalan na kasintahan mo yun, ay sobra ang galit sa akin, parang may ginawa akong masama sayo." "Bilisan mo nalang kumain, para magamot na yang sugat mo, ang dami mong sinasabi, masyado ka ng madaming alam." "Opo." Nang matapos si Jaris kumain, dumeretsyo sila sa clinic ng school, para magamot ang sugat nito. Grabe pala magalit si Elias, buti nalang hindi nila sinabi na umalis si Lene ng paaralan, kung sinabi nila, sigurado siya na paparusahan siya ng punong guro. Kahit papaano nakakuha siya ng impormasyon tungkol sa paaralan. Ang kailangan nalang niya ay ang susi para mabuksan ang morgue ng paaralan. Ang iniisip niya ay kung sisirain niya ang lock o bubuksan gamit ang susi. Kung sisirain niya ito, matatagalan siya dahil hindi basta-basta ang padlock na nkalagay matatagalan siya. Kung ang susi naman, hahanapin niya lang ito kung saan nakalagay at mabubuksan niya. Pero ang tanong, saan nakatago ang susi? Kung pinagbabawal na pumasok sa silid na iyun, sigurado siya na tinago nila ang susi sa lugar na walang tao at hindi basta-basta makakapasok ang mga tao. Nabalik siya riyalidad nang lumapit sa kaniya ang nurse. Nagulat siya na bakit magkaparehas ang uniporme ng nurse sa school at nurse sa hospital. Hindi kaya nagkataon lang iyon? "Ayus na po ang lahat. Kung naimpeksyon po ang sugat niya, idala niyo lang po siya ulit dito, ako na po ang bahala sa lahat." "Ahhh salamat," nginitian ni Lene ang nurse, sabay tingin sa pulsuhan nito. Lumaki ang kaniyang mga mata nang may makita siyang marka na bituin. "Mag-iingat ka," seryosong sabi ni Lene sa nurse at hinigit si Jaris palabas. "Bantayan mo ang nurse na iyun," bulong ni Lene kay Jaris. "Huh? Bakit? Hoy! Ayaw ko baka mamaya pagkamalan pa ako na may gusto sa nurse na iyun. Yak," galit na tinitigan ni Lene si Jaris, kaya walang nagawa si Jaris kung hindi ang sumunod. Nakakatakot naman kasi talaga ang titig ng babae. Parang pinopossess ang kaluluwa para sumunod. "Huwag ka munang papasok sa huling klase, bukas kana pumasok. Basta bantayan mo lang yang nurse, ako ang bahala sa guro mo kapag napansin ka nawala ka sa klase." "Basta pagkain ko mamayang gabi ahh," tinunguhan lang niya si Jaris. Masayang-masaya itong pumasok ulit ng clinic. "Ate! Tulungan mo ako. Ang sakit ng mga sugat ko, mamamatay na ata ako, parang awa mo na kailangan ko atang manatili dito ng matagal," napairap nalang si Lene sa kakulitan ni Jaris. Grabe ang tama ng utak niya, basta pagkain ang pinag-uusapan.Ibang-iba talaga siya kay Elias, sa ugali at kilos palang. Dumeretsyo siya sa huling klase niya. "Ms. Dixon? Late na late kana sa klase ko, bakit hindi ka pumasok kanina?" "May ginawa lang po Ma'am paumanhin po." "Sige, pumunta ka sa aking opisana pagkatapos ng aking klase." "Opo," imbis na tumabi siya kay Elias, ay pinili niya na umupo sa unahan. Ayaw niya muna itong makausap, dahil alam niyang papagalitan lang siya nito. Ayaw niya muna ng intindihin, gusto niyang makapag-isip ng maayos. *** Pagkalabas niya ng silid aralan, may humawak ng kaniyang kamay, pagkaharap niya, nakita niya si Kerri at ang dalawang lalake na nasa likod niya. "Sorry na Lene," paiyak na sabi ni Kerri sa kaniya. Tinanggal ni Lene ang kamay nito sa kaniya at naglakad papaalis.Huwag muna ngayon, kailangan niyang makapunta agad sa clinic. Pumunta muna siya sa opisina ni Ma'am Trilly bago siya pupunta sa clinic. Nararamdaman niya na may hindi magandang mangyayare sa nurse. Pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Ma'am Trilly at si Sir Vince na naghahalikan. Seryoso sila? Pinapunta lang siya ng guro nila para panoodin silang maghalikan? HIndi niya alam na may relasyon pala ang dalawa. "Ma'am?" Dahil sa gulat ng dalawa, naitulak ni Ma'am Trilly si Sir Vince. "Sasabihin ko lang na, mabuti at hindi ka pumasok, yun lang, maaari ka ng umalis," tumakbo ang teacher papalapit sa kaniya at itinulak siya palabas ng opisina. Bakit niya iyon sinabi sa kaniya? Ang akala niya ay papagalitan siya nito, pero hindi pala at masaya pa ito na hindi ako pumasok. Nahihiya ba siya dahil nakita ni Lene ang kanilang paghahalikan? Lihim na relasyon ba ang kanilang relasyon? Bakit ba niya iniisip ang kaniyang guro hindi niya na ito problema, meron siyang sariling problema, iyon lang dapat ang kaniyang pinoproblema. Pagkatapos niya sa opisina ay mabilis siyang naglakad papuntang clinic. Pagkarating niya, nakita niya ang dalawa na natutulog sa dalawang kama. Nilapitan niya ang nurse at chineck ang puso kung tumitibok pa ito, pati ang paghihinga ay chineck niya pero huli na ang lahat, ito ay patay na. "Jaris," paggigising niya sa lalaki. Pagkagising ng lalaki, nakita niya si Lene na nakatingin sa nurse. "Nakatulog kami sorry," bumangon siya at nilapitan si Lene. "Wala na siya." "Huh? Pinagsasabi mo? Natutulog lang yan." "Hindi na tumitibok ang kaniyang puso at hindi narin humihinga, wala na siya Jaris, patay na siya," nilapitan ni Jaris ang nurse at napaupo sa sahig ng makumpirma niya na patay na nga ito. "Nagke-kwentuhan lang kami kanina," lumapit si Lene kay Jaris at hinawakan ang likod para pakalmahin at damayan. "Pumunta ka muna sa dorm mo at magpahinga, ako na ang bahala rito," pinunasan ni Jaris ang kaniyang mga luha at naglakad ng matamlay palabas. Matalino ang demonyo. Alam niyang may nakabantay sa babae kaya sa panaginip ng babae siya pinatay. Hindi niya inaasahan na ganito ang gagawin ng demonyo. Hinawakan niya ang noo ng babae at pumikit. "Tulungan niyo ako! Tulong!" Nakita niya ang nurse na tumatakbo sa isang kagubatan, para bang may humahabol sa kaniya. Habang tumatakbo ito meron siya naapakan na pako, dahil sa sakit ito ay napaupo. Takot na takot ang babae, nanginginig na rin ito. Nagtago siya sa likod ng malaking puno, dahil hindi siya makakatakbo. Habang nagtatago nakita ni Lene ang demonyo na nakita niya sa kaniyang pangitain. Ang demonyo na malaki at kulay pula ang mga mata. Nang malapit na ang demonyo sa kaniya ay sinakal ito ng demonyo at kinuha ang lamang loob ng babae. "Pagkatapos ng lahat ng ito, sisiguraduhin ko na mabubuhay ng payapa ang iyong kaluluwa, wala ng sakit at hinagpis ang iyong mararamdaman. Pangako ko iyan," kumuha siya ng kumot sa kabinet at tinakluban ang babae. Nang makarating siya sa kaniyang dorm, mga mukha agad ng tatlo ang kaniyang nakita. Dumeretsyo siya sa banyo at nagpalit ng pampatulog. Hihiga na sana siya sa kaniyang kama, nang magsalita si Nash. "Patawarin mo na kami Lene. Sabihin mo sa amin ang ginagawa mo para makatulong kami." "Hindi pinupuntahan ng tao at tagong lugar," mahinang sabi ni Lene pero rinig naman ito ng mga kaibigan niya. "Huh?" singit ni Kerri. "Ang alam ko ang lugar na iyan ay sementeryo." "Nash, pumupunta ang mga tao sa sementeryo kapag may dadalawin silang kapamilya na namayapa na." "Kerri may malapit na sementeryo rito, at yun lang ang tagong lugar dito. Kahit sinong tao, wala pang nagtatangkang pumasok o pumunta roon, dahil hindi lang ito madalim napakalamig din." "Tama si Nash, bakit mo ba natanong yan Lene?" Seryosong sabi ni Elias, habang nakatingin kay Lene, na ngayon ay nakapikit at nakahiga na. "Pagkatapos ng klase, alas dyes ng sabi, may pupuntahan tayo," biglang sabi ni Lene. Wala siyang magagawa kung gusto ng mga kaibigan niya na tulungan siya, mas mabuti na rin kung may tutulong sa kaniya para madali ang pag-iimbestiga. Siya na ang bahala kung may dadating na mangyayare sa kaniyang mga kaibigan. "Sa sementeryo ba?" "Matulog ka nalang muna Kerri. Bukas mo malalaman," masayang humiga sa higaan si Kerri, pati si Nash. Si Elias naman ay nakaupo lang sa kama habang tinitignan si Lene na nakapikit at natutulog na. Naalala niya yung araw na hinalikan niya ito para magising. Hindi niya alam ang kaniyang naisip kung bakit niya ito hinalikan at yun ang mali na ginawa niya, dahil pagkatapos niyang halikan si Lene, hindi na siya masyadong kinakausap ni Kerri. Dahil hindi siya makatulog, tumabi siya kay Kerri at niyakap ito. "May problema ba tayo, Kerri?" Bulong nito sa kaniya. Hinarap siya ni Kerri at niyakap ng mahigpit. "Grabe ka sa akin Elias, dumating lang si Lene siya na yung pinoproblema mo, paano naman ako." "Kaibigan natin si Lene, kaya bawal naman na pabayaan nalang natin siya hindi ba? paumanhin." "Ang sakit Elias." "Pwede ba kitang ligawan?" Tinignan siya ng babae at kitang kita niya ang mga luha na tumutulo sa mga mata nito, pagkatungo ni Kerri niyakap niya ito ng mahigpit. Masaya siya, dahil pinayagan siya nitong manligaw. Sa wakas makakasama niya na ng matagal si Kerri at mapapasakaniya na. Nagtatampo nga ang babae sa kaniya. Nasasaktan siya kasi sinaktan niya, ang babaeng mahal niya. Ayaw niya na iniisip ni Kerri na hindi siya sapat para sa kaniya. Hindi pa naman sila, pero meron ng namamagitan sa kanilang dalawa. Alam na nila sa kanilang mga sarili na mahal nila ang isa't isa. Pagkabukas ng mga mata ni Lene ay yun naman ang pagsara ng mata nina Elias at Kerri. Narinig niya ang pinagusapan ng dalawa at masaya siya roon, dahil masaya ang kaniyang kaibigan na si Kerri. Masaya rin siya para kay Elias, dahil ang pangarap nito ay matutupad na. Wala ng sekreto ang kaniyang iisipin araw-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD