Kabanata Sampo

1576 Words
Chapter Ten: The Cementery. "Bakit ka nga pala kailangan ni Miss Trilly sa kaniyang opisina?" tanong ni Kerri kay Lene. Palabas sila sa kanilang huling klase. Tinignan niya muna ang tatlo niyang kaibigan bago nagsalita. Pagkatapos kasi ng klase ay pinapunta siya ng guro sa opisina nito. "Hintayin niyo ako sa dorm, pupunta lang ako sa opisina ni Ma'am Trilly." "Sge mag-iingat ka," tinungohan ni Lene si Nash at si Elias naman ay nakatingin kay Kerri at hawak ang kamay nito. Niyakap niya muna si Kerri bago umalis papuntang opisina. Alam niya na kung anong sasabihin sa kaniya ng kaniyang guro, tungkol iyun sa nakita niya kahapon. Ano naman ang kinalaman niya sa paghahalikan nila? Wala naman siyang balak sabihin sa iba? Ang oras ng kanilang klase ay alas syete ng umaga hanggang alas nweba ng gabi, kaya meron pa siyang isang oras para makapag-isip ng plano at makapagayos. Hindi niya alam kung saan niya unang hahanapin ang susi. Hindi rin siya sigurado kung nandoon ba ang susi. "Umupo ka Miss Dixon," pagkapasok na pagkapasok niya sa opisna ng guro, boses agad ng babae ang kaniyang narinig. Umupo siya at tumungin sa guro. "Gusto kong walang makakaalam ng nakita mo kahapon, naiintindihan mo ba ako?" tumungo si Lene at napabuntong hininga. Bakit ba kasi nila nililihim? Ano bang masama sa pakikipagrelasyon sa kapwa guro? "Pwede ka ng umalis, about sa pagkawala mo sa klase ko kahapon, huwag kang mag-alala ako na ang bahala roon, basta ang ating usapan," isasara na sana ni Lene ang pintuan nang makita ng kaniyang mga mata ang pulsohan ng guro. Isang babae nanaman ang mawawala sa mundo. Gusto niya sana itong tulungan pero hindi niya alam kung papaano. Hindi niya alam kung ano ang mangyayare sa babae. Ito ang pinakamahirap para sa kaniya, yung alam niya na, na may mawawala sa mundo pero hindi niya magawang iligtas ito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para mailigtas ito. Hindi nga niya alam kung bakit na buhay pa si Oddete. Pero sisiguraduhin niya na matatapos niya ang problemang ito at maililigtas niya ang mga babae sa Keimushi University. Hanggat kaya niyang lumaban ay lalaban siya. Bago siya pumunta sa dorm nila, ay dumeretsyo muna siya sa dorm ni Jaris. "Lene? Pasok ka," pumasok si Lene sa dorm ni Jaris at umupo sa sofa nila. Kung kwarto nila ay dalawa ang bintana, yung dorm naman nila Jaris ay isang bintana lang at maliit ito. Pumunta lang naman siya sa kwarto ni Jaris para kamustahin ito. "Kung nandito ka para kamustahin ako, hindi talaga ako ayus, naging magkaibigan na kami nong nurse, ang dami naming kinewento sa isa't isa, pero wala na talaga, ang tanga ko," hindi niya masisisi si Jaris kung malungkot siya, kasalanan niya ang lahat ng mga nangyayare sa paaralan, dahil simula noong dumating siya, marami ng nangyare. Alam niya na dahil sa kaniya kung bakit may namamatay na mga babae. "Paumanhin Jaris, kasalanan ko." "Paano mo naging kasalanan? Alam kong nabangungot siya kaya wala kang kasalanan doon," hindi alam ni Jaris na may demonyo na naninirahan sa paaralan na ito. Hindi niya alam iisa-isahin sila nito. "Pupunta kaming sementeryo gusto mo bang sumama?" "Ngayong gabi?" "Oo, ano sasama ka ba?" "Seryoso ka? Ang sementeryo na iyon ay matagal na, hindi nga namin alam kung meron pang sementeryo roon eh." "Kaya nga pupuntahan natin, para malaman kung meron pa." "Pilosopa," inirapan ni Lene si Jaris at tinitigan, para malaman niya na galit si Lene sa kaniya. "Sabi ko nga hindi ba? Sasama na nga ako eh, may patitig-titig pa, kainis." Walang nagawa si Jaris kung hindi ang sundin si Lene. Lumabas sila sa kwarto at dumeretsyo sa dorm nila Lene. Pagbukas ng pintuan nakita nila ang tatlo na nakahiga sa kanilang mga kama. Si Elias na nagbabasa ng libro at ang dalawa naman ay nagtatawanan. "Anong ginagawa ng gago na iyan dito?" "Hoy, Elias bibig mo." "Sorry baby," "Huwag nalang kaya ako sumama? Galit sila sa akin eh," bulong ni Jaris si Lene, umiling lang si Lene. Pagkapasok nilang dalawa, mabilis na inakbayan ni Nash si Jaris at sinabing. "Mabait kami ni Kerri, si Elias lang ang masama rito, pero hindi naman iyan nananakit kung wala kang ginagawa." "Wala akong ginawa kanina pero bakit niya ako sinaktan? Sinungaling." "Yun lang, siguro mali ang pagkakakilala ko kay Elias, pero dikit kalang sa akin, hindi ako na ngangain," kinuutan ng noo ni Elias si Nash, dahil narinig niya ang mga sinabi nito at kung ano ano ang pinagsasabi tungkol sa kaniya. Umupo silang lahat at nakinig sa sasabihin ni Lene. "Kaya tayo pupunta sa sementeryo para hanapin ang susi ng morgue." "May morgue rito?" Pagsisingit ni Jaris, hindi niya pala alam ang tungkol sa morgue, walang nakakaalam nito except sa apat na magkakaibigan. Paano ba nalaman ng tatlo kung bakit meroong morgue sa paaralan? Yun ang isa sa iniisip ni Lene. "Ano ba iyan Lene, wala naman akong alam sa morgue na iyan, ako lang ata ang walang alam dito eh, hindi na ako sasama." "Manahimik ka," seryosong sabi ni Lene at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Alam ko lahat kayo ay natatakot, pero kailangan nating mabuksan ang kwarto na iyun, doon natin malalaman kung ano ang nasa loob non." "Bakit naman kailangan natin yun buksan?" tanong ni Kerri. "Sasabihin ko sa inyo sa tamang panahon, pero ngayon kailangan muna natin makita ang susi, maaasahan ko ba kayo?" Hindi nila kilala ang Lene na nagsasalita ngayon sa kanilang harapan, and kilala kasi nilang Lene ay tipid magsalita at bihira lang ang sumagot. Ngayon parang nararamdaman nila na kaibigan talaga nila si Lene at may pakeelam na ito sa kanila, nagiging malapit na sa kanila si Lene. Lahat sila nagsitungo at kumuha ng tig-iisang flashlight. Natatakot si Kerri pero kailangan niya itong pigilan, para kay Lene, pero nababawasan din naman ang kaniyang takot, dahil nandiyan si Elias hawak palagi ang kamay niya. Dahan-dahan silang naglakad papunta sa gate ng paaralan, buti nalang ay walang guwardya, siguro kumain ito ng hapunan, ang oras kasi ng kanilang hapunan ay alas dyes at magsasara ang cafeteria alas dose ng madling araw. Oo sobrang gabi na, pero ang mga estudyante rito ay sanay na at wala naman silang reklamo. Mabilis silang nakalabas ng paaralan kaya lahat sila nag-apiran, maliban lang kay Lene, seryoso ito sa pagtitingin sa paligid. Iniisip niya kung saan sila magsisimula maglakad. "Sa kanan nalang tayo," tinignan ni Lene si Nash at tumungo. Lahat sila naglakad at nilibot ang kagubatan. Habang naglalakad nakita ni Lene ang multong bata na nakita niya noon sa tapat ng morgue. Nagsign ito na sundan siya kaya sinundan ni Lene ito at ang kaniyang mga kaibigan ay sinundan si Lene. "Habang buhay nalang ba tayo mag-lalakad? Ang sakit na ng paa ko," pagrereklamo ni Jaris at umupo sa malaking ugat ng puno, dahil sa pagod napaupo natin sina Kerri, Nash, at Elias. "Puro ka reklamo, kanina kapa, ang ingay-ingay mo, hindi mo ba alam na nakakarindi iyang boses mo?" Inis na sabi ni Elias. Kanina niya pa gustong suntukin si Jaris, hindi kasi matigil sa pagsasalita, hindi na uubusan ng sasabihin, pero hindi niya magawa, dahil kasama niya si Kerri, ayaw niya ng magtampo ang babae at magalit sa kaniya. "Paumanhin." "Hayaan mo na si Elias, ganyan talaga iyan mainitin ang ulo, pero mabait naman siya kapag nakilala mo," pagpapakalma ni Kerri kay Jaris. Ayaw niyang may nakaka-away si Elias, natatakot kasi siya kapag nagagalit ang lalaki. "Mabait daw, kung sigawan nga si Raelene akala mo kasintahan niya," bulong ni Jaris sa sarili. Wala naman kasi siyang ginagawa, basta-basta nalang siyang sinuntok ng paulit-ulit noong inaantay niya si Lene na makabalik. Hanggang ngayon meron parin mga bandaid sa kaniyang mukha at mga pasa. Ayaw niya ng mangyare ulit yun, unang beses niyang nagkaroon ng kaaway sa Keimusho. "Teka meron ba sa inyo nakakita kay Lene?" Lahat sila nagsipag tayo nang maisip nila na wala si Lene sa paligid. Lahat sila sinuri ang palagid, nasaan ba pumunta si Lene? Lahat sila nag-aalala na, dahil alam nila na mag-isa lang si Lene at maaari itong mapahawak. Ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin nila mahanap si Lene, kaya nagsimula ng umiyak si Kerri. Hindi nila mapapatawad ang kanilang sarili kung pati si Lene ay mawawala sa kanila. Sisisihin nila ang kanilang sarili kung may mangyare mang masama sa kaniya. "s**t, s**t, s**t!" ******* Itinuro ng bata ang daan papunta sa sementeryo, pagkapasok niya sa luma at sira na gate at naramdaman niya ang lamig sa kaniyang mga paa. Nakita niya ang mga hamog na ulap, mga libingan at yung iba ay hukay lang. Sa sobrang luma ng sementeryo na ito, may mga alikabok at nabubulok na. Dahan-dahan siyang naglakad at nilibot ang palagid. Habang nagtitingin si Lene, may napansin siyang anino na nakasilip sa kaniya sa likod ng puno. Nararamdaman niya ang mga spirito na nandito at hindi sila titigil hanggat hindi nakukuha ang hustisya. Nakaramdam siya ng init sa lalamunan kaya napahawak siya rito. Dahil sa hilo at sa hindi makahinga, nawalan siya ng balanse at nalaglag sa hukay. Bago niya maisara ang kaniyang mga mata, nakita niya ang tatlong babae na nakatingin sa kaniya kanina. Wala na siyang nagawa kung hindi ang pumikit at isipin ang kaniyang mga kaibigan na naiwan niya sa kagubatan at sana ayus lang silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD