Kabanata Labindalawa

1724 Words
Chapter Twelve: The Bathroom. Dahil sa nangyare kaninang umaga, ay natigil ang kanilang klase. Nagsabi ang punong guro na walang lalabas sa kanilang mga silid. Kaya hindi makalabas si Lene sa kanilang kwarto. Plano niya sanang pumunta sa sementeryo. "Gutom na ako! Ang tagal nila, huhuhuh," Reklamo ni Kerri, habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan, gusto niya ng kumain, sabi rin kasi sa kanila ng principal na ihahatid sa kanila ang kanilang mga pagkain, pero alas-dose na wala parin ito. Nagpi-pigil narin ang dalawang lalaki sa gutom. Wala naman silang magagawa kung matagal ang pagbibigay ng mga pagkain, dahil hindi lang namn sila ang estudyante sa paaralan, pati utos ng punong guro kaya wala silang magawa kung hindi ang maghintay. Si Lene naman ang iniisip ay kung paano makakapunta sa sementeryo ng mag-isa mamayang gabi at ang nangyare sa kanila ni Elias. Simula nong hinalikan siya ng lalaki hindi niya na matanggal sa kaniyang isipan ang gabi na yun. Unang beses siyang nahalikan ng isang lalaki. "Makakain ka rin Kerri, huwag kang atat, hindi lang naman tayo ang estudyante rito, siguro naman ako na malapit na sila," tinitigan ni Kerri ng seryoso si Nash, kanina pa kasi si Nash, palagi siyang inaasar at binabara. Galitin na ang uhaw, huwag lang ang gutom. "Gaano ba karami ang estudyante rito at ang tagal nilang kumilos? Hindi ba nila alam na nagugutom na tayo?" "Ang init palagi ng ulo mo, Elias, umupo ka nga dito, mag-hintay nalang tayo, at saka malay mo yung mga nagbibigay ng pagkain sa atin ay gutom na rin," kumalma si Elias at umupo sa tabi ni Kerri. "Kailan kaya tayo pwede pumasok? Wala pa tayong guro, bakit ba kasi nagloko si Ma'am Trilly," inis na sabi ni Nash. "Kabet pala si Ma'am Trilly, akala ko pa naman mabait siya." "Nagmahal lang naman siya." "Kanina kapa Nash, naiinis na ako sayo!" "Totoo naman kasi, bakit kaba galit sa kabet?" "Ayaw ko sa mga manloloko, at lalong-lalo na sa mga kabet." Nagtinginan si Lene at Elias, unang umiwas ng tingin si Lene kasi nanghihinayang siya. Ayaw niyang malaman ni Kerri ang ginawa ni Elias. Ang dami niyang tanong kay Elias, pero hindi niya masabi, dahil ayaw niya naman itong makausap. Ang gulo ng utak niya. Gusto niyang mapag-isa. *Tok*tok* "Sa wakas nandiyan na ang pagkain," kinuha nila ang pagkain at nagsimula ng kumain. Buong magdamag wala silang ginawa kung hindi ang humiga, pinagbabawal din kasi ang cellphone sa paaralan, wala rin namang kwenta ang cellphone sa paaralan, dahil merong computer sa silid-aklatan, doon lang kasi ang merong signal. Ala una ng madaling araw, lahat ng estudyante ay mahimbing nang natutulog sa kanilang mga kwarto, samantalang si Lene ay palabas ng paaralan. May dala siyang dalawang kutilsyo na niregalo ng kaniyang ama, para sa kaniyang proteksyon, nakalagay ito sa loob ng kaniyang palba. May nakalimutan lang siyang dalihin, ang flashlight. Sa dinaming pwedeng makalimutan flashlight pa? Alam niya na nga na gabi na sa labas kaya madilim, pero nakakakita naman siya, dahil sa ilaw ng buwan. Pagkarating niya sa sementeryo, ay wala siyang naramdaman na anino, pati ang hukay kung saan siya nalaglag ay wala na rin. Anong nangyare? Bakit wala rito ang hukay? Imposible namang may naglagay ng buhangin sa hukay, dahil tago ang sementeryo ito, malayo rin sa village. Maya-maya nakita ni Lene ang isang lalaki na may dalang pala. Hindi siya nito nakikita, dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglalagad papunta sa hukay kung saan siya nalaglag. Nag-umpisa ang lalaki na maghukay. Ano itong nakikita niya? Nasa nakaraan ba siya? Kung kailan nangyare ang trahedya. Tinignan niya lang ang lalaki at tinandaan ang mukha nito. Pagkabukas ng kaniyang mga mata, nakita niya ulit ang hukay at nakaramdam ulit si Lene ng mga anino sa kaniyang palagid. Tinignan niya ang mga pangalan ng mga nakalibing at puro babae ang pangalan nito, pareparehas ang last names nito, puro Alcantara. Bago siya umalis sa sementeryo, tinaray niyang hanapin ang susi, pero mahigit isang oras na siya sa sementeryo wala siyang nakitang susi sa paligid. Kaya napagdesisyon niya na bumalik sa paaralan. Wala ang susi sa sementeryo. Dumagdag lang sa kaniyang isip ang kanilang nakita. Pagkarating niya sa kanilang dorm, nakita niya ang kaniyang tatlong kaibigan na mahimbing na natutulog. Dumeretsyo siya sa banyo at naligo, sabay nagbihis. Pagkatapos niya sa banyo tinago niya ang dalawa niyang kutsilyo at humiga na sa kama. Nakakita siya ng isang pintuan at ang nakalagay sa taas ng pintuan ay 'Girls Bathroom' ano nanaman ang kailangan niyang gawin sa banyo ng mga pambabae? May problema nanaman ba? May mangyayare nanaman ba? Isang pagsubok nanaman ang dadating sa buhay ni Lene. Nakakita nanaman siya ng kakaiba sa kaniyang panaginip. Ang daming misteryoso sa paaralan na ito. Kinabukasan* Wala pa silang pasok, kaya lahat sila ay nastock sa mga kwarto. Wala pang nakikitang bagong guro. Natingin si Lene sa pintuan ng kanilang kwarto. Iniisip niya ang kaniyang napaginipan kagabi. Napagdesisyonan niyang lumabas ng kwarto at pumunta sa banyo ng pambabae. Ayaw niya ng patagalin ang problemang ito, kaya gusto niya ng tapusin kung ano ang meron sa banyo na iyon, para wala na ring madamay. Pagkapasok niya sa banyo, nakaramdaman niya ang kaniyang mga balahibo na tumayo at bumilis din ang t***k ng kaniyang puso. Maglalakad na sana siya papunta sa cubicle pero nakita niya ang isang lalaki. "Sir Vince?" Mahinang sabi ni Lene. May kutsilyong nakasaksak sa dibdib ng lalaki at hiwa sa leeg. Anong nangyare? Pati si Sir Vince patay na? "Kasalanan mo ito," malademonyong sabi niya kay Lene. "Nang dahil sayo namatay ang babaeng mahal ko." "Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Ma'am Trilly." "Kasalanan mo kung bakit nagkagulo rito sa paaralan na ito, dahil sayo!" Lungkot ang makikita mo sa mukha ng lalaki, na para bang naiiyak at namimiss ang kaniyang mahal na babae. "Hindi ko ito kasalanan hindi ko alam na may asawa kana pala," pagdedefensa ni Lene sa kaniyang sarili. Hindi niya kasalanan ang mga yun, tumutulong lang siya. Napalingon siya sa taong nagbukas ng pintuan, at nagulat siya nang makita niya si Elias. "Raelene? Anong-," "Kasalanan mo ito!" sumara ng kusa ang pintuan kaya nastock silang dalawa doon. Alam ni Lene na galit na ang spirito kaya umupo siya at pumikit. Humiwalay ang kaluluwa ni Lene sa kaniyang katawan at tinignan si Sir Vince. Nilapitan niya si Sir Vince at hinawakan sa pisngi. "Hindi mo kailangan magalit, ang kailangan mo lang ay pahinga, alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa, pero hindi mo naman kailangan saktan ang sarili mo. Humayo kana Sir Vince, nawa'y maging ligtas kayo," nakita ni Lene ang pagtulo ng isang butil na luha ni Sir Vince. Bigla nalang naglaho ang lalaki. "Sa impyerno," hindi na rin napigilan ni Lene na mapaluha, alam niyang hindi ligtas ang magkasintahan, dahil nakikita niya sa kaniyang pangitain na masusunog ang kanilang kaluluwa sa impyerno habang buhay. "Ano iyun?" Tanong ni Elias sa kaniya. "Anong iyun?" "Yung pag-uupo mo at pagpipikit?" "Ahhh, wala," bubuksan niya na sana ang pintuan pero hindi niya ito mabuksan. Nakasara ito. Nakalimutan niya. Sinarahan pala sila ni Sir Vince ng pintuan. "Ang tagal mo namang buksan iyan, ako na nga, kahit kailan talaga ang kupad-kupad mo," itinulak siya ni Elias, para buksan ang pintuan, pero hindi rin niya na buksan. Napaupo si Lene at sumandal sa pintuan. Nakita niya si Sir Vince na nakatingin sa kaniya, kung kanina ay may mga sugat ito, ngayon ay wala na, lumiliwanag ang kaniyang katawan at nakangiti kay Lene. May sinabi ni Sir Vince at hindi niya ito narinig dahil walang tunog. Basta ang alam niya ay nakangiti ito sa kaniya at masaya ito. Siguro, dahil magsasama na sila ng kaniyang mahal na kabet. Naramdaman niya na tumabi sa kaniya si Elias, umusog siya ng kunti, para hindi niya maramdaman ang katawan ng lalaki, ang awkward ng kanilang sitwasyon ngayon. Bakit ba kasi siya sinundan ni Elias? "Tungkol doon sa nakaraang araw." "Anong meroon?" Pagiging inosenteng sabi ni Lene, ayaw na ayaw nuya talagang pag-usapan yun. Napakabigat sa kaniyang dibdib. "Alam kong alam mo ang ipagsabihin ko Raelene." "Wala akong pake sa mga walang kwentang bagay, Elias." "Hindi ko alam ang ginawa ko noon, nakita ko nalang ang sarili ko na hinahalikan ka." "Iyan ang problema sayo, Elias," inis na sabi ni Lene at pinagpatuloy ang pananalita. "Nililigawan mo si Kerri, at mahal ka niya, kaya ano tong ginagawa mo? Mali ito!" tumayo si Lene at tinignan ng tuwid si Elias. "Ano sa tingin mo ang iisipin ni Kerri kapag nalaman niya ang ginawa mo, natin? Ha? Mali to Elias. Maling-mali," tumulo ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Lene. "Huy," lumapit si Elias kay Lene at pinunasan ang mga luha na nalalag sa pisngi ng babae, gamit ang hinlalaki niya. "Aayusin ko to, basta huwag ka lang umiyak," niyakap ng lalaki ang babae, pero hindi yumayakap si Lene pabalik. Feeling niya kapag yumakap siya dito ay nagcheat na silang dalawa kay Kerri. Gusto niyang layuan si Elias, pero hindi niya magawa, dahil kahit saang punta niya ay makikita at makikita niya parin ito. "Bantayan mo lang si Kerri, kailangan ka niya, siya ang pinakamahina sa atin, huwag mo siyang sasaktan at huwag mo ng gagawin ang ginawa mo noong isang araw, maging mabuti ka sa kaniya," bakit ang sakit sa kaniya lahat ng mga sinasabi niya? Para bang kumikirot ang kaniyang puso, at hindi mapakali sa bilis ng t***k. Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya na ang lalaki pabalik, alam niyang huling hawak niya na ito sa lalaki, kaya nilulubos niya na. Paglabas nila ng banyo, ay magbabago na ang lahat. Iiwas na siya kay Elias. Hindi niya na ito kakausapin masyado. Ayaw niyang makasira ng relasyon, lalo na't nararamdaman ng kaibigan niya ang nakasalalay dito. Habang nakatulog ang lalaki sa kaniyang balikat tinitignan niya lang ito, at nag-iisip kung ano ang kasunod na gagawin. Nalulungkot siya sa mga nangyayare. Naaawa siya sa kaniyang kaibigan na si Kerri, wala siyang alam tungkol sa nangyare sa kanilang dalawa. "Lahat ng ito ay may dahilan, alam ko iyan," bulong ni Lene sa sarili at pumikit para matulog narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD