Kabanata Labing-isa

1731 Words
Chapter Eleven: The Pit. "Hindi mo parin ba nakikita si Raelene?" tanong ni Jaris kay Nash na papunta sa kaniya, mahigit isang oras na nilang hinahanap si Lene, pero hindi nila makita. Hindi nila alam kung saang daan ito dumaan, puro puno kasi ang kanilang nasa paligid. "Wala parin. Bakit ba kasi tayo nagpahinga," inis na sabi ni Nash. Kinakabahan at nag-aalala na sila para kay Lene. Masama ang mag-isa sa gubat lalo na't gabi, hindi nila alam kung anong hayop ang nasa gubat. "Dito!" Sigaw ni Kerri ang kanilang narinig sa kaliwa kaya nagpuntahan sila doon. Nang makapunta sila, kila Elias at Kerri nakita nila na nakatingin ang dalawa sa lumang gate na sira. Puro hamog na ulap ang kanilang nakikita sa paligid. Bago sila pumasok, hinawakan muna ni Elias ang kamay ng kaniyang nililigawan, para hindi ito matakot. "Sigurado kayo na nandito si Lene?" "Para kang bakla Jaris, takot ka? Huwag kang mag-alala nandito lang ako laging nasa tabi mo," kinindatan ni Nash si Jaris, inirapan niya nalang ang lalaki. "s**t!" napamura si Elias nang makita niya ang isang hukay, malalim ito, pero kitang-kita nila si Lene na nakahiga roon na walang malay at dumudugo ang ilong. Isang ingay ang nagpamulat sa mga mata ni Lene, ingay na isang sigaw ng babae. "Bitawan mo ako!! Ambrosio!! Tama na!" nakita niya ang isang lalaki na hinihila ang isang babae, sa kanang kamay ang hawak nito ay ang buhok, sa kaliwang kamay ay isang malaking itak. "Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo na huwag kang manglalalaki! Dapat lang sayo itong gagawin ko! Magdusa ka sa impyerno!" parang demonyo na sabi ni Ambrosio. Itinulak ni Ambrosio ang katawan ng babae sa ginawa niyang hukay, kaya nakahiga na ito. Ibang pakiramdam ang nararamdaman ni Lene ngayon, para bang natatakot siya at nalulungkot sa kaniyang mga nakikita. "Hindi ka titigil sa kakaiyak?" Dahil sa inis ng lalaki, initak niya ng isa-isa ang katawan ng babae. "Ahhh!" Dugong-dugo na ang katawan ng babae, dahil sa mga itak na kaniyang natamo, hindi niya deserve ang ganitong trato, wala siyang ginawa kung hindi ang sundin ang asawa. Hindi siya nagkamali bilang asawa, hindi siya nanglalaki, dahil mahal na mahal niya ito. Hanggang sa hindi na napigilan ng lalaki, pati leeg ng babae ay initak nito, pinugutan niya ito ng ulo. Wala siyang awa sa babae, hindi niya nalang ito pinatay ng deretsyo tinorture niya pa ito. Hindi maintindihan ni Lene, bakit ipinapakita sa kaniya ang mga nangyare noon sa mag-asawa? Sino ang lalaki sa kaniyang nakikita? Ano ang kinalaman nito sa paaralan? Hindi lang isang babae ang kaniyang nakita, meron pang dalawa. Lahat ng nagiging asawa ng lalaki ay kaniyang pinapatay sa hukay na ito, pero bakit? Bakit niya ito pinapatay? "Lene? Lene! Salamat sa Diyos at ayus kana, bakit ka ba kasi humiwalay sa amin? Nagpahinga lang kami eh," kakamulat palang ni Lene ng kaniyang mga mata ay niyakap agad siya ni Kerri. Pinunasan ni Lene ang dugo na nasa kaniyang ilong, sabay tumayo, nahihilo pa siya kaya matamlay siyang naglakad. Ang lalaki naman na kanilang kasama ay nasa likod lang, ang umaalalay sa kaniya ngayon ay si Kerri. Matulungin talaga ang kanilang kaibigan na lalaki. "Bakit ka napunta sa hukay?" tanong ni Kerri sa kaniya. "Nalaglag ako." "Bakit dumugo ang ilong mo?" "Sensitibo talaga ang aking ilong, paumanhin napag-alala kita, hindi ko naman alam na may ganon pala sa sementeryo na iyon." "Hindi lang naman ako ang nag-alala sayo, kaming lahat, alam mo ba halos mabaliw si Elias kakahanap sayo?" "Kamusta kayo ni Elias?" "Nangliligaw na siya sa akin, hindi ko nga inasahan na sasabihin niya sa akin iyon eh, akala ko matutuloh na kami tapos bigla nalang siyang nagpaalam." "May pa yak yak kapa gusto mo rin naman pala siya." "Ewan ko ba sa sarili ko, pero nagseselos ako sa inyong dalawa, hahaha." "Wala ka dapat pagselosan, mahal na mahal ka ni Elias. Kung mahal ako ni Elias, sa tingin mo ba liligawan ka pa niya? Kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano," nginitian ni Lene si Kerri. Nang makapasok sila sa paaralan, lumapit sa kaniya si Jaris. "Sorry hindi natin na kita ang susi." "Huwag mo ng alalahanin iyon, ako na ang bahala roon, pumunta kana sa iyong kwarto at magpahinga na," pagkaalis ni Jaris, pati sila ay pumunta na sa kanilang dorm. "Ayus kana Lene?" tanong ni Nash sa kaniya bago ito humiga sa kama, tungo lang ang kaniyang naisagot, dahil wala siya sa kalagayan para mag-salita. Kailangan niya pang mag-isip ng madami kung saan makikita ang susi. "Goodnight, Lene." "Goodnight, Kerri," ang tatlo niyang kaibigan ay tulog, samantalang siya ay hindi pa. Hindi siya makatulog simula nong nag-aral siya dito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may nagpipigil sa kaniya para hindi siya matulog. Nagpasya si Lene na maligo nalang muna, para malamig sa pakiramdam at makatulog siya ng mahimbing.Pagkatapos niyang maligo, lumabas siya sa banyo at nakita si Elias na nagbabasa ng libro, nakaupo ito sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama.. "Bakit gising kapa?" nabigla si sinabi ni Elias. Hindi niya kasi inakala na kakausapin siya nito, pagkatapos ng kaniyang ginawa kay Jaris. "Umupo ka rito," umupo siya sa tabi ni Elias at tinignan ang kalangitan. Ayaw niya sanang lumapit sa lalaki, dahil nahihiya siya rito, at baka magising si Kerri, makita silang dalawa. magseselos yun. Ayaw niya na dahil sa kaniya kung bakit mag-aaway ang dalawa. "Paumanhin sa ginawa ko kahapon." "Hayaan mo na yun ayus lang." "Hindi ayus iyon para sa akin alam kong mali ang nagawa ko," hindi naman pala ayus sa kaniya, bakit sinaktan niya si Jaris? Hinayaan niya nalang si Elias na humingi ng paumanhin, tutal kasalanan niya naman talaga. "Sige." "Sige? Iyun lang ang masasabi mo? Kaya nga ako humihingi ng paumanhin sayo para patawarin mo ako," tinignan niya ang lang lalaki at binalik din ang tingin sa langit. Napabuntong hinga si Elias at iniharap si Lene sa kaniya. Tinignan niya ang mala rosas na labi ng babae at mabilis itong hinalikan. Itinulak ni Lene si Elias at sinampal ito. Mabilis siyang pumunta sa kaniyang kama at nagtaklob ng kumot. Bakit siya hinalikan ni Elias? Ano bang nangyayare ngayon? Hindi niya na maintindihan ang mga nasa paligid niya. Nakatingin lang si Elias sa babaeng nakataklob ng kumot. Alam niyang mali ang ginawa niya, pero meron din sa kaniyang isip na tama ito. Simula nong nahalikan niya si Lene noong malapit na ito mamatay, palagi niya na itong hinahanap. Tumulo ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Lene. Mali ang kanilang ginawa, hindi dapat siya hinalikan ni Elias. Kasalanan ang kanilang ginawa, at sigurado siya na kapag nalaman ito ni Kerri ay magagalit ito sa kanilang dalawa. Ayaw niya ng may iniisip siyang iba maliban lang sa paaralan. Ang hirap ng madaming iniisip, Sobrang bigat sa utak. Kailangan niyang bumalik sa sementeryo bukas ng madaling araw, para malaman niya kung bakit pinatay ng lalaki ang tatlong babae, hahanapin niya na ri ang susi doon. "Tara na Lene, mahuhuli na tayo sa klase." "Mauna na kayo Kerri, susunod nalang ako." "Sige, pumasok ka ahh, hintayin ka nami sa silid aralan," nginitian ni Lene si Kerri, sabay tingin kay Elias paalis. Gustong-gusto niyang sabihin kay Kerri ang nangyare sa kanila ni Elias kagabi. Kaso natatakot siya baka magalit si Kerri sa kanilang dalawa. Kaya hahayaan niya nalang si Elias na ang magsabi. Ayaw niyang sumabay kila Kerri, kasi ayaw niyang makita at makausap si Elias. Ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol kagabi. Naghintay siya ng sampong minuto, bago pumunta sa silid aralan. Pagkapasok niya umupo siya sa unahan, gusto niya sanang katabi si Kerri, kaso katabi ng dalaga si Elias. Iiwasan niya si Elias hanggat sa makakaya niya. Pagkapasok ng kanilang guro tinignan siya nito at nginitian. Ang dami niyang problema at sekreto, bibigay na ata ang kaniyang utak. Nagtuturo ang kanilang guro nang merong pumasok na babae sa kanilang silid aralan. "Ang kapal ng mukha mong landiin ang asawa ko," sinabunutan ng babae ang guro nila, kaya ang buong klase ay nagkagulo, yung iba ay sinusubukan awatin ang dalawang babae n nag-aaway. "Halika rito malandi ka ah!" Hindi mapigilan ng mga estudyante ang babae, sapagka't binalaan niya ito na kung sino ang lalapit, pati sila ay madadamay. "Ano? Masarap ba ang t**i ng asawa ko? Kaya palaging nangangati yang pepe mo? Napakalandi mo, hindi kapa tinuruan ng nanay mo na huwag mangabet? Alam mo bang nakasira ka ng pamilya sa kalandian mo?" lumabas sila sa silid at pinagpatuloy ang sabunutan sa labas. Ang dami ng estudyante na nanonood at nag-iingay. Ngayon alam niya na kung bakit sekreto ang kanilang relasyon. Isa palang kabet si Ma'am Trilly. "Tama na!!" malakas na tinulak ng kanilang guro ang babae kaya na out of balance ang guro, sumalpok ang kaniyang buong katawan sa pader, pero nakita niya ang babae na malalaglag sana, kaya tinulungan niya ito. Itinulak niya ang babae para hindi malaglag, pero hindi niya inaakala na itutulak siya ng babae. Nalaglag ang guro. Pagkatingin nila sa baba, nakita nila ang kanilang guro na wasak ang katawan at tumalsik ang mga dugo. Hindi niya inakala na ganito ang magiging dahilan ng pagkamatay niya. Napakasakit sa kanilang kalooban na mawalan ng guro at wala manlang siyang nagawa para iligtas ito. Lahat ng estudyante ay nagsibabaan para tignan ng malapitan ang katawan, pero si Lene ay nakatulala lang sa langit. Ito nanaman ang pakiramdam niya. Siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi niya mapatawad ang kaniyang sarili, dahil may namatay nanaman. Sa kabilang building may nakita siyang mga aninong babae na nakatayo doon, hanay-hanay sila at nakatingin sa kanilang guro. Napaatras siya nang tumingin ang lahat ng babae sa kaniya. "Ayus ka lang? Kanina kapa nakatulala riyan, may nararamdaman ka nanaman ba?" tanong ni Jaris sa kaniya, pumikit si Lene at pinakiramdaman ang hangin na dumidikit sa kaniyang buong katawan. "Wala ayus lang ako, siguro gutom lang ito, tara na sa cafeteria," nagmulat si Lene at hinarap si Jaris. "Lilibre mo nga pala ako, hahahaha, ang sarap kumain kapag libre," napailing nalang si Lene sa kakulitan nito, sanay na siya sa ugali ni Jaris at naging malapi narin ito sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na pati si Jaris ay kailangan niyang protektahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD