Kabanata Labing-anim

1571 Words
Chapter Sixteen: The Missing Students. Isang buong patay na kalabaw ang nakita niya sa loob ng kwarto. Kalabaw na bukas ang lamang loob at ito ay inuuod na sa tagal ng nasa loob. Nilapitan ni Lene ang mga kama ng estudyante at nakita niya na may mga damit dito. Mga damit ng nawala. Paano siya nakalabas ng dark room? Pinayagan siya ng punong guro na mag-aral, pagkatapos ng klase ay kailangan niyang dumeretsyo sa dark room at doon matutulog. Pero nilabag niya ang utos ng punong guro, dahil dumeretsyo siya sa Dorm 222. Yung sunog sa cafeteria? Siya ang may gawa non, gumawa talaga siya ng sunog para makapunta sa kwarto na yun. "Bakit may kalabaw sa loob ng kwartong ito?" Mahinang sabi ni Lene. Bakit nga ba? Sinong tao ang maglalagay ng kalabaw sa loob ng kwarto ng mga nawawalang estudyane? Imposible naman ang mga estudyante ang naglagay ng kalabaw dito sa loob, sapagkat isang linggo na silang nawawala. Hindi kaya may naglagay na ibang tao rito? Baka palatandaan ito kung nasaan ang mga estudyante? Saan ba namumuhay ang mga kalabaw? "Palayan?" Nagmamadaling lumabas si Lene sa kwarto at dumeretsyo sa dorm nila Kerri. Pagkapasok niya sa kwarto, hindi niya na tinignan ang mga kaibigan niya, dahil nagmamadali siyang inilagay ang lahat ng gamit niya sa kaniyang bag. "Tek-," magsasalita na sana si Elias nang sininara niya ang pintuan, napasandal siya sa pader at pinunasan ang luha na tumulo sa kaniyang mga mata. Nang lumuwag ang kaniyang isipan, tumakbo na siya papunta sa dark room. Sinarahan niya ang kaniyang sarili at nilapag ang kaniyang bag. Binuksan niya ito, sabay kumuha ng malagkit na tala at isang panulat. Nakakakita na siya sa dark room, dahil humiling siya sa punong guro na maglagay ng ilaw kahit isa sa kwarto. Para siyang mababaliw kapag walang ilaw ang buong paligid niya. Nagsulat siya sa si itaas ng pader. Pebrero 2, 1682. Presidents. Pebrero 2, 1772. Unang lalaki. Pebrero 2, 1882. Keimusho University. Pebrero 2, 1922. Unang pasok. Pebrero 2, 1982. Payapa. Pebrero 2, 2022. Me. Pebrero 3, 2022. Oddete at ang demonyo. Pebrero 4, 2022. Ang Morgue. Pebrero 5, 2022. Gloria Del Rosario at ang nurse. Pebrero 6, 2022. Ang Sementeryo. Pebrero 7, 2022. Ang guro at ang tatlong babae. Pebrero 8, 2022 Ang nawawalang apat na estudyante. Bakit parang may kulang sa kaniyang naisulat? Meron pa ba siyang hindi naisusulat? Ngayon alam niya na unti-unti niya ng nakukuha ang mga problema sa paaralan. Ang dami niya ng nalalaman. Kailangan niyang sabihin sa punong guro ang kaniyang nakita kanina, wala siyang magagawa, dahil hindi siya makakalabas, pero makikiusap siya sa punong guro kung pwede siyang sumama sa palayan mamaya, kung meron ngang palayan, pero sana meron. Dahil hindi magkakaron ng kalabaw dito kung walang palayan. Pinindut ni Lene ang isang pindutan sa gilid ng kaniyang pintuan. "Bakit, Miss Dixon?" Si Miss Rena ang palaging pumupunta sa kaniya kapag pinipondot niya ang pindutan para humingi ng pagkain, or ano pa. "Maaari ko bang makausap ang punong guro?" "Ano ang iyong sasabihin?" "Importante lang, Miss Rena." "Ok," pakasabi ng babae, ay binuksan nito ang pintuan at tumakbo si Lene papunta sa opisina ng punong guro. "Miss Dixon? Anong ginagawa mo rito? Sinong may sabi na lumabas ka?" "Humingi po ako ng permiso kay Miss Rena." "Ano ang ipinunta mo rito?" "May nawawala pong mga estudyante sa Dorm 222 at alam ko po kung nasaan sila. Pero bago ko po ito sabihin sa inyo, ipangako niyo po sa akin na isasama niyo ako roon," tumungo sa kaniya ang punong guro, at may nilapag ang papeles sa lamesa. "Meron po akong nakitang kalabaw sa kanilang kwarto, at naisip ko po na, baka nasa palayan sila," lumaki ang mga mata ng punong guro at ipinatawag si Miss Rena. "Tumawag ka ng mga pulis, at puntahan niyo ang Dorm 222," tinungohan ni Lene ang punong guro, sabay sumunod kay Miss Rena. Buti nalang at ang mga estudyante ngayon ay tulog na, kung hindi pa, sigurado si Lene na nagkukumpulan nanaman ang mga estudyante sa paligid. Tumawag ng pulis si Miss Rena, at pagdating ng mga pulis, dumirestsyo sila sa Dorm 222. Pagkabukas ng pintuan, napataklob sila ng kanilang mga ilong, dahil sa amoy na nabubulok na kalabaw. Nagtaka ang mga pulis, pati na rin si Miss Rena kung bakit nagkaron ng kalabaw sa kwartong ito. Ang mga nasa isip nila ay baka raw may naglagay. "Miss? Kailan mo nakita ang kalabaw na ito?" Tanong ng isang pulis kay Lene. "Kanina lang po." "Paano mo naman naisipan na pumasok sa kwartong ito?" "Sir, mawalang galang na po, pero huwag niyo po munang tanungin ang bata, unahin muna natin ang sitwasyon na ito," pagsisingit ni Miss Rena. Tumungo ang pulis at ipanagpatuloy ang pag-iimbestiga. "Pagkatapos dito, sa palayan tayo, Sir," hindi siya pinansin ng mga pulis, kaya napatunganga nalang si Miss Rena. Kung alam niya lang na ganito ka irogante ang mga pulis, edi sana hindi na siya tumawag at nanghingi ng tulong. Sinuri nila ng maayos ang kalabaw, bago tumingin sa kanila ang mga pulis. "Saan ang palayaan na tinutukoy niyo?" Seryosong sabi sa kanila ng pulis. Pulis na kausap nila kanina. "May malapit na palayan dito, ituturo nalang po namin," sinundan nila ang mga pulis palabas ng paaralan at sumakay sa kanilang sasakyan. "Kanan ka po sa kanto, sabay kaliwa po." "Sigurado kaba Miss Rena sa iyong mga sinasabi? Puno lang naman ang aming nakikita sa palagid, baka tayo ay naliligaw na." "Base po sa google na mapa, ay malapit na po tayo, kunting tiis nalang po. Hindi naman po tayo inililigaw ng mapa." Ang mga puno ay unti-unti nagiging palayan. Nang maging palay na ang kanilang nakikita, ay kitang-kita nila ang apat na babae. Mga babae na hubad at nakapako sa krus. Ang buong katawan nila ay binalatan kaya puro dugo ang mga katawan ng mga ito. Pagkababa nila sa kanilang mga sasakyan, ay tinitigan nila ng mabuti ang apat. "Mahabaging Panginoon," bulong ng isang pulis, habang nakatingin sa mga babae. Lahat sila ay natatakot sa nakikita. Hindi makahinga sa gulat, takot, at kaba si Lene dahil sa kaniyang mga nakita. Isa lang naman ang gagawa ng kabrutalan na ito walang iba kung hindi ang demonyo. Pwede namang patayin nalang agad ang mga babae, bakit kailangan pang balatan ng buhay? "Anong nangyayare sa mundo," isang bulong ang narinig ni Lene kay Miss Rena. Pati ang babae ay hindi makapaniwala sa nakikita, halata sa mga nito ang kaba at takot, pati na rin kalungkutan. "Kailangan na nating bumalik sa paaralan, tara na Miss Dixon!" May panginginig ang mga salita ni Miss Rena dahil sa takot, pero naging matatag ito. "Kayong lima, maiwan kayo rito at bantayan ang mga babae," sabi ng isang pulis na nagtanong sa kaniya. Tumungo ang limang pulis at nagsalido. Sumakay sila Lene sa sasakyan at bumalik sa paaralan. "Miss Dixon, pumunta kana sa dark room ako na ang bahala rito," sabi ni Miss Rena, pagkababa palang nila sa sasakyan. "Miss Rena kailangan ko pong malaman kung ano na ang nangyare." "Masyado ka pang bata, para matuklasan ang mga ganito, kaya sundin mo nalang ako, kami na ang bahala ng punong guro," kahit labag sa loob ni Lene ay kailangan niya itong sundin. Para hindi na rin siya pagbintangan ng mga pulis tungkol sa apat na babae. Pagkabukas ng pintuan ng dark room ay nilock niya ang kaniyang sarili, at kumuha ng panulat. Pebrero 15, 2022 Ang Krus. "Hindi krus ang makakatalo sa demonyo," mahinang sabi ni Lene. Kumuha muna siya ng kutsilyo, bago humiga, pinaglalaruan niya iyon habang nag-iisip kung ano ang kaniyang gagawin kasunod. Tumawag ng amulansya si Miss Rena, pagdating ng ambulansya ay sabay-sabay silang pumunta ulit sa palayan kasama ang mga pulis. Pagkadating nila sa palayan, ang mga pulis na pinabantay nilang lima ay nawawala, dahil kasama na ang mga iyon sa krus. Nakahubad din ang mga ito, pati ang kanilang mga katawan ay binalatan. "Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Panginoon ko, bigyan mo kami ng iyong basbas sa gayon ay ligtas kami sa kahit ano mang mangyare sa amin," pagpapanalangin ng driver ng ambulansya. "Anong nangyayare!" Kung kanina ay apat lang ang nakapako sa krus, ngayon ay siyam na. Apat na babae at limang lalaki. "Demonyo na ang gagawa nito," nanginginig na sabi ni Miss Rena, akala niya ayus na siya at kaya niya na ulit tignan ang mga babae, pero akala niya lang pala, dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya. Unang beses niyang makakita ng patay na tao at hindi lang basta patay. Nilalangaw na ang mga katawan, at bumabaho na rin ang palagid. Palatandaan na patay na ang mga iyon. "Kerri? Bakit gising kapa?" Tanong ni Elias kay Kerri, nang makita niya ang dalaga na nakatingin sa buwan. "Hindi ako makatulog, pakiramdam ko may nangyare nanamang masama," lumapit si Elias sa dalaga at hinagkan ito sa likod, hinalikan niya rin ang ulo ng dalaga. Senyales na mahal na mahal niya ito. "Walang mangyayare, nandito lang ako," hinawakan ni Elias ang kamay ni Kerri at hinalikan ito. "Tara na matulog na tayo, meron pa tayong klase bukas," tumungo si Kerri at tumabi kay Elias sa higaan, sabay yakap ng mahigpit sa binata. Nang maramdaman niyang tulog na ang dalaga, hinalikan niya ito sa noo at sinabing. "Si Raelene ang bahala sa atin. Hindi niya tayo pababayaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD