Kabanata Labinsiyam

1795 Words
Chapter Nineteen: Her Mother. "Anong balita sa walang kwentang paaralan na iyon?" "Boss, ayus na ayus na, ikukulong nalang natin yung babae at magbibigay na ng pera yung punong guro nila, marami nanaman tayong pera boss, ang galing mo talaga." "Asikasuhin mo iyan, gumawa ka ng istorya, sabihin mo ang babaeng iyun ang pumatay sa apat na babae at limang lalaki. Pupuntahan ko na ang babae at ikukulong ko, gawin mo ang trabaho mo ng malinis, dahil pera ang pinag-uusapan natin dito, ayaw ko ng palpak na trabaho," nakangising sabi ng imbestigador, lumabas na ito sa kotse ng kaniyang kasama at naglakad papunta sa kaniyang kotse. Hinintay niyang maggreen ang traffic light. Nang makita niyang naggreen ang light ay mag-isa siyang tumawid, pero hindi niya inaasahan ang isang truck na babanggain siya, ang huling nakita niya, ay ang lalaking itim na itim ang mga mata at parang wala itong balak na pahintuin ang truck, tatakbo na sana siya palayo sa truck, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga binti, pati ang kaniyang ulo na nakatingin sa lalaki. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng truck, ang lalaki ay tumalsik sa kasada at nagwasak-wasak ang katawan. Pati ang nagdadrive ng truck ay namatay, dahil nabangga siya sa isang building. "Yes, Miss Rena?" Sabi ng kanilang bagong guro na si Ma'am Hazel sa kumatok na babae, habang nagtuturo ang guro nila. "Kailangan pong makausap ng punong guro si Miss Dixon." "Sino rito si Miss Dixon?" Tanong ng kanilang guro, tumayo si Lene at lumabas ng silid aralan. Wala siyang pake kung nabastusan ang kanilang guro, ayaw niya kasi na tinatawag siya sa harap ng maraming tao. "Ano raw ang kailangan ng punong guro sa akin?" Hindi siya sinagot ni Miss Rena kaya nagpatuloy nalang sila sa paglalakad. Pagkapasok niya sa opisina ay umupo agad siya at tinanong ang punong guro kung ano ang kailangan sa kaniya. Binigyan siya ng kayumanggi na folder at sinabing. "Buksan mo iyan at makikita mo," napakunot si Lene sa punong guro at kinuha ang sobre. Pagkabukas niya rito ay nakita niya ang mga litrato ng imbestigador, lusaw-lusaw ang kaniyang katawan sa daan. "Nabangga siya ng isang truck kaninang umaga, ang driver naman ay patay na rin, dahil sa pgkakabangga sa isang building, kaya kailangan nating kumuha ng bagong imbestigador." "Ako na po ang magi-imbestiga, ako na po ang bahala." "Aasahan ko yan, Miss Dixon. Alam kong may alam ka na hindi namin alam, kaya sana masagutan mo tong nangyayare sa ating paaralan, mapagkakatiwalaan ka naman, hindi ba Miss Dixon?" tumungo siya, bago lumabas ng opisina. Hindi niya inakala na magtitiwala rin ang punong guro sa kaniya. Akala niya hindi siya papayagan nito, pero mali siya. Ang bait sa kaniya ng punong guro, nginitian pa nga siya nito, bago niya isinara ang pintuan. Nang makapasok siya sa silid aralan ay umupo agad siya sa kaniyang upuan, tumigil sa pagsasalita ang kanilang guro at tinignan siya. "Meron ka sigurong ginawang katarantaduhan kaya ka tinawag sa opisina ng punong guro," napangisi siya at sumubsob sa kaniyang lamesa. Wala siyang gana makipagsagutan sa kaniyang guro, kaya hindi niya nalang ito pinatualan. Baka mawala ang tiwala sa kaniya ang punong guro kapag pinatulan niya. "Ganyan ba talaga ang ugali mo? Ang bastusin ako?" Inangat niya ang kaniyang ulo at tinignan ang guro. "Hindi po." "Humingi ka ng paumanhin sa akin." "Paumanhin." Walang ganang sagot ni Lene, narinig niya ang mga estudyante na pinagu-usapan siya, pero wala siyang pake. "Tuloy ang pag-aaral makinig ka, Miss Dixon, huwag kang matutulog," tinignan niya lang ang guro at hindi na nagsalita pa, hindi niya alam pero kapag may iba siyang kausap wala siyang gana, pero kapag ang mga kaibigan at ang punong guro ay nagsasalita siya. "Nandito ba si Miss Raelene?" "Opo ano po ang kailangan nila?" "May kailangan lang akong sabihin, pwede bang mahiram muna siya?" "Raelene," tumuyo ulit si Lene at pumunta sa babaeng tumawag sa kaniya. "Nanay Neth? Ano po ang ipinunta niyo rito? Meroon daw po kayong sasabihin sa akin?" "Kailangan mong pumunta sa hospital." "Anong pong gagawin ko roon? May nangyare po ba?" "Nandoon si Ms. Gloria, kailangan ka niyang makausap kaya pinapunta niya ako rito, may sasabihin daw siya sayong importante," ang kaniyang nakangiti na labi ay nawala bigla sa kaniyang mga narinig. Si Ms. Gloria? Nasa hospital? Anong ginagawa niya roon? May nangyare bang masama sa kaniya? Ang daming tanong ni Lene sa kaniyang sarili, kaya para malaman niya ay sinundan niya si Nanay Neth papasok sa sasakyan. Nang makarating sila sa hospital, tumakbo si Lene papunta sa kwarto ng matanda. "Lola?" Natatarantang sabi ni Lene, nang buksan niya ang pintuan ng kwarto, niyakap niya ito nang makita niya ang matanda na nakaupo sa kaniyang higaan. "Raelene," mahinang sabi ng matanda at hinawakan ang mukha ni Lene. "Kamukhang-kamukha mo talaga ang iyong ina." "Nagka-kamali po kayo, Lola, hindi ko po kamukha ang aking mama." "Hindi, kamukha mo siya, maupo ka iha," umupo si Lene at hinawakan ang kamay ng matanda. "Alam mo ba? Noong buhay pa ang nanay mo? Siya lang ang nagustuhan kong estudyante sa Keimusho, dahil hindi lang maganda ang iyong ina, busilak pa ang puso, kaya nga siya nagustuhan ng iyong ama," ngumiti ang matanda at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Lene. "Nagmana ka sa iyong ina, nakakakita ka rin ng mga espirito, pero dumating ang araw na hindi ko inakala na mawawala siya, akala namin maliligtas kayong dalawa, pero ikaw lang pala, nakuha ng demonyo ang kaluluwa ng iyong ina, natalo siya ng demonyo, Raelene." Naramdaman ni Lene ang kaniyang mga luha na tumulo na sunod-sunod. "Napakagaling ng ina mo, Raelene, matatapos na sana nila ang pagi-imbestiga ng pumutok ang water bag niya, hindi alam ng mama mo kung ano ang uunahin, pero dahil mas mahal ka niya ay inuna ka niya, pero hindi niya alam na yun na pala ang huling hininga niya, kinuha na siya ng demonyo, nailibing siya, at mga ilang buwan naisip ng iyong ama na ilipat ang katawan ng iyong ina, pero pagkabukas ng kabaong ay wala ang katawan nito, walang may alam kung nasaan ang katawan niya," imposible kaya na buhay pa ang kaniyang ina? O may kumuha sa katawan nito? Kung meron mangkukuha sino? Anong kailangan nila sa katawan ng babae? "Ano pong pangalan ng aking totoong ina?" Kaya pala ayaw sa kaniya ng mama niya, dahil hindi niya pala ito totoong anak. "Raemalene, malapit nang maging magkaparehas ang inyong mga pangalan, dahil sayo naaalala ko ang iyong ina, gusto ko ulit siyang makita o mahawakan manlang." "Kwentohan niyo pa po ako, Lola," pinabayaan niya na ang kaniyang klase, dahil gusto niyang makinig ng kwento tungkol sa kaniyang totoong ina. Nagkwentuhan sila mag-damag, nang makita ni Lene na palubog na ang araw ay nagpaalam na siya sa lola, ayaw niyang magpagabi sa daan, lalo na't may demonyo na nasa palagid niya. Lalabas na sana siya sa hospital nang maalala niya ang apat na babae na nakapako sa krus, alam niyang nandirito ang mga katawan ng mga iyon, nasa morgue. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang morgue, nang makarating siya doon ay binuksan niya ang pintuan. Buti nalang at tinanong niya sa punong guro kung ano ang pangalan ng mga iyon. "Trisha Manalangit, Erenica Kabandi, Cristine Bonaline, at Natalie Vargez." pagkakabasa niya sa apat na pangalan. Ang mga pangalan ng estudyante. Pagkabukas niya roon, ay nagulat siya, dahil wala ang katawan nito. Binuksan niya rin ang tatlo, pero wala rin ang mga iyon. Nasaan ang mga katawan ng mga babaeng ito? Hindi kaya may kumuha rin, katulad ng nangyare sa katawan ng kaniyang ina? "Anong ginagawa mo rito?" Napatingin siya sa lalaking kakapasok lamang sa morgue. "Nasaan ang mga katawan ng mga babaeng ito?" "Pinaglalamayan, ano pa ba," nagmamadali siyang lumabas ng morgue at napaupo sa gilid. Dumagdag sa kaniyang iisipin ang katawan ng kaniyang ina. "Mama, nasaan ka na ba," napapikit siya dahil sa mga luha na hindi tumitigil sa kakatulo. Bakit pati Nanay niya idadamay ng demonyong iyon? Hindi niya manlang nahawakan o nakita ito, pekeng nanay niya pa ang nakilala niya. Labing-walong taon na siyang nabubuhay hindi niya pala nanay ang nagpalaki sa kaniya. "Ayus ka lang ba, Miss?" Tanong sa kaniya ng nurse na babae. Hindi niya ito pinansin, tumayo at naglakad siya palabas ng hospital. Kailangan niyang pumunta sa tahanan nila, kailangan niyang makausap ang kaniyang ama. Nagpara siya ng taxi at sinabi kung saan sila pupunta. Nang makarating sila sa bahay, binayaran niya ang driver, sabay lumabas sa sasakyan, mabilis siyang naglakad papasok sa bahay, dumeretsyo siya sa opisina ng kaniyang ama, nakita niya itong nakaupo sa kaniyang upuan at nagbabasa ng mga papeles. "Raelene? Bakit nandito ka anak?" "Papa, hanggang kailan mo ba itatago sa akin si mama?" "Hindi ko naman tinago ang iyong ina ah?" Pagmamaang-maangan nito. "Alam ko na, na hindi siya ang totoo kong Nanay, Papa, yung totoo yung nanay ay si Raemalene, kaya pwede ba, parang awa mo na, Papa, gusto kong malaman ang lahat, sige na Papa," umiiyak na Lene sa kalungkutan, kaya niyakap siya ng kaniyang ama. "Alam ko ang nararamdaman mo anak, alam kong masakit na wala na sa atin ang iyong Ina, pero matagal na iyun, kailangan na nating kalimutan." "Yung katawan niya? Nahanap mo na ba?" "Hindi pa, hanggang ngayon pinapahanap ko pa rin siya, mahigit na labing-walong taon na ang nakalipas pero wala paring balita ang mga pulis," hindi siya galit sa kaniyang ama, dahil alam niyang pinoprotektahan lang siya nito. Ayaw siya nitong masaktan. "Aalis na po ako, ikamusta niyo nalang po ako kila Kylie at Hylie, kailangan ko na pong bumalik sa paaralan." "Mag-iingat ka anak, mahal na mahal kita," hinalikan siya sa ulo ng ama, bago siya pumunta sa garahe ng kanilang bahay. Kinuha niya ang susi ng kaniyang motor, at pinaandar ito. Mabilis siyang nakabalik sa paaralan. Oo alam niya ma kung saan ito nakatago, dahil habang papunta sa burol ni Oddete ay kinabusado niya ito kahit madalim. Tinago niya ang motor sa likod ng paaralan, oara walang makakita. "Saan ka nanggaling?" Papasok na sana siya ng paaralan sa likod, ay nakita niya si Elias na nakasandal sa pader. "Sa hospital." "Nang hindi sinasabi sa akin?" "Paumanhin, kailangan ko pa bang sabibin saiyo kung saan ako pupunta?" "Hays, pumasok kana muna ng paaralan, mag-uusap tayo mamayang gabi," tumungo si Lene at pumasok sa paaralan. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at tinitigan ang kaniyang mga isinulat sa pader. Kumuha siya ng panulat at dinagdagan ang mga nakasulat doon. Pebrero 23, 2022 Ang pagkamatay ng imbestigador. "Pangako Mama, ipaghihiganti kita, makikita ko ang iyong katawan, pangako iyan. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang katawan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD