Kabanata Labinpito

1552 Words
Chapter Seventeen: The Woman. "Bakit mo naisipang pumunta sa Dorm 222?" mahinahong tanong sa kaniya ng imbestigador. Nasa isang madalim na kwarto siya. Ang ilaw lamang nila ay ang nasa gitna nilang dalawa. Hindi alam ni Lene kung nasaan sila, dahil habang papunta sila rito ay nakatakip ang kaniyang mga mata at ang tanging nag-aalalay lang sa kaniya ay si Miss Rena. "Bago ko sagutin ang mga katanungan mo, maaari ba kitang tanungin?" tumungo sa kaniya ito. "Paano niyo nasabing ako ang may kasalanan ng lahat ng ito? Meroon ba kayong patunay na ako ang may gawa ng mga ito. Sa tingin mo papatay ako ng ganon kabrutal? Detektib ka po Sir. Kaya huwag po mo akong pagbintangan sa isang bagay na hindi ko naman ginawa," mahinahon magsalita si Lene, kaya hindi ito galit. "Nagtatanong lang naman po ako Miss." "Talaga? Nagtatanong ka? Tapos pagkatapos ng tanong na ito, anong gagawin niyo sa akin? Ikukulong?" "Hindi kita pinagbibintangan Miss." "Yun ang pinopoint mo, Sir." "Ang talino mo bata," ngumisi si Lene sa detektib. Alam ni Lene kung ano ang binabalak ng lalaki. "Pagbibintangan niyo ako para maging mabilis ang inyong trabaho at mabayaran agad kayo. Tama ba Detective Herald?" "Hahahaha," tumawa ang lalaki na parang demonyo, habang naglalakad ito palabas ng madilim na kwarto. Napangisi nalang si Lene ng magtagumpay siya sa kaniyang plano. Kaya niya sinabi ang mga katagang na iyon para tigilan siya sa pagtatanong. Ayaw niyang sabihin ang totoo sa mga detektib lalo na't hindi ito mapagkakatiwalaan. "Mga inutil," mahinang sabi ni Lene, nang may pumasok sa dalawang pulis sa kwarto at sinamahan siya papunta kay Miss Rena. "Anong tinanong nila?" "Mga walang kwentang bagay." Bago sila lumabas sa kulungan, ay nilagyan nanaman ng panaklob ang kaniyang mga mata. Bakit ba kailangan nakapiring siya? Kung pwede naman hindi na? Alam naman ni Lene kung nasaan sila, dahil nakapunta na siya rito noon. Nasa lungsod sila. Nakaramdam ng kaba si Lene, bago sumakay ng sasakyan pabalik sa paaralan. Tuloy-tuloy na ang lahat ng ito at wala mismong makakapigil sa kaniyang binabalak. Kung sino ang mawawala kailangan nilang tanggapin at unawain. Mga isang oras silang nakabalik ng paaralan. Pagkababa niya ng sasakyan tinanggal niya ang nakalagay sa kaniyang mga mata at dumiretsyo sa opisana ng punong guro. "Miss Dixon. Kamusta?" "Mga walang kwenta pinagtatanong nila. Ibigay mo sa akin ang susi ng dark room. Mula ngayon akin na ang kwarto na yun, gusto kong kumuha rin kayo ng bagong imbestigador, walang kwenta ang kinuha niyo," seryosong sabi ni Lene sa punong guro. Wala na siyang pake kung mabastusan ito sa kaniya. Basta ang gusto niya lang ang kwarto na yun. "Inosente ako. Wala akong ginawang masama. Ayaw ko na rin matulog sa dating dorm ko." "Ito ang susi, huwag kang gagawa ng ikakagalit ko," tumungo si Lene sabay kuha ng susi. Buti nalang at pumayag ito at pinagkatiwalaan siya. "May nakalimutan akong sabihin sa iyo, Miss Dixon." humarap siya sa punong guro at tinaasan ng kilay. "Huling lamay na ni Miss Oddete, kung gusto mong pumunta may mga bus na nakahanda mamayang 12am." "Wala na si Oddete?" "Noong Pebrero 8, pa Miss Dixon," tumungo si Lene at lumabas na sa opisina. Nang malayo-layo na siya sa opisina ay napasandal siya sa pader at napahawak sa mukha. Paano nawala si Oddete? Akala niya ba tapos na? Akala niya ligtas na siya? Masyadong makapangyarihan ang demonyo, pero alam niyang mas makapangyarihan ang Panginoon at sa kaniya lang siya sasamba. Hindi siya magpapatalo sa demonyo. Nasa kaniyang puso ang Panginoon. Alam niya sa kaniyang sarili na protektado siya nito. Kumuha siya ng pansulat at dinagdagan ang Pebrero 8. Nilagyan niya ito ng Pagkamatay ni Oddete. Hindi siya makapaniwala na mawawala si Oddete. Hindi niya inaasahan na mangyayare ito. Bigla niyang naisip sila Kerri. "Kamusta na kaya sila? Kakakita lang namin nong isang araw, parang ang tagal naming hindi nagkita. Ang lapit namin sa isa't isa, pero parang ang layo," Bakit ba ganito ang kaniyang nararamdaman? Ang lungkot ng buong mukha niya, pati ang kaniyang katawan ay nanghihina. Naramdaman niya na may tumulo na parang tubig sa kaniyang ilong, kaya dahan-dahan niya itong hinawakan. Napangiti siya nang makita niya ang dugo sa kaniyang kamay. Tinitigan niya ang dugo at may nakiya siyang maliit na uod doon, kaya dahil sa gulat at hilo ay bigla nalang siyang nawalan ng malay. "Anak hinay-hinay lang, huwag mong masyadong istressin ang iyong sarili. Huwag kang basta-basta mag-iisip ng kung ano-ano, huwag din masyadong magpakita sa demonyo para ikaw ay may enerhiya kung kakalabanin mo siya. Mahal na mahal kita anak ko, kung maaari lang ibalik ang nakaraan noong ipinanganak kita ay gagawin ko. Pero wala tayong magagawa, dahil kinuha agad ako ng Panginoon. Mag-iingat ka anak ko." Pagkamulat ng mga mata ni Lene, ay nakahiga pa rin siya sa sahig. Tumayo siya at umupo sa kaniyang kama. Sinong babae ang nakita niya? Bakit parang kamukha niya ang wangis nito? Imposible naman na kapatid niya ang babae kasi alam niya na siya lang ang anak ng tatay at nanay niya. Lumabas siya sa kaniyang kwarto at dumeretsyo sa likod ng paaralan. Nakita niya doon si Elias na nakahiga sa lupa, habang nakatingin sa langit. Aalis na sana siya nang mag-salita si Elias. "Ang ganda ng ibabaw, pero ang panget ng ilalim," lumapit siya sa tabi ni Elias at humiga rin sa tabi nito. "Pakiramdam ko may nangyare nanaman," napatingin siya kay Elias, hindi niya pala alam ang nangyare tungkol sa apat na estudyante sa Dorm 222. Hinawakan ni Elias ang mga kamay ni Lene at tumingin sa kaniya. "Ayus ka na ba? Araw-araw kitang naiisip, hindi ko alam kung ano na ang nangyare sayo." "Huwag kang mag-alala ok lang ako," nginitian ni Lene si Elias, sabay tumayo. "Tara, may ipapakita ako sayo," habang naglalakad si Lene papasok sa paaralan, naramdaman niya ang kamay ni Elias sa kaniyang kamay. Magkahawak sila ng kamay ngayon habang naglalakad. "Baka makita tayo ni Kerri." "Tulog na siya," dahil hindi komportable si Lene, inalis niya ang kamay niya sa kamay ng lalaki. Ayaw niya ng ibalik ang nakaraan. Mali nanaman ang kanilang ginagawa. "Sa dark room ba tayo pupunta?" tumungo si Lene at binuksan ang kaniyang pintuan. Pinapasok niya si Elias. "Ikaw ang gumawa nito?" "Oo, napag-isipan ko na kailangan kong isulat ang mga iyan para hindi ko makalimutan," napatingin si Elias sa nakasulat na Pebrero 8, ang pagkakawala ng apat na estudyante. "Totoo ba ito?" "Kahapon ko lang napuntahan ang kanilang kwarto, kahit noong Pebrero 8, ko pa ito napapaginipan, hindi ko napuntahan agad, dahil hindi ako makalabas," kita ni Elias ang pagkadismaya ni Lene. Kaya nilapitan niya ito at niyakap. "Hindi mo kasalanan ang mga nangyayare ngayon, huminahon ka," tinignan ni Lene si Elias, pero imbis na sa mga mata niya ito tinignan ay sa labi. Hindi Lene. Alam kong namimiss mo siya pero mali ito. Maling-mali. Para hindi matempt si Lene sa labi ng lalaki, ay lumayo na agad siya. Ayaw niya ulit gumawa ng kasalanan. Bago pa siya makaalis sa mga bisig ni Elias, ay hinila agad siya nito at mabilis na hinalikan. "Halikan mo ako pabalik, Lene," dahil sa mapusok boses ni Elias na nakakaturn on sa kaniya, ay hinalikan niya na ito pabalik. Hindi niya na mapigilan ang kaniyang sarili kaya bumigay siya. Umupo si Elias sa kama, habang si Lene naman ay nakapatong kay Elias. "Ughhh," ungol ni Lene nang ipinasok ni Elias ang dila nito sa loob ng kaniyang bunganga. Init na init na si Lene sa kaniyang nararamdaman. Para bang may gusto siyang gawin ni Elias sa kaniya. Gusto niya ng mas malala pa sa halik. "Malandi ka!" Si Kerri. Nabalik sa ulirat si Lene ng makita niya sa kaniyang isip si Kerri. Umalis siya sa ibabaw ni Elias at tinignan ang lalaki sa mata. Niyakap niya ang lalaki ng napakahigpit. Bigla nalang tumulo ang kaniyang mga luha. Meron nanaman siyang ginawa na ikakagalit ng kaniyang kaibigan. "Ssshhhh," binuhat ni Elias ang dalaga at hiniga sa kama, pati siya ay humiga. Magkayakap silang dalawa ngayon, na para bang ayaw nilang mahiwalay sa isa't isa. Oo, inaamin ni Lene na nagkakagusto na siya kay Elias at yun ang pinakangmali na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngayon, pwede niya ng tawagin ang sarili na malandi. Malandi na siya. Isa siyang babaeng mang-aagaw ng hindi naman kaniya at hinding-hinding magiging kaniya. Kahit mamatay pa siya ay hindi talaga. "Pwede bang dito ka muna, hanggang sa mag-alas dose?" "Kahit hanggang bukas pa," pilit na ngumiti si Lene sa lalaki, sabay sik-sik sa leeg nito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, na may kayakap ka na lalaki hanggang sa makatulog ka. Napakainit sa pakiramdam. Bago siya magpikit ng mga mata. Pinakiramdaman niya muna ang paligid, at yun ang hinala niya. Merong nakatingin sa kanilang dalawa. Mga mata na galit lamang ang makikita doon. Ang mata na galing sa demonyo. "Tutulungan at dadamayan kita sa kahit anong pagsubok. Palagi akong nandito sa tabi mo. Pangako yan," bulong ni Elias na kaniya namang narinig, at nabigla siya ng hinalikan siya nito sa ulo. Elias ano nanaman ba ang ginagawa mo? Bakit mo to ginagawa kay Kerri? Sino ba talaga ang mahal mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD