Kabanata Labinlima

1508 Words
Chapter Fifteen: Dead? "President Hayashi, welcome to the Phillipines." "Thank you, President Alfonso." Nakita ni Lene ang dalawang lalaki na nagshake hands at umupo sa kanilang mga upuan. "About the prison we were going to build, is it ok to you if we make it big? Two building, perhaps?" Tanong ng Presidente ng Pilipinas. "Of course." "It's settled then." "Yes, thank you." Nagising si Lene, dahil hindi siya makahinga. Mapaupo siya sa kaniyang kama at nakaramdam ng uhaw.  Napahawak siya sa kaniyang leeg, sabay minamasahe ang kaniyang ulo. Bakit palagi nalang masakit ang ulo niya? May sakit ba siya? O kaya sadyang sumasakit lang ito, dahil sa kaniyang mga nakikita? "Raelene," narinig niya ang kaniyang pangalan sa labas ng pintuan, kaya dahan-dahan siyang pumunta papalapit doon. "Si Elias ito, ayos ka lang ba riyan?" "Oo," pagsisinungaling niya. Hindi siya ok, lalo na't hindi tumitigil ang pagsasakit ng kaniyang ulo at sinabayan pa ng hindi makahinga. "Kailangan mo ba ng makakausap?" "Hindi na kailangan." "Alam kong hindi kayo ayus ni Kerri at kasalanan ko yun, pero huwag mo naman akong ipagtabuyan." "Ok," maikling sagot ng dalaga. Wala siyang masabi kay Elias, sapagka't wala siyang gana mag salita ng mahaba. "Balang araw makakaalis din tayo sa paaralan na ito, at pupunta tayo sa isang mamahaling restaurant, uubusin natin pera natin doon." "Sana nga." "Bakit ka nga pala nila nilipat dito, Lene?" "Lahat ng school na eexpelled ako, dahil walang may gustong maniwala sa akin." "Ako naniwala ako sayo." "Alam ko, at salamat." "Gagawa ako ng paraan, para makalabas kana rito. Ayaw kong nandyan ka sa loob, alam kong madilim at mahirap makatulog diyan. Kung ako lang ang may-ari ng paaralan na ito, lahat ng gusto mo pwede, maging masaya ka lang," napangiti si Lene sa mga kwento ni Elias. Unti-unting nalalapit ang loob nila sa isa't isa at yun ang kinatatakutan niya. "Nilipat ako ng mga magulang ko rito, dahil hindi ko sila sinusunod. Away dito away doon, kahit pulis pinapatulan ko, meron pa nga yung araw na may nakaaway akong lalaki sa banyo, dahil sa asar ko nilublob ko ang mukha niya sa ihian, hahahahaha, yun ang hindi mo makalimutan sa buong buhay ko, hahahaha," masarap din pala kakwentuhan si Elias. Mapapatawa at mapapangiti ka nalang ng hindi mo na namamalayan. "Si Nash naman, napunta siya rito, dahil mahilig siyang magnakaw, hahahaha, pati panty at bra ng kapitbahay kinukuha, hahahahahaha, kiniwento niya sa amin pati ang mga reaksyon ng mga ninakawan niya, hahahaha, laughtrip," kung nakikita lang nila ang isa't isa ay makikita mo ang saya sa kanilang mga mukha. Sa lakas ng tawa nila marinig mo sila kahit magtaklob kapa ng tenga. "Hanggang ngayon ba nagnanakaw parin siya?" "Oo, nagnanakaw ng pagkain yun sa cafeteria, hahahaha." "Gabi na, matulog kana, goodnight Lene." "Goodnight din Elias, salamat." "Walang anuman." Nang maramdaman ni Lene na wala na ang lalaki sa labas, ay humiga siya ulit sa kaniyang kama at pinakiramdaman ang paligid. Ngayon niya lang napansin na hindi kiniwento ni Elias kung paano napunta si Kerri sa paaralan na ito. Meron nga bang dahilan? O sadyang ayaw niya lang sabihin? Baka hindi niya alam? ******** Habang mahimbing na natutulog ang isang dalaga sa hospital, may lumabas na demonyo sa kaniyang harapan, at hinigop ang hangin na nalalanghap ng dalaga, dahil sa hindi makahinga ito, ang dalaga ay nagwala at nanginginig ang katawan. Bumukas ang mga mata nito at naging itim, naging kulay abo rin ang katawan ng dalaga. *ttiiiiittttt*tttiiiittttt* Naging flatline ang ventilator ng pasyente, kaya ang mga nurse ng hospital ay nagkagulo. One of the nurse started the cpr, hanggat hindi pa dumarating ang doktor. Nang dumating na ito, ipinakuha ang defibrillator. "Clear." "1 2 3 Clear." "AGAIN! Clear!" Paulit ulit nilang ginawa yon hanggang sa wala na talaga. Chineck ng doktor ang pulso ng patiente sa leeg ng isang minuto, at chineck din nito ang puso ng stethoscope, pati ang paghihinga. "Time of death, 3am, February 8, 2022." ******* "Hindi!! Hindi totoo ang sinabi ng babaeng yun." "Kerri, huminahon ka." "Elias, kaibigan ko yun," iyak ng iyak si Kerri nang malaman niya na ang kaniyang kaibigan na si Oddete ay namayapa na. Lumapit siya kay Elias at niyakap ito. "Magiging ayus din ang lahat, magpahinga nalang muna tayo," humiga silang dalawa sa kama ni  Kerri, at hanggang ngayon ay nakayakap parin ito sa binata. Gustong-gusto niya itong katabi sa pagtulog, dahil pakiramdam niya ay ligtas siya sa bisig ng lalaki. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan. Akala niya ayus na si Oddete, dahil nasa hospital na ito, pero mali pala siya ng akala, meron talagang mga bagay na hindi mo aasahan na mawawala, hindi mo nga rin alam kung kailan ka kukuhain ng Panginoon at kung kailan ka mawawala sa mundo. Pagmulat mo.naoang nsa itaas kana o sa impyerno ang bagsak mo. "Natatakot ako," mahinang sabi ni Kerri at humigpit ay yakap nito. "Sssshhhhh, I'm here, walang mangyayare sayo," hinalikan ni Elias sa noo si Kerri, para hindi makaramdam ng kaya at takot ang dalaga. Pero bago siya makatulog. Naiisip niya si Lene, nag-aalala siya kay Lene. Gusto niya itong puntuhan sa dark room at magdamag na makipausap doon, kung pwede nga lang na samahan niya ang dalaga sa dark room ay ginawa niya na. "Sana ok ka lang Lene," sabi sa isip ni Elias sabay pikit na ng kaniyang mga mata. Dorm 222 Mahimbing natutulog ang apat na babae sa kanilang mga kama. Nang bigla nalang sila nawala na parang naging hangin, pero ang kanilang mga damit ay naiwan.  Mahigit isang linggo na si Lene sa dark room, dahil hindi pa natatapos ang pag-iimbestiga. Hindi parin nila namamalayan na may nawawalang estudyante sa kanilang paaralan. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayare. "Nakakausap niyo pa ba si Lene?" tanong ni Nash, simula nong napunta si Lene sa dark room ay hindi na nila ito kinakausap, pati na rin si Elias, hindi niya ito madalaw, dahil palaging nakadikit si Kerri sa kaniya. Kahit gusto niya itong dalawin, pero hindi niya magawa. "Pake ko naman sa malanding babae na yun," maarte na pagkakasabi ni Kerri. Naging mataray ito at maarte. Hindi na sila nakapagsalita, ilang beses ng pinagsabihan ni Elias si Kerri, pero hindi parin nakikinig. Pagkapasok nila sa kanilang silid aralan, nakita nila si Lene na nakaupo sa unahan. Kailan pa siya nakalabas ng dark room? At kung nakalabas na siya, bakit hindi ito dumeretsyo sa kanilang dorm? "Ayan na yung malandi ohh," turo ni Kerri kay Lene. Naiinis na si Elias sa ginagawa ni Kerri, palagi nalang kasi sinasabihan ng malansi si Lene, kahit hindi naman, siya ang may kasalanan non kaya dapat sa kaniya ito magalit. Hindi niya dapat dinadamay si Lene rito. "Ang ganda ng gising ko, pero pumangit ng may makita akong malandi," umupo sila sa kanilang upuan at buti nalang ay malayo si Lene sa aknila kaya hindi naririnig ni Lene ang mga pinagsasabi ni Kerri. "Tumigil kana, Kerri, hindi kana nakakatawa." "Why Elias? Pinagtatanggol mo na yung lumandi sayo? Huwag mong sabihin mahal mo na yang higad na yan?" hinawakan ni Elias sa pulso si Kerri ng mahigpit.  "Aaahhh." "Elias, tama na nasasaktan na si Kerri," tinanggal ni Elias ang kaya niya sa pulso ni Kerri at umayos ng upo. Nakatungo lang si Kerri hanggang sa matapos ang klase. Pagkalabas nila ng silid aralan, humarap siya kay Kerri, at humingi ng tawad. "Kaibigan natin si Lene, kaya kung ayaw mo siyang respetohin bilang kaibigan, kahit bilang tao nalang, makakatulong pa yun sa kaniya," seryosong sabi niya, at naglakad palayo kila Kerri. Ayaw niya sanang ganunin si Kerri, kaso sumusobra na. Hindi niya alam may ganong ugali palang tinatago si Kerri. Simula nang makita ni Elias sa klase si Lene ay hindi niya na ito nakita. Gusto niya itong makausap o kaya makita, kahit hawak manlang. Palagi niya na itong iniisip, hindi niya maalis sa isip niya si Lene. Kaso palaging sumasagi sa isip niya si Kerri. Kaya naiisip niya na hindi pupwede ang kaniyang naiisip. "Nalilito kaba?" napalingon siya kay Jaris. Nasa rooftop sila ng paaralan at tinitignan ang buong kalawakan. "Kailangan mong pag-isipan ng mabuti yan, Elias. Si Raelene o Kerri? Sino ba ang nauna?" "Si Kerri." "Bakit mo ba siya na gustohan?" "Simula nong pumasok ako sa paaralan na ito, siya ang una kong naging kaibigan." "Bakit naman nagustohan si Lene?" "I don't know." "See? Isipin mo ng mabuti, madali lang yan pare. Follow your heart." "Ang bakla." "Hahahahaha." Pagkatapos nilang mag-usap. Bumaba na sila sa rooftop at nakita nila ang mga estudyante na nagtatakbuhan palabas. "Anong nangyayare?" takang tanong ni Jaris. "May sunog sa cafeteria," seryosong boses ni Lene ang kanilang narinig sa likod, kaya napalingon sila doon. "Bakit daw nasunog?" "Bakit sa akin mo itatanong? Chismosa ba ako?" napakamot nalang si Jaris sa ulo. Lumapit si Elias kay Lene at hinawakan ang kamay. "Ayus ka lang ba?" bago sumagot si Lene kay Elias, ay binawi niya muna ang kaniyang kamay. "Oo." "Lene!" may bigla nalang yumakap kay Lene, dahil sa gulat nasiko ni Lene ang tiyan ng yumakap sa kaniyang likuran. "Aargh, grabe ka naman ang sakit," tinignan ni Lene si Nash ng walang emosyon at bumaling ito kay Kerri na ngayon ay nakataas ang kilay sa kaniya. "Maiwan ko na kayo, may pupuntahan pa ako," tumakbo si Lene paalis sa kanila.  Dumeretsyo si Lene sa Dorm 222, para malaman kung ano ba ang totoong nangyare doon. Nakita niya kasi ang kwarto na yun sa kaniyang panaginip, kaya kailangan niya itong tignan. Pagkabukas niya ng pintuan, nagulat siya sa nakita at napatakip ng bibig. Meron nanamang mawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD