Kabanata Labing-apat

1753 Words
Chapter Fourteen: The Dark Room. "Bakit ba tayo nandito? Wala akong pake sa babaeng iyan." "Pwede ba Kerri? Manahimik ka muna? Hindi ka nakakatulong. Nakita mo naman na natutulog ang kaibigan natin." "Wala akong pakeelam, Elias, simula noong dumating ang babaeng iyan dito, ang payapang paaralan na ito ay naging magulo na at kaibigan? Sinong nagsabi sayo na kaibigan ko yang malanding iyan?" Habang nag-tatalo sina Elias at Kerri, hindi nila alam ay may malay na si Lene, ayaw niya lang buksan ang kaniyang mga mata. Nahihiya siya kay Kerri, wala siyang masasabi sa lahat ng ginawa niya. Hindi niya rin alam kung paano ito haharapin. "Kerri, naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Kaibigan natin ang iniinsulto mo! Pati sa harap niya!? Mahiya ka naman," kilala niya ang boses na iyon, kay Nash. "Mas kakampihan niyo siya? Sino ba ang naloko rito? Sino ba ang niloko? Sino ba ang nasaktan? Sino ba ang biktima sa nangyayare, hindi ba ako?" "Tang-ina Kerri. Walang meron sa amin ni Raelene!" "Ang galing, wala raw pero nasa banyo! Ang dugyot niyo." "Bahala ka riyan! Nakakainit ka ng ulo!" Nang maramdaman ni Lene na wala na ang kaniyang mga kaibigan sa paligid ay binuksan niya ang kaniyang mga mata at pinunasan ang mga luhang tumulo kanina. Oo, nasaktan si Kerri, pero tao rin naman si Lene, may pakiramdam din siya. Ang sakit pala sa pakiramdam ng sampalin ka ng kaibigan mo. Tinuring mo ng kaibigan, tapos kinabukasan ipagtatabuyan kana. "May problema ba, iha?" Malambing na sabi ng bagong nurse sa kanilang paaralan. Isa itong matanda, pero maganda pa rin ang itsura. "Wala naman po," maikling sagot ni Lene. Nahihiya siyang sabihin ang kaniyang problema sa taong ngayon niya lang nakilala or na kita. "Sige, pero sabi ng punong guro kanina sa akin pumunta ka raw sa opisina niya at may pag-uusapan daw kayo," tumungo lang si Lene sa matanda bilang sagot. Ayaw niyang maging mayabang sa paningin ng nurse, pero masakit talaga ang kaniyang ulo at hindi siya makapagsalita ng maayos. "Ayos na ba ang lagay mo?" Isa ulit na tungo ang sagot niya, nagsinungaling siya, dahil gusto niya ng umalis doon. Ang totoo niyan ay hindi pa rin ayus ang kaniyang kalagayan. "Sige maaari ka ng umalis, basta yung sinabi ko sa iyo ahh at kapag may naramdaman kang kakaiba pumunta ka agad dito para masuri kita," tinignan siya ni Lene, sabay tungo. Tinatamad siyang magsalita, kaya puro tungo ang kaniyang mga sagot. Para kasing mabibiak ang kaniyang ulo kapag nagsalita. Dahil sa pagod at lungkot na nararamdaman ni Lene, gusto niya ng magpahinga, pero hindi pa pwede. *tok*tok* "Pasok," nang marinig niyang magsalita ang punong guro ay binuksan niya ang pintuan. Nakita niya ang mga babae at lalaking familliar na mukha. Lahat ito nakaupo at masamang nakatitig sa kaniya. "Siya po! Siya po ang pumatay sa kanila!" Napakunot ng noo si Lene sa kaniyang narinig. Saan niya naman na kuha ang mga salitang iyun? Paano niya nasabi na siya ang pumatay? Wala naman itong ebidensya. "Miss Sidney, huminahon ka." "Hindi Ma'am hindi po ako titigil hanggat buhay pa ang babaeng ito!" Sinugod siya nong Sidney ang pangalan at sinabunutan siya nito. Hindi siya makalaban, dahil ayaw niyang makasakit, alam niya na kapag pinatulan niya ang babae ay mas lalong lalala ang sitwasyon at mas malala baka maniwala ang punong guro na siya talaga ang pumatay sa tatlong dalaga kagabi. "Tama na iyan, Miss Sidney!" Tumigil ang babae sa p*******t kay Lene at bumalik sa kaniyang upuan. "Ano ba ang nangyare sa gubat, Miss Dixon?" Tumingin muna siya sa punong guro bago magsalita. "Nakita ko silang lahat na nasa labas ng gate ng paaralan. Nagtaka ako kung ano ang gagawin nila kaya sinundan ko sila, nang makahanap sila ng lugar para makapagsindi ng apoy, ay lahat sila nag sipagdasal, samantalang ang tatlong babae na sinasabi niyong pinatay ko ay umalis sa inyong tabi, sinundan ko silang tatlo at nakita ko silang nakalutang sa ere at nawawalan ng hininga. Pagkahawak ko sa kanilang mga kamay, ay bigla silang nagsipaglaglagan. Nagwawala silang tatlo, hanggang sa naging maputla ang kanilang mga balat at nag-itim ang mga mata, kasabay na rin non ng pagtigil ng kanilang pagwawala, sinubukan ko silang iligtas pero huli na," mahabang pagkakasabi ni Lene sa lahat, kahit walang maniwala sa kaniya ay nagsabi pa rin siya ng totoo, kahit nagsayang ng oras at laway sa walang kwenta. "Hindi totoo ang sinasabi niya! Sinungaling ka! Sana ikaw nalang ang namatay hindi ang mga kaibigan ko! Nakita ko sa dalawang mata ko kung paano mo sila patayin," nagulat si Lene at hinarap ng walang emosyon si Sidney. "Wala ka roon noong oras na iyon, kaya huwag mong isumbat sa akin ang lahat ng hindi ko naman ginawa," seryosong sabi ni Lene, sabay harap sa punong guro. "Kung ayaw niyo akong paniwalaan, salamat, pero kung paniniwalaan niyo ako, maraming salamat. Kung ano ang desisyon mo punong guro roon ako," pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, ay lumabas na siya sa silid at dumiretsyo sa likod ng paaralan. Humiga siya sa lupa na makulimlim at tinignan ang magandang langit. Isang oras din siyang nakatingin sa itaas. Ang sarap sa balat ng hangin napakasarap sa pakiramdam. "Kanina pa kita hinintay sa kwarto, nandito ka lang pala," alam niyang boses ni Elias yun kaya, hindi na siya tumingin sa likod, pumikit nalang siya at pinakinggan ang mga yapak ng mga paa nito palapit sa kaniya. "Naalala mo paba noon? Yung humiga tayo rito?" naramdaman niya ang lalaki na humiga sa tabi niya. "Paumanhin pala sa ginawa ni Kerri kanina, ayus naba ang pisngi mo?" hindi sumagot si Lene, subalit nagpatuloy sa pagsasalita si Elias. "Galit kaba sa akin?" Naghintay si Elias sa isasagot ni Lene hindi parin siya pinansin. "Parang awa mo na, Lene, kausapin mo naman ako," kanina niya pa sinusuyo ang dalaga pero hindi ito umaamo, kaya nawalan ng lakas ng loob si Elias para magsalita, nanahimik nalang siya. Galit sa kaniya si Lene, nararamdaman niya yun. Mga ilang minuto, napag-isipan na ni Lene na kausapin si Elias. "Naniniwala kaba na pinatay ko ang tatlong babae kagabi?" Mahinhin na sabi ni Lene. "Hindi." "Bakit?" "Bakit naman kita pagbibintangan? Hindi ko naman nakita na pinatay mo iyun, kahit ilang araw ka palang dito sa paaran, pakiramdam ko kilalang-kilala na kita, at alam kong hindi mo kayang pumatay ng tao, hindi mo naman sila pinatay hindi ba?" "Sinundan ko ang tatlong babae, at nakita silang nakalutang sa ere, pagkahawak ko sa kanilang mga kamay, bigla nalang silang nalaglag at nagwala, mga ilang sigundo naging maputla at itim ang kanilang katawan at mata." "Demonyo ba ang sinasabi mo na pumatay sa kanila?" Tumungo si Lene at tinignan sa mata si Elias. "Nakakakita ako ng kaluluwa at yung iba ay hindi basta multo, kung hindi mga demonyo, nakikita ko ang mga nakaraan at kung ano ang ikinamatay ng isang tao," hindi sinabi ni Lene na nakikita rin niya kung mamamatay na ang isang tao, dahil ibang usapan na iyon. Sa mukha ni Elias, kitang-kita sa kaniya ang pagkakagulat at pagkakamangha. Ang isang kaibigan niya ay hindi ordinaryong tao, kung hindi isang espesyal na babae. "Huwag kang mag-alala gagawa kami ng paraan, para maayos ang pangalan mo rito sa paaralan." "Salamat," hahawakan sana ni Elias ang kamay ni Lene, pero agad na nilayo ni Lene ang kaniyang kamay at umusog ng kunti palayo kay Elias. Masaya siya sa kaniyang narinig kanina, pero ayaw niya ng magkaron ng koneksyon kay Elias, magkakagulo nanaman sila ni Kerri kapag nakita sila, dadag-dag din ito sa isipan niya at sa sekreto niya. May kaibigan siya na nagtitiwala at hindi natatakot sa kaniya. Tanggap siya kung ano ang pagkatao niya. "May alam kaba sa mga babaeng namamatay?" napatigil sa pag-iisip si Lene sa sinabi ni Elias. Sasabihin niya ba? Bahala na, makakapagtiwalaan naman si Elias. "Katulad nga ng sinabi mo noon, iisa-isahin nila tayo rito, pero hindi nila dinadamay ang mga lalaki, inuuna nila ang mga babae na hindi malalakas ang loob at may takot. Nag-uumpisa na siyang patayin ang mga babae. Kailangan mong bantayan ng maayos si Kerri." "Si Ke-." "Miss Dixon, pinapatawag na kayo ng punong guro," pagpuputol ng babae sa sasabihin sana ni Elias. Tatayo na sana si Lene nang pigilan siya ni Elias. "Mag-iingat ka, kung ano man ang mangyare, nandito lang ako para sayo," bago umalis si Lene tinignan niya muna si Elias at tinunguhan. Dumiretsyo sila sa opisina ni Principal Santiago, pagkabukas ng pintuan ni Lene, umupo siya sa harapan ng principal. "Ang desisyon ko, ay sa dark room ka muna hanggat wala pang balita ang mga nag-iimbestiga. Miss Rena, pakisamahan si Miss Dixon papuntang dark room," tumigil sa pagsasalita ang punong guro at tumingin ulit kay Lene. "Huwag kang mag-alala Miss Dixon, pati ang mga babae at lalaki na lumabas ay aking paparusahan, dahil sa paglabag nila sa panuntunan ng paaralan." "Masusunod po." Hindi lang pala morgue ang meron sa paaralan na ito, pati dark room. Ayus lang naman sa kaniya ang desisyon ng principal, dahil mas gusto niya munang makalayo sa mga kabigan, para na rin makapag isip ng maayos. "Pagpasensyahan mo na Miss Dixon, at sana maintindihan mo ito," bago niya isara ang pituan tinignan niya ng punong guro. "Naiintindihan ko po kayo, huwag kayong mag-alala," nakangiting sabi niya at isinara ang pintuan. "Huwag mong problemahin ang pagkain mo, dahil may magdadala sayo roon," tumungo si Lene. Pinanood ni Lene kung paano buksan ng babae ang dark room. Pumasok siya sa loob, wala siyang makita, dahil sa dilim ng paligid. Kaya pala dark room kasi walang ilaw, bakit hindi niya naisip yun? Nakasara na ang pintuan kaya wala na siyang magagawa, kung hindi ang maghintay sa balita. Humiga siya sa kaniyang kama at tumingin sa siling. "Tulungan mo kami." "Parang awa mo na binibini." "Bigyan mo kami ng hustisya." "Talunin mo siya." "Binibini, mag-iingat ka." "Hindi lang isa ang iyong kalaban." Napaluha siya sa mga naririnig na boses ng babae. Naawa siya sa mga ito, dahil pinatay sila kahit wala silang ginagawang masama. "Hanggat nabubuhay ako, ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa inyo, pangako yan." Hindi parin tumitigil ang mga boses na bumubulong sa kaniya, kahit magtaklob siya ng unan sa kaniyang tenga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, at pagkabukas niya isang demonyo ang kaniyang nasa ibabaw at sinasakal na siya. "Aaaccckkk!" Demonyo na may hati sa leeg at walang bibig at mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD