Kabanata Dalawampu'

1574 Words
Chapter Twenty: The Cave. Pagkapasok niya sa kaniyang kwarto ay naisip niya agad ang kaniyang totoong ina. Saan kaya napunta ang katawan nito? Bakit nawala? Sabi ni Lola Gloria, kinuha ng demonyo ang kaluluwa nito, pero bakit pati katawan ay nawawala? Sino kaya ang kumuha. Ilang oras niya na iniisip ang mga iyon, kaya naisipan ni Lene na kumuha ng pagkain sa cafeteria, pagbukas niya, nakita niya sa labas si Elias, naglakad ito papalapit sa kaniya, at mabilis siyang hinalikan. Paatras sila ng paatras hanggang sa makapasok sila sa kwarto ni Lene. Nakasandal na ngayon si Lene sa pader, habang si Elias ay hinahalikan siya na parang gutom na gutom. "Tang-ina na miss kita," bulong ni Elias sa kaniya, hinahabol nila ang kanilang hininga, nang tumingin si Lene sa mga mata ni Elias. "May dala nga pala akong mga pagkain, alam kong nagugutom kana," lumiwanag ang mga ni Lene at mabilis na kinuha ang plastic na nasa sahig. Kumuha siya ng isang burger at softdrink, sabay kinain ito. "Saan ka nga pala pumunta kanina?" "Kay Lola Gloria." "Lola mo?" "Tawag ko lang sa kaniya lola, pero hindi ko talaga siya lola, nasa hospital siya ngayon at gusto daw niya akong makausap." "Ano naman ang pinagusapan niyo?" "Tungkol sa mama ko, akala ko totoong ina ko yung tinuturing kong ina ngayon, yun pala stepmom ko lang, sabi niya sa akin na kinuha ng demonyo ang kaniyang kaluluwa habang ipinapanganak ako. Kasalanan ko kung bakit siya namatay, Elias." "Hindi mo kasalanan, sobra kang mahal ng ina mo kaya mas inuna ka niya, kaysa sa sarili niya," niyakap ni Elias si Lene, hinalikan niya muna ang noo ni Lene, bago magsalita. "Gusto mo ba na tumambay tayo sa likod ng paaralan? Manood tayo ng mga bituin," tumungo sa kaniya si Lene, kinuha niya ang plastic at sumunod kay Elias. Habang naglalakad ay magkahawak sila ng kamay. Gabi na kaya wala ng estudyante, siguro natutulog na silang lahat. Kaya pwede silang lumabas ng magkahawak kamay. Nang makarating sila sa likod, humiga sila sa lupa at tinignan ang mga bituin. "Tulong!" "Tulungan niyo ako." Napaupo si Lene g may narinig siyang boses ng babae na nanghihingi ng tulong. "Bakit? May problema ba?" "Hindi mo ba naririnig iyun?" "Parang awa niyo na, tulungan niyo ako." "Ang alin?" "s**t," mahinang mura ni Lene, sabay tumayo at tumakbo sa gubat at sinundan ang boses ng babae. "Sige na, parang awa niyo na, hindi na ako makahinga." Saan ba kasi matatagpuan ang babaeng yun! Sana umabot pa siya, kung hindi man siya umabot, dagdag nanaman ito sa kaniyang iisipin. Malapit na si Lene sa boses ng babae, pero unti-unting humihina ang boses nito, kaya mas lalo niyang binilisan ang kaniyang pagtatakbo. Nasaan ba kasi iyon! Napahinto siya sa pagtatakbo nang may makita siyang balon sa kaniyang harapan. Luma na ito dahil puro lumot at dahon na nakapalubot sa balon. Napansin niya ang mga kaluluwang nakabigti sa mga itaas ng mga puno, bale lima ang mga ito. Lahat sila merong mga marka na bituin sa pulsohan. Nilapitan niya ang limang iyon at tinigan ng mabuti. Napaatras siya ng biglang bumukas ang mga mata ng mga ito, kumurap lang si Lene ay nasa harapan niya agad ang lima, kaya paatras siya ng paatras, aatras naulit sana siya ng bigla siyang mahulog sa balon. "Saan ba pumunta iyon?" "Lene!" Hinahanap ni Elias sa buong gubat ang babae, pero ilang oras nang nakakalipas ay hindi niya parin ito mahanap. Pero hindi siya tumigil sa paghahanap, hindi siya susuko sa paghahanap kay Lene, ayaw niya itong mapahawak. Nagising ang kaluluwa ni Lene, kaya tumayo siya. Tinignan niya ang buong palagid ng balon, napakabaho at napakadilim, pero puro tunog ng daga ang kaniyang naririnig sa buong paligid, pati tunog ng mga paniki. Anong klaseng balon ito? Bakit walang tubig? Ngayon niya lang naisip na napakalawak ng kaniyang paligid. Hindi ito balon isa itong kweba. Bakit may kweba rito? Alam kaya ng punong guro ito? May nakita siyang tiwanag ng buwan sa bandang dulo ng kweba kaya mabilis siyang naglakad papunta doon. Nang makalabas siya sa kweba, kalasada ang kaniyang nakita, papunta sa village. Bumalik siya sa balon, dahil ayaw niyang malayo sa kaniyang katawan, baka may kumuha nito. Pagkabalik niya nandoon parin ang limang babae na nakabigti sa mga puno. Sino kaya ang mga babaeng to? Isa rin kaya silang estudyante sa Keimusho? Bakit sila nakabigti? Napahawak siya sa kaniyang ulo nang may makita siya sa kaniyang pangitain, pangitain kung paano pinatay ang mga babaeng to. Habang natutulog ng mahimbing ang isang babae ay biglang may humigit sa kaniyang paa, pagkatingin ng babae sa humigit sa kaniya ay ang kaniyang ama, at ang buong mata nito ay kulay itim. Nakita niya sa kaniyang paningin kung paano nito kalagkarin ang batang babae, hanggang sa makarating sila sa balon, hindi makalaban ang batang babae, dahil malaki ang kaniyang ama. May tinaling lubid ang ama sa leeg ng bata at inilaglag sa balon, nang malaman niyang patay na ang kaniyang anak ay itinali niya ito sa puno, ganon din ang ginawa niya sa kaniyang tatlo pang anak at asawa. Nawala ang sakit ng ulo ni Lene at pagkamulat ng kaniyang mga mata ay naalala niya na kulay itim din ang kulay ng mata ni Oddete noong magpapakamatay siya. Hindi kaya sinasapian ng demonyo ang mga taong nagpapakamatay? Hindi kasi ang ikinamatay ni Ma'am Trilly ay nahulog siya sa building, dahil naitulak siya ng asawa ni Sir Vince. Pero pwede ring mangyare iyon. Katulad ni Oddete, nagpakamatay ito, dahil sinaniban siya ng demonyo, kaya ito namatay. Ang ama naman ay sinaniban para pumatay. Nang maramdaman ng kaluluwa ni Lene na pwede na siyang bumalik sa kaniyang katawan ay sumanib na ito. "Aarrghh," napahawak si Lene sa kaniyang ulo, at nakaramdam ito ng basa sa noo, pagkatingin niya sa kaniyang kamay nakakita siya ng dugo. Malakas ata ang kaniyang pagbagsak kaya dumugo ang kaniyang noo. "Lene!" Narinig ni Lene ang boses ni Elias. Sa taas ng balon. "Elias! Nandito ako!" Sumilip si Elias sa balon at doon niya n kita si Lene. "Gagawa ako ng paraan para makalabas ka riyan, huwag kang matakot, ililigtas kita!" "Ako na ang bahala may daan dito, hintayin mo ako riyan!" Naglagad si Lene palabas ng kweba at nang makita niya si Elias ay mabilis niya itong niyakap. Habang ang limang babae ay nakapalibot na sa kanilang dalawa. "Kailangan na nating umalis, tara na," hinawakan ni Lene sa kamay si Elias at tumakbo sila papunta sa paaralan. Ayaw niya na pati si Elias ay madamay sa gulo ng paaralan na ito. "Bakit nagmamadali tayo? May nangyare ba?" "Huwag ka ng magtanong, pumunta ka n sa kwarto mo, at matulog na, kapag meron kang naramdaman na kati sa iyong pulsohan ay puntahan mo ako o kung may naramdaman ka na may sumusunod sayo. Ako lang ang pupuntahan mo wala ng iba." "May nangyare ba kanina? Samahan na kita sa klinika," hihilahin na sana ni Elias si Lene papunta sa klinika nang pigilan siya ni Lene. "Hindi na Elias, ako na ang bahala sa sugat ko, kailangan mo ng magbalik sa kwarto niyo, ligtas ka roon." Oo, ligtas sila, dahil bago pa siya makapasok sa kwarto na iyon ay dinasalan niya na ito. "Ayaw mo ba na roon ka nalang matulog sa ating kwarto?" "Hindi maaari, Elias, kailangan mo ng magbalik doon, sige na Elias, mag-iingat ka, huwag na matigas ang iyong ulo at sundin mo nalang ako," para bumalik na ito sa kwarto niya ay siya na ang unang umalis. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at umupo sa kama. Kumuha siya ng kit para sa pangunang lunas, at nilinis ang sugat sa kaniyang noo. Yun nga siguro ang ginagawa ng demonyo para pumatay, iyon din siguro ang ginawa niya para makuha ang katawan ng kaniyang ina. Kailangan niyang puntahan isa-isa ang mga libingan ng mga namatay ngayong buwan, para malaman niya kung nawawala ba ang mga ito at may kumuha. Kung may kumaha man sa mga katawan nila, hindi titigil sa paghahanap si Lene makita lang niya ang katawan ng kaniyang ina, kahit buto nalang ang mga ito. Gusto niyang gawan ng mabuting burol ang ina. Kumuha siya ulit ng panulat ay dinagdagan ang Pebrero 23. Pebrero 23, 2022. Ang pagkamatay ng imbersigador at ang balon na kweba. ******* Tumingala si Nanay Neth at tinignan si Miss Gloria. Ang kaniyang nga mata ay naging kulay itim. Dahan-dahan itong lumabas ng kwarto at naghanap ng kutsilyo. Nang makahanap ito, bumalik siya sa kwarto at tinignan ang buong katawan ng matanda. "Madami ka ng nalalaman, kailangan mong mawawala sa mundong ito," mala demonyong pagkakabi ni Nanay Neth. Mabilis niyang tinanggal ang oxygen sa ilong nito, at unang sinaksak ang puso, lahat ng parte ng katawan ay isa-isa niyang sinaksak. Wala nalang nagawa ang matanda kung hindi ang tiisin ang sakit at mamatay ng walang hustisya. Pati ang kaniyang sarili ay pinagsasaksak niya, para hindi na siya tanungin kung bakit niya pinatay ang matanda. Para wala na ring makuhang impormasyon sa kaniya. Ito na pala ang kaniyang huli sa mundo, edi sana kiniwentohan niya na ng madami ang anak ni Raemaleen. Sana sinabi niya ang lahat ng kaniyang nalalaman. ******* "Lola!" nagising si Lene, dahil sa nakita niya sa kaniyang panaginip. Bakit ganon? Bakit ang bilis ng t***k ng puso niya, pati ang kaniyang pawis ay tumutulo na. "Ano nanaman ba ang mangyayare? Panginoon protektahan niyo po sila. Amen,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD