Kabanata Labintatlo

1766 Words
Chapter Thirteen: The Bonfire. "Meron bang tao rito?" Nagising ang binata at dalawa sa nagsalita na lalaki sa labas. Ngayon lang nila naisip na nandito pa rin pala sila sa banyo, at sila ay parehas na nakatulog. "Kuya, pwede po bang pabukas ng pintuan? Kanina pa po kasi kami rito sa loob ng banyo." "Bakit may lalaki sa loob ng banyo ng pangbabae? Anong ginagawa mo riyan?" "Nasaragan po kami kuya," pagsisingit ni Lene, kailagan nilang sabihin sa lalaki kung bakit sila na lock sa banyo. "Teka," kumuha ng susi ang lalaki at binuksan ang pintuan, isa pala ito sa taga linis ng paaralan. "Naku, kayong mga bata kayo, anong ginagawa niyo riyan sa loob?" "May nagsara po sa amin ng pintuan, wala naman po kaming ginagawang masama rito," sagot ni Lene at lumabas na sa banyo. "Hala sige na lumayas na kayo rito, baka may makakita pa sa inyo, pag-isipan pa kayo ng masama," nagpasalamat ang dalawa bago lumayo sa banyo. Buti nalang at hindi maissue ang lalaki, kung sinumbong sila nito sa punong guro, tiyak na pag-uusapan sila sa buong paaralan. "Pati si Sir Vince nagpakamatay?" "Mahal talaga ni Sir Vince si Ma'am Trilly." "Ang brutal ng ginawa niya sa kaniyang sarili." "Nakita raw siya sa banyo ng kaniyang kwarto may hiwa sa leeg, siguro ay siya ang may gawa non sa sarili niya, dahil may hawak din daw itong kutsilyo." "Kawawa naman ang kaniyang asawa." "Oo nga mas pinili ni Sir na mamatay nalang kaysa manatili sa kaniyang asawa." Nakita nila ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa opisina ni Sir Vince. Sumingit si Lene sa mga nagkukumpulan at nakita niya ang katawan na nakataklob ng kumot, alam niyang si Sir Vince iyon dahil yun ang pinaguusapan ng mga estudyante. Binuhat ng mga lalaki ang katawan ni Sir Vince, sabay idinala sa ambulansya at nagsisunuran naman ang mga estudyante. Ang daming chismosa at chismoso sa paaralan na ito. Hindi nalang magsipuntahan sa kanilang mga kwarto, nakikichismis pa. Kunting respeto naman sa namatay. "Patay na si Sir Vince?" Tanong ni Elias kay Lene, habang nakatingin sa mga estudyanteng sumusunod sa mga kumuha sa katawan ng namatay. "Nakita mo naman hindi ba?" Seryosong sagot ni Lene, sabay naglakad papunta sa daan ng kanilang kwarto. "Ang sungit mo na," sinundan ni Elias si Lene, hinawakan ni Elias ang braso ni Lene at iniharap sa kaniya. "Kausapin mo ako," tinignan lang siya ni Lene, may pwersa niyang tinanggal ang braso niya sa kamay ng lalaki, at dumeretsyo sa paglalakad. Katulad nga ng sabi niya sa sarili, ayaw niya na itong makausap at hanggang kaya niya itong lumayo ay lalayo siya. "Ano bang problema, Raelene?" Dahil sa inis, hinarap siya ni Lene, huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Ikaw ang may problema Elias, utak mo ang may problema, pwede ba layuan mo na ako? Huwag mo na akong kausapin!" Pagkatapos sabihin ni Lene iyon ay tumakbo siya papunta sa kanilang kwarto. Pagkapasok niya sa kwarto hindi niya nakita sina Kerri at Nash sa loob. Saan nagpunta ang dalawa? Hindi kaya hinahanap nila sila? Ngayon niya lang naisip na gabi na. Sh*t sigurado siya na hinahanap na sila ng kaniyang mga kaibigan. Ang tagal pa naman nila sa banyo ng pangbabae. Hindi naman kasi niya alam na susundan siya ni Elias, inosente siya wala siyang ginagawang masama. "Saan ba kasi kayo pumunta?! Kanina pa namin kayo hinahanap ni Nash!" "Sabi ko nga Kerri nasarahan kami ng pintuan ni Raelene sa banyo ng pangbabae," rinig na rinig ni Lene ang boses nina Kerri at Elias na nagtatalo sa labas. "Bakit kayo nasa banyo ng pangbabae?! Anong ginagawa niyo roon?!" Pagkabukas ng pintuan nagkatinginan si Kerri at Lene, kinunutan siya ng noo ni Kerri sabay iwas ng tingin. "Sinundan ko si Lene kasi nagtataka ako kung bakit siya pumunta sa banyo." "Malamang iihi! Ayos ka lang Elias? Sinong lalaking bobo na papasok sa banyo ng mga babae?! Hindi kaba nag-iisip?" Natahimik si Elias sa sinabi ni Kerri. Tama naman ang mga sinabi ni Kerri, walang maglalakas loob na pumasok doon kapag lalaki. Bakit pa kasi niya sinundan si Lene, edi sana hindi sila nag-aaway ngayon, nadamay pa si Lene, sabagay simula noong hinalikan siya ni Elias, damay na siya. "Sabihin mo nga sa akin Raelene?" Seryoso siyang tinignan ni Kerri. "May namamagitan ba sa inyong dalawa, meroon ba akong kailangang malaman? May tinatago ba kayo sa akin?" "Wala," walang emosyon na sabi ni Lene, sabay iwas sa tingin kay Kerri, ayaw niya itong tignan sa mata, para hindi malaman ni Kerri na nagsisinungaling siya. Gustong-gusto niyang sabihin ang totoo sa kaibigan para wala na siyang iisipin. Lumapit si Kerri kay Lene, at malakas na sinampal niya ito sa kaliwang pisngi. "Sinungaling!" Napahawak si Lene sa kaniyang pisngi. Hindi siya makatingin kay Kerri, dahil sa ginawa ng dalaga nito sa kaniya, dapat sa kaniya na masampal, dapat lang siyang masaktan, dahil kasalanan niya kung bakit nag-aaway si Kerri at Elias. Kasalanan niya kung bakit masisira ang kanilang pagkakaibigan. "Kaibigan kita Raelene, tapos ito ang ibibigay mo sa akin? Anong klaseng kaibigan ka! Sa lahat ng ginagawa ko sayo! Napakasama mo!" Hinawakan ni Kerri ang baba ni Lene at iniharap sa kaniya, tinitigan niya ito ng nakakatakot at sinabing. "Walang sayo Raelene, tandaan mo yan," pagkatapos sabihin iyon ni Kerri ay pumunta ito sa banyo, alam nilang tatlo na umiiyak ito. Alam niya na ba? Siguro ay alam na ni Kerri ang sikreto nila ni Elias. Bago lumabas ng kwarto si Lene, tinignan niya muna si Elias at nagsign ng kausapin niya si Kerri at sabihin na ang totoo. "Saan ka pupunta, Lene?" "Magpapahangin lang, Nash," nginitian ni Lene si Nash, bago lumabas. Gusto niya munang mapag-isa. Nang malapit na siya sa gate ng school, nakita niya ang mga estudyante don. Yung iba ay may hawak na cooler at mga kahoy. "Sigurado ba kayo na ayos lang itong gagawin natin?" "Oo, mananalangin lang naman tayo, wala tayong gagawing masama at saka hindi naman tayo tatakas sa paaralan." "Handa na ba ang mga pagkain?" "Oo, Sidney." Rinig na rinig niya ang mga usapan ng mga babae kahit malayo ito sa kaniya. Bente ang mga babae at lima lamang ang lalaki. Siguro ay may gagawin silang lahat sa gubat, at iyon ay ang mag-saya. Meroon sigurong kaarawan na magaganap ngayon. Sinundan niya lang ang mga estudyante, kung saan sila pupunta. Naglakad sila palayo sa paaralan at pumasok sa gubat, nang may makita silang space na malaki ay doon sila naglatag ng kumot at gumawa ng apoy gamit ang mga kahoy na nakita nila sa gubat. May dalang mga gitara ang mga lalaki, kaya nagkantahan silang lahat. *All these pieces Broken and scattered In mercy gathered Mended and whole Empty-handed But not forsaken I've been set free I've been set free* Ang sarap pakinggan sa tenga ng kanilang kinakanta, ang sarap din sa pakiramdam. Pero hindi nila alam meron palang nakatingin sa kanilang demonyo. Ang demonyong nakita ni Lene sa kaniyang panaginip. Nakita ni Lene kung paano nagkakasayahan ang mga estudyante sa kanilang ginagawa, kung ano ano rin ang kanilang kinakanta, mga hillsong. "Tara manalangin na tayo?" pag-aaya ng isang babae na nakajacket na pula. Nagsihawak kamay sila, at nag-umpisang manalangin, nakita ni Lene ang demonyo ay nawala na. Napangisi nalang siya, alam niya kasi ang pananalangin ay ang laban para mailayo sayo ang demonyo, hihingi ka ng tulong sa Panginoon para mailigtas ka sa pahamakan. Ang tatalino ng mga estudyanteng ito, dahil naisipan pa nilang isamba ang Panginoon kahit napakalala na ng kanilang sitwasyon. Yung iba ay umiiyak, at humihingi ng tawad sa Panginoon. Hindi dapat sila nadadamay dito, hindi dapat sila na rito. Nakita ni Lene ang tatlong babae na tumayo at lumayo sa kaniyang mga kaibigan, kahit hindi pa tapos ang kanilang pagdarasal. Sinundan ni Lene ang tatlo hanggang sa nakita niya itong nakalutang at nawawalan ng hininga. Nilapitan niya ang tatlo, pero napaatras siya ng nalaglag ito. "Aaarrgghh!" Lahat sila ay nagwawala, dahil sa hindi makahinga, para silang uod na galaw ng galaw. "Tulong!" Lalapitan na sana siya ng babae, pero huli na ang lahat, naging maputla ang kanilang mga katawan at naging itim ang buong mata, tumigil sila sa pagwawala. Lumapit si Lene sa mga dalaga, sabay tinignan kung humihinga paba ang mga ito o kaya t***k man lang ng puso. Sinubukan niyang iligtas ang mga babae, pero huli na ang lahat, wala na sila. Napaupo si Lene sa kawalan, habang tinitignan ang tatlo. Ngayon lang napansin ni Lene ang marka na bituin sa noo ng tatlo. Bakit sa noo? "Kasalanan ko ito, kasalanan ko," bulong ni Lene, nararamdaman niya ang maiinit na luha sa kaniyang pisnge, hindi niya mapigilan ang mapaluha at maisip na kasalanan niya kung namatay ang tatlong babae. Kasalanan niya, dahil hindi niya pa natatapos ang mga ito, hindi niya pa natatalo ang demonyo, at alam niyang hindi niya pa ito kayang talunin, hindi niya pa ito mapapaalis sa mundo. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili, binuhay ka ng Diyos para magligtas ng mga kaluluwang nangangaylangan ng tulong mo, huwag mong kimkimin ang lahat, Raelene." Narinig ni Lene ang boses ng kaniyang ama. Tama ito kailangan niyang maging malakas para sa mga tao at aninong kailangan siya. Kailangan niyang matapos ang pag-subok na ito, upang magkaroon ng kapayapaan sa Keimusho University. "Anong ginawa mo!? Helen!" Isang sigaw ng babae ang kaniyang narinig sa bandang likuran, pero hindi niya ito nilingon, ipinagpatuloy niya ang pagkakatitig sa tatlong babae na walang buhay. "Ano ito." Nakikita niya ang mga babae na lumapit sa tatlo nilang kaibigan, pero hindi niya rinig ang mga sinasabi ng mga ito, lumabo ang kaniyang paningin, nakaramdam din siya ng hilo at p*******t ng dibdib. Para siyang baliw na nakaupo lamang sa isang gilid habang nakatingin sa kawalan. Hindi niya na alam ang kaniyang gagawin. Habang tumatagal naramdaman niya ang pagtulo ng dugo sa kaniyang ilong. "Miss? Miss? Ayus ka lang? Nakikita mo ba ako?" Boses ng lalaki ang huli niyang narinig bago siya bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. Hindi pa buo ang puso nila, hindi pa nila tinanggap ang Panginoon kaya nawala ang tatlong dalaga, kailangan mong lakasan ang iyong loob at magtiwala sa Panginoon na ililigtas ka niya sa kapahamakan, dahil siya lang ang nandiyan para sayo, kahit wala ng gumagabay sayo. Nandiyan siya at palagi siyang nakaalalay sa mga desisyon mo sa buhay. Kung meron kang hinananakit, sabihin mo lang sa kaniya, gagabayan ka niya at tuturuan ng mabuting asal. Palagi ka niyang binabantayan, para malayo ka sa kapahamakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD