Kabanata Labinwalo

1818 Words
Chapter Eighteen: The Younger Sisters of Oddete. "Lene, bumangon kana, alas dose na, kailangan na natin pumunta sa labas, huling lamay ni Oddete ngayon," nakatingin lang si Lene sa wangis ni Elias. Gusto niya ulit tong halikan at yakapin, pero hindi niya magawa, dahil hindi naman ito sa kaniya at wala siyang karapatan angkinin ito. "Alam kong gusto mo akong halikan, pero kailangan na nating lumabas baka maiwan tayo ng sasakyan." "Asa ka, mauna kana." "Hahahaha, sige, basta pumunta ka. Bilisan mo," bago umalis si Elias ay hinalikan muna siya sa labi. Masaya dapat si Lene dahil hinalikan siya nito, pero bakit hindi? Nanghihinayang siya sa ginagawa nila. Kaya niya pinauna ang lalaki, para hindi sila makita ni Kerri. Kumuha siya ng isang kutsilyo at inilagay sa loob ng palda. Meron namang lalgyanan ng kutsilyo doon kaya hindi ito malalag-lag. Pagkarating niya sa labas ng paaralan ay may dalawang bus na nakaparada. Nakita niya sila Kerri na nasa unang bus kaya sa pangalawa siya pumasok. Ayaw niya itong makita, dahil baka masaktan lang siya. "Nandito na ba ang lahat?" tanong ng driver at ang mga eatudyante ay sumagot ng 'oo' kaya umandar na ang dlawang bus papunta sa sementeryo ng lungsod. Si Lene ay nakatingin lang labas, para malibang. Nang makarating sila sa sementeryo, kakaunti lang ang mga tao, siguro ay hindi masyadong kilala si Oddete sa kanilang tirahan. Nilapitan ni Lene ang dalawang bata na babae na nakaupo lamang sa unahan habang nakatingin sa larawan ng kanilang ate. "Hi," tinignan lang siya ng dalawang bata. Halatang hindi nakatulog ng maayos ang mga batang ito, dahil sa kanilang mga lubog na mata. Umupo siya sa tabi ng mga bata at pinaglaruan ang buhok ng mas matanda. "Magpahinga muna kayo," mahinanong sabi ni Lene. "Ayus lang po kami." sabi naman ng bunso at pilit na nginitian siya. Naaawa siya sa mga bata, dahil sabi nga ni Kerri ay binubuhay ni Oddete ang dalawang ito, ang kanilang ama at ina kasi ay isang lasinggero at addict sa sugal. "Nasaan ang magulang niyo?" "Nandoon po sila," tinignan ni Lene kung saan ang tinuturo ng panganay na babae. Ang nanay ay masayang nakikipagsugalan sa mga ibang babae at ang tatay naman ay masayang nakikipaginuman. Kitang-kita sa kanilang mga mukha na masaya sila, na para bang hindi aila nawalan ng isang anak. "Ano ang inyong mga pangalan?" "Ako po si Kylie, at ito naman po ang bunso kong kapatid na si Hylie. Kaibigan niyo po ba ang ate Oddete ko?" "Hindi, pero kaibigan siya ng kaibigan ko kaya nandito ako." "Edi parang kaibigan niyo na rin po siya." "Gusto niyo bang kup-kupin ko kayo?" "Kung pwede lang po sana, ate, kaso ayaw po ng magulang ko." "Huwag kang mag-alala. May tatay ako na abugado, at nanay ko naman ay isang doktor. Kaya wala kayong dapat ikatakot." "Pwede po ba iyun? Kukuhain niyo po kami sa aming mga magulang?" "Minamaltrato kayo ng magulang niyo hindi ba?" "Opo araw-araw po." "Edi, mananalo tayo at sigurado akong magugustuhan niyo ang bago niyong tirahan." "Mayaman po kayo ate?" masayang sabi ni Hylie, kaya napangiti na rin si Lene. Napakacute ng mga wangis nila, at napakainosente. Hindi na mag-iiba ang desisyon ni Lene. Kukuhain niya ang mga bata at papatirahin sa kanilang tahanan. "Hindi naman, sakto lang. Sigurado ba kayo na sasama kayo sa akin?" "Opo ate. Sobrang salamat po," niyakap siya ng dalawang bata. Alam niyang umiiyak ang mga ito, dahil sa mga singhot na naririnig niya. Masaya si Lene, dahil kahit papaano ay nakatulong siya kay Oddete. "Huwag kang mag-alala, Oddete, nasa mabuting kalagayan ang mga kapatid mo," sabi ni Lene sa kaniyang isipan. Kahit ayaw ng mga magulang ng mga batang ito ay ipaglalaban niya, mapasakaniya lang ang mga bata. Hindi siya natatakot sa mga magulang ng mga ito, dahil kung buhay ng mga bata ang nakasalalay dito ay magiging matapang siya. "May cellphone kaba Kylie?" "Cellphone po ng ate Oddete ko." "Pahiram muna ha?" tumungo si Kylie at inabot sa kaniya ang cellphone. Lumayo siya sa mga bata at pumunta sa walang taong lugar. Binuksan niya ang cellphone, buti nalang may load ito, dinial niya ang number ng kaniyang tatay. [Sino ito?] "Si Raelene po ito Papa, pumunta ka po rito sa Death Cementery, ngayon na." [Bakit nandiyan ka? Anak gabi na.] "Basta pumunta ka po rito Papa, pakiusap kailangan ko po ang tulong niyo ni Mama." [Sige hinatayin mo kami riyan, mag-iingat ka papunta na kami ng mama mo.] Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang tatay, ay bigla siyang napatingin sa mga bata, ay nakita niya na kausap na nila sila Kerri. Masaya ang mga bata na kausap si Kerri, dahil binigyan niya ito ng mga pagkain. Kaya pinabayaan niya muna ang mga ito. Kailangan niyang protektahan ang dalawang bata, dahil babae ito, pero sigurado naman siya na ligtas ang mga bata sa kaniyang tatay. Mahilig kasi ang tatay niya sa mga bata lalo na sa mga sanggol. Mga ilang minuto rin siyang nakatingin sa mga bata at kila Kerri. Kita rin niya ang magkahawang kamay nina Kerri at Elias. "Anak," nang makita niya ang kaniyang ama at ina na papunta sa kaniya, ay niyakap niya ito. "Anong nangyare? Sinong namatay?" "Papa, kita niyo po ang dalawang batang iyon? Ate po nila ang namatay." "Nasaan ang magulang nila?" Malungkot na tanong ng kaniyang ina. "Ang magulang nila ay isang lasinggero at adik sa sugal. Kapag umuuwi ang mga ito sa bahay nila, ay isa-isa silang binubugbog at pinapagawa ng gawaing bahay." "Kailangan nating kuhain ang mga batang iyan. Hon, kuhain natin. Kawawa ang mga bata," sabi ng kaniyang ina. "Oo," seryosong sabi ng kaniyang ama. Bilang abugado, karapatan niyang ipaglaban ang mga naaapi. Kaya kailangan niyang ipaglaban ang mga bata. "Napalaki kita ng maayos," hinalikan muna siya sa noo ng kaniyang ama bago umupo. Hindi muna nila kakausapin ang mga magulang nito para walang gulo na magaganap. Si Lene naman ay dumeretsyo sa mga bata. "Ate!" Nang makita siya ng mga bata, ay sinalubong agad siya at niyakap. Imbis na nakatingin si Lene sa mga bata, nakatingin siya kila Kerri. Kita ni Lene ang pagkagulat ng mga mata nito, dahil hindi ito inakala na kilala pala ng mga bata si Lene, pati narin si Elias at Nash. "Sa tabi lang kayo ni ate ha?" "Opo," sabay na sabi nila. Nang magsimula ang pagpapaalam kay Oddete at tumahimik silang lahat at nakinig sa sasabihin ng pari. Dalawang oras din natapos ang pagpapaalam. Nang mailibing na si Oddete ay pumunta na ang mga magulang ni Lene sa mga magulang ng mga bata. Habang si Lene naman ay hinatid ang dalawa sa sasakyan ng kaniyang ama. "Aalagaan kayo ng mama at papa ko. Maging mabait kayo ahh? Pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo, huwag kayong mag-alala sisiguraduhin ng Papa ko na hindi na kayo babalik sa dating bahay niyo," sabi ni Lene ng makapasok na ang mga bata sa sasakyan. "Salamat po talaga ate, pero ate ano pong pangalan niyo?" sabi ni Kylie. Hindi kasi masyadong makapagsalita si Hylie, hindi marunong, kaunti lang. "Ako si ate Raelene," ngumiti si Lene sa mga bata. "Ate Raelene, hindi ka po ba sasama sa amin?" "Kailangan mag-aral ni ate eh." "Salamat po talaga ate, nawalan man po kami ng ate Oddete, may pumalit naman po, dalaw ka po sa bahay ate ahh?" "Opo, dadalaw ako kapag may oras ako, pangako iyan," hinalikan ni Lene ang mga noo nito, sabay isinara ang pintuan ng pintuan. Pinuntahan niya ang kaniyang magulang. Napatakbo siya, dahil nakita niya ang ama niya na nakikipagsuntukan sa ama ng mga bata. "Papa!" Ang nanay niya ay umiiyak na, kaya siya nalang ang umawat sa nag-aaway. Kaya naman niya itong awatin. "Tama na!" Sinuntok ni Lene ang tatay ng bata at pumunta sa gitna ng dalawa. "Pumunta na kayo sa sasakyan, alalayan mo si Mama, ako na ang bahala rito." "Sigurado ka anak?" "Oo, papa," tumungo sa kaniya ang kaniyang ama, may tiwala naman ito sa kaniya kya pinabayaan niya nalang, tutal marunong naman itong ipagtanggol ang sarili. Pinanood niya ang kaniyang magulang na sumakay sa kanilang sasakyan, hanggang sa hindi niya na ito na kita. "Ano ba ang kailangan niyo sa mga anak ko?" humarap si Lene sa babae, yun ang nanay ng mga bata. "Kailangan ko silang ilayo sa inyo." "Bakit?" "Dahil sinasaktan niyo sila, anong klase kayong magulang? Hindi ba kayo na aawa sa mga anak niyo? Ang babata pa nila para maranasan ito. Magkita nalang kayo sa korte ng mga magulang ko at sisiguraduhin ko makukuha ng tatay ko ang mga anak niyo," naglakad papasok ng bus si Lene at umupo siya s pinakangdulo ng bus. Pagkatingin niya sa labas, nakita niya ang kaluluwa ni Oddete na nakangiti sa kaniya at nagsabi ng 'salamat' tumungo naman si Lene at ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod siya sa nangyare, pero sulit na sulit naman ito sa kaniya, dahil natulungan niya si Oddete. Ayus na sila ni Oddete, hindi man niya ito nailigtas sa pagkakamatay, nailigtas niya naman ang mga kaibigan nito sa kapahamakan. Masaya siya na nakakatulong siya sa kaniyang kapwa Pilipino. "Bakit mo ginagawa iyon?" Napamulat ng mga mata si Lene nang marinig niya ang boses ni Kerri. "Ang alin?" "Huwag kang magmaang-maangan Lene, anong karapatan mo para sirain ang pamilya ni Oddete?" "Anong sinira ko?" Wala naman talaga siyang sinira, dahil una palang ay sira na ang pamilya ni Oddete. Sirang-sira na. "Tignan mo ang ginawa mo sa pamilya niya," tinignan ni Lene kung saan nakaturo si Kerri. Nakaturo ito sa magulang ni Oddete na umiiyak, pinapatahan nina Elias ang mga ito. "Kahit kailan talaga purwisyo ang dala mo, lahat nalang sinisira mo, pati ang relasyon namin ni Elias," napabuntong hininga si Lene . "May problema ba?" Walang emosyon na sabi ni Lene, tinignan niya ito na para bang wala siyang gana makipag-usap kay Kerri. "Ano? Hindi mo ba alam ang ginawa mo? Sinira mo ang pamilya nila." "Huwag kang paulit-ulit naririndi ako," inis na sabi ni Lene. "Kung sabihin ko sayo na minamaltrato nila ang kanilang mga anak? Hindi mo ba sila ilalayo? Hindi mo ba sila ipagtatanggol?" Napatigil si Kerri at nag-iwas ng tingin kay Lene. "Hindi ba napatigil ka? Kaya pwede ba? Kung pumunta ka lang dito para makipag-away sa akin, umalis ka nalang, gusto ko ng magpahinga. Madami na akong problema kaya huwag ka ng dumagdag pa," pumikit ulit si Lene at pinaramdaman ang lakad ni Kerri paalis. Kahit kailan talaga mainit ang ulo sa kaniya ni Kerri, dati naman napakabait niya. Kerri anong nangyare? Naiisip niya nanaman si Oddete, yung ngiti niya kanina sa kaniya. Napangiti nalang si Lene at nagpahinga. "Nasa mabuting kalagayan na sila Oddete, magpahinga kana, gusto kong gabayan mo rin ako sa mga nangyayare, bigyan mo rin ako ng lakas, para mabigyan kita ng hustisya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD