Kabanata Dalawampu't Isa

1761 Words
Chapter Twenty-one: Her Tears. "Ano kaya ang nangyare sa kaniya?" "Bakit may ganyan siya sa noo." "Malamang nakipagsuntukan yang babaeng yan." "Ewww, ang ipagsabihin ba nito tomboy siya ?" "Girl, hindi ko alam, hindi ko naman kilala ang babaeng iyan." "Pero alam niyo ba? Sabi sa akin ni Kerriel, nilalandi niya raw si Elias, ang mangliligaw niya." "Really? Edi hindi nga siya tomboy, malandi eh." Napairap si Lene sa mga babaeng pinag-uusapan siya. Seryoso ba sila? Hindi ba nila alam na naririnig niya ang mga pinagsasabi nila? Nasa harap niya lang ang mga babae kaya rinig na rinig na. Tinitignan pa nga siya. Kaya hatalang-halata. "Hoy ikaw," tinignan niya ang mga babae na lumapit sa kaniya, sila pala yung mga babae na pinag-uusapan siya. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Ang sarap mong paglaruan, pero pasalamat ka wala ako sa mood," hindi pinansin ni Lene ang babae, at nagpatuloy lang siya sa pagsusubo ng pagkain. "Kinakausap kita huwag mo akong bastusin," hindi niya parin ito pinansin. Bakit niya papatulan ang mga mahihina, kapag pinatulan niya ang mga iyan sigurado siya na magsusumbong yan sa kanilang mga ina. "Putang-ina mo, pok-pok!" Nainis ang babae kaya kinuha niya ang pagkain ni Lene at itinapon sa sihig. Malapit ng mainis si Lene. Kumakain siya tapos itatapon lang ng mga ito ang pagkain niya? "Malandi ka!" Patagong kumuha ng kutsilyo si Lene sa kaniyang palda at mabilis na tumayo. Itinutok niya ng mabilis ang kutsilyo sa leeg ng babae. "Ayusin mo ang mga sinasabi mo, dahil kaya kong durugin yang bungo mo," bulong niya sa babae, kita niya sa mga mata nito ang takot at kaba, kaya napangisi siya. "Kapag narinig ko ulit na pinaguusapan niyo ako, hindi na ako magdadalawang isip na putulin ang mga buhay niyo." Itinago ni Lene ang kaniyang kutsilyo. Wala siyang pake sa mga estudyante na nakatingin sa kaniya. Pinatulan niya na ang babae, bastos eh, kilalanin niya muna ang binabangga niya bago niya kalabanin, dinamay niya pa pagkain niya sa kabastusan. "Mga bobo," bulong ni Lene sa sarili at lumabas na ng cafeteria. Meron siyang pasensya sa sarili, kaso sumusobra na, kaya kailangan ng patulan. Halatang mga walang pinag-aralan. "Bakit ba kasi ako nalag-lag sa balon! Edi sana wala akong sugat sa noo," hinawakan ni Lene ang kaniyang sugat, habang dumadaing sa sakit. Gustong-gusto niyang pumunta sa klinika, kaso tinatamad siyang pumunta roon, dahil sa kabilang building pa ito. May bago na palang kaibigan si Kerri. Napangiti nalang siya ng mapait, kung hindi lang siya hinalikan ni Elias noong gabi na yun, edi sana magkaibigan parin sila at walang pinag-aawayan. Gusto ba siya ni Elias? Kung gusto siya nito, bakit si Kerri ang nililigawan hindi siya? Dinala siya ng kaniyang mga paa sa labas ng paaralan, nakita niya roon ang dalawang sasakyan ng pulis. Kaya napatakbo siya sa opisina ng punong guro. Bago niya pa ito buksan ay may narinig na siyang boses, boses na hindi niya masyadong marinig. "Sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo?" "Oo Miss, pagpasok namin sa kwarto ni Miss Gloria, ay meron pong sumaksak sa kaniya, pati po ang kasama niyang babae may saksak din, pero ang babae po ang may hawak ng kutsilyo." "Anong meron?" Hindi na nakapigil si Lene na pumasok ng opisina, lahat ng tao doon ay nakatingin sa kaniya. Apat na pulis ang nasa loob. "Miss Dixon? Kailangan mo munang lumabas." "Hindi! Gusto kong malaman kung anong nangyayare? Bakit may pulis dito?" "Kailangan mo munang lumabas." "Sabihin niyo na, narinig ko ang pangalan ni Lola." "Patay na siya." napakunot ang noo ni Lene at napatingin kay Miss Rena. "Ano sabi mo?" "Patay na siya." "Bawiin mo yang sinabi mo! Hindi pa patay si Lola! Buhay pa siya!" Dahil sa galit nilapitan niya si Miss Rena at hinawakan ang harapan ng damit nito. "Bawiin mo," seryosong sabi niya, habang nakatingin sa mga mata ni Miss Rena. "Miss Dixon, totoo ang sinabi niya, wala na siya." "Malakas si Lola, buhay pa siya!" "Huminahon ka muna at lumapit ka sa tabi ko," huminga ng malalim si Lene at dahan-dahan na lumapit sa punong guro. "Kailangan nating tanggapin ang lahat." "Hindi pa siya patay," pagpipilit ni Lene aa kaniyang sarili. Hindi siya naniniwala na patay na ang matanda. "Wala tayong magagawa sa sitwasyon na ito, nandito lang ako tutulungan kita." "Hindi," tumulo na ang mga luha ni Lene, kaya ang punong guro ay niyakap siya. "Hindi pa siya patay, Miss Ruth, alam kong hindi pa siya patay, nararamdaman ko." tuloy lang ang pagtutulo ng mga luha ni Lene sa kaniyang mga mata. Nang hihina ang kaniyang katawan at wala siyang iniisip kung hindi ang kaniyang lola-lolahan. "Sssshhhhh," pagtatahan ng punong guro sa dalaga, kailangan niya itong pakalmahin, nanginginig na rin ang buong katawan nito. "Mauna na po kami, Ma'am Santiago." "Hindi! Hindi kayo uuwi! Sabihin niyo muna na buhay pa ang lola ko! Sige na kuya!" nakaluhod na si Lene sa mga pulis at nagmamakaawa na sabihin sa kaniya na buhay pa ang matanda. Ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi nito. "Paumanhin, Miss, pero wala na po talaga ang Lola niyo," pinanood ni Lene ang paglabas sa kwarto ng mga pulis. Tumigil na rin siya sa pag-iiyak pero ang kaniyang luha ay hindi tumitigil sa pagtu-tulo. "Miss Dixon?" Walang emosyon niyang tinignan ang punong guro at nginitian ito ng pilit. Tuloy parin ang kaniyang mga luha na tulo. Bakit namatay ang lola niya? Sino ang pumatay? Bakit pinatay? "Miss Ruth, hindi pa patay ang Lola ko, nag-usap pa nga kami kahapon eh," humagulgol siya sa pag-iiyak at niyakap niya ito ng napakahigpit. "Tanggapin natin, ayus ba iyon? Masyado na rin namang matanda si Ms. Gloria, alam kong napamahal kana sa kaniya, pero wala tayong magagawa, dahil ito ay nangyare na," hinahawakan niya ang buhok ng dalaga, para kumalma ito at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Ililibing na raw ang kaniyang katawan mamayang gabi, dahil ang kaniyang katawan ay punong-puno ng saksak, bawal na siyang paglamayan, wala na rin daw pamilya si Gloria kaya napagdesisyonan nila na ilibing na agad ito. Wala na akong magawa, dahil yun din daw ang huling bilin ni Ms. Gloria kapag namatay siya." "Papasok na po ako." "Sige, pumunta ka nalang dito mamayang alas dyes ayus ba? Hihintayin ka namin." "Opo," pinunasan ni Lene ang kaniyang mga luha, at pinilit na ngumiti sa punong guro at sinabing. "Salamat po sa inyong tulong," hindi mapigilan ni Lene ang mapaiyak, ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang iiyak siya. Pagkalabas niya ng opisina, dumeretsyo siya sa kaniyang silid aralan, pinabayaan niya ang kaniyang guro at mga estudyante na nakatingin sa kaniya. Pagkaupo niya, tinaasan siya ng kilay ng guro. "Bakit ka nanaman huli sa klase ko?" Tinignan niya lang ang guro, at bumaling sa green board. Sinulat niya sa kaniyang papel ang mga nakasulat doon, kahit hindi niya ito maintindihan. "Miss Dixon, kinakausap pa kita," ano ba ang problema ng guro na ito? Nalate lang siya grabe na makareact. "Saan ka nang galing, Miss Dixon?" "Sa opisina ng punong guro." "Sasagot ka rin naman pala pinatagal mo pa, pumunta ka sa opisina ko mamaya, mag-uusap tayo," galit na sabi nito sa kaniya. Ano ba ang kailangan sa kaniya? Bakit palagi siyang pinapapunta sa opisina? Tangina, wala siya sa mood makipagusap, madami na siyang iniisip hindi na sana sila dumagdag. "Bida-bida kasi." "Pa-astig masyado." "Akala mo naman napakaganda, mukha namang sisiw." "Papatulan ko sana kanina yang babaeng yan, kung wala lang kutsilyo eh." Ang mga babae na naman ang kaniyang naririnig. Isinara niya ang kaniyang dalawang kamay dahil sa galit, binalaan niya na ang tatlong babae, pero hindi parin talaga sila tumitigil. Huwag lang sila makita ni Lene pagkatpos ng klase, dahil kapag nakita niya ang tatlo, sigurado siya na sa hospital ang bagsak ng mga chismosang yan. Pagkatapos ng klase, dumeretsyo siya sa opisina ng kaniyang guro. "Maupo ka Miss Dixon," umupo si Lene sa harapan ng guro at tumingin. "Ayaw na ayaw ko na merong nahuhuli sa aking klase, kaya bilang iyong parusa, ikaw ang maglilinis ng ating silid aralan, pagkatapos ng klase, simulan mo bukas ng gabi," hindi na nagreklamo si Lene, kaya umalis na ito sa opisina, wala naman siyang pake kung ang parusa niya ay ang maglinis ng silid, dahil marunong naman siyang gumawa noon. "Raelene!" Napalingon siya sa kaniyang likod nang marinig siyang boses na lalaki, nakita niya ang tumatakbo na si Jaris papalapit sa kaniya. "Grabe ang bilis mong maglakad, hiningal ako," ilang araw na silang hindi nagkikita, dahil magka-iba ang kanilang silid aralan. "Halata nga," walang emosyon na sabi ni Lene at nagpatuloy sa paglalakad. "Ang lamig mo na ngayon ahh, anong nangyare?" "Kilala mo si Ms. Gloria Del Rosario hindi ba?" "Yun ba yung nagpatulong ka saking lumabas ng paaralan noon? Tapos yung sinearch mo sa silid-aklatan? Bakit? Anong meron kay Ms. Gloria?" "Patay na siya, nalaman ko lang kanina." "Ha? Paano? Bakit? Saan namatay?" Dahil sa dami ng tanong ni Jaris, sumakit ang ulo ni Lene at hindi na ito pinansin. "Hoy pansinin mo ako, kailan daw ang lamay?" "Walang lamay, pero mamayang gabi ililibing." "Pupunta ka? Sama ako." "Magpaalam ka sa punong guro." "Yown! Magkita nalang tayo mamaya ahh, babye!" Napahilot nalang ng noo si Lene, walang pinagbago si Jaris makulit parin, meron pala dumaldal lalo. Pagkapasok niya sa kaniyang kwarto, nilapag niya ang kaniyang mga gamit sa kama at nakatayong tinignan ang mga nakasulat sa pader pati sa mga malagkit na tala. Kumuha siya ng panulat at dinagdagan ang mga nakasulat doon. Pebrero 24, 2022 Ang pagkamatay ni Lola at Nanay Neth. Umupo siya sa gilid ng kama at sinadal doon ang kaniyang likod. Naalala ni Lene ang unang pagkikita nila ng matanda. "Umupo ka sa tabi ko iha," "Ano ba ang itatanong mo sa akin?" "Tungkol po sa Keimusho University," "Matanda na ako para kwentohan ka iha, pero isa lang ang masasabi ko sa paaralan na iyan. Mag-iingat ka, dahil umpisa palang ang mga nangyayare, ikaw lang ang makakapigil sa kaniya." Napaluha ulit si Lene, habang inaalala ang mga ala-ala na iyon. Pati yung pagkabisita niya sa hospital, Nagkwentuhan at nagtawanan sila na parang mag-apo. "AAAAHHHH!" Dahil sa galit lahat ng gamit na nilapag niya sa kama ay nabato niya. Nanghihina siya at hindi makagalaw, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang kaniyang lola. Meron nanamang nawala, nang dahil sa kaniya. Bakit ba lahat nalang kinukuha sa kaniya? Awang-awa na siya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD