Kabanata Dalawampu't Dalawa

1518 Words
Chapter Twenty-two: Ms. Gloria's Burial. "Handa kana ba? Miss Dixon?" Tanong sa kaniya ng punong guro pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito. "Lene nalang po at handa na po ako, Miss Ruth." "Ruth nalang." "Para po kasing hindi ako magalang kapag Ruth lang po ang sasabihin ko." "Tita Ruth nalang, ayus ba iyun sayo?" "Opo." "Tara na, ay nga pala, nagpaalam sa akin ang iyong kaibigan si Mr. Gonzia, na sasama raw siya sa libing ni Ms. Gloria, hindi ko alam na kilala rin pala niya ito." "Sino po yun?" "Si Mr. Jaris Gonzia?" "Ahh, opo sabi niya rin po sa akin na gusto niya po akong samahan sa paglilibing kay Lola Gloria at tama po kayo Tita Ruth kilala niya nga po si Lola," lumabas na sila sa opisina at naglakag palabas ng paaralan. Hindi pa sila sumasakay ng sasakyan, dahil hinihintay pa nila si Jaris, nang dumating na ito sasakay na sana si Lene aa sasakyan, pero naalala niya na meron pala siyang motor. "Sa motor na po ako, Tita Ruth." "Meron kang motor?" "Opo, kinuha ko po sa bahay namin." "Oh siya magkita-kita nalang tayo sa Death Cementery." "Sige po, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho," umandar na ang kanilang sasakyan, samantalang si Lene ay pumunta sa likod ng paaralan. Pero hindi niya inaasahan na nandoon pala si Elias. Nakahiga sa lupa at nakatingin sa langit. Tinitigan niya lang ang lalaki, hanggang sa may dumating na babae. Si Kerri humiga rin ito sa lupa. Napansin siya ang isang alitap-tap sa kaniyang harapan kaya kinuha niya ito at nagwish. "Maging masaya sana ako kahit isng araw lang," hiling ni Lene sa kaniyang isipan. Pinakawalan niya ang alitap-tap at ngumiti ng napakapait. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kaniyang motor na nakatago, hindi naman malapit sa dalawa ang motor kaya makaka-alis siya ng hindi siya mapapansin. Hindi niya muna pinaandar ang motor, kaya tinulak niya ito papunta sa labas ng paaralan, kaya siya sumakay at binuhay ang makina. Mabilis niyang pinatakbo ang motor papunta sa sementeryo. Nang makapunta siya sa libing. Dumeretsyo siya sa kabaong ng matanda at ni Nanay Neth. Ang kabaong ay kulay kayumanggi. Kaunti lang ang mga tao, dahil wala naman ng kapamilya si Ms. Gloria at si Nanay Neth, pero may napansin siyang dalawang babae na umiiyak, ang mag-ina. "Buti naman at dumating kana, ikaw nalang ang hinihintay namin," sabi ni Ruth at pinaupo siya sa harapan, katabi niya rin si Jaris sa kaliwa. "Ako nga po pala si Father Jose, siguro naman ay alam niyo-," hindi nakinig si Lene sa sinasabi ng pari, sapagkat nakatingin lang siya sa kabaong kung saan nakahiga ang kaniyang Lola. *** "Nako, kung nandoon ka? Matatawa ka talaga sa iyong ina, hahahaha," nakita niyang tumawa ang matanda, kung paano ito humalakhak ng malakas, dahil sa kaniyang ikinikwento kay Lene. "Magaling din makipagsuntukan ang iyong ina, kapag binubully ang iyong ama? Todo ligtas ang iyong ina. Grabe mkipaglaban iyon, napakabilis sumuntok." "Grabe ang ina mo noon, napakalakas niyang dalaga." *** "Lola." "Bumalik kana." "Balik kana sa akin." "Bibilihan kita ng madaming, isaw." Meron kasing ikiniwento sa kaniya ang matanda na mahilig sila ng kaniyang ina sa isaw. Palagi nila itong binibili sa village, pero noong nagkasakit siya ay hindi na siya pinapayagan na kumain ng isaw. Napatingin si Lene sa panyo na ibinigay ni Jaris, kinuha niya ito at pinahid ang kaniyang mga luha. "Alam mo ba? Kapag daw may nawala ay may kapalit," tinignan niya sa mata si Jaris at nakinig sa mga susunod na sasabihin nito. "Namatay papa ko noon, pero may pumalit sa kaniya at yun ang pangalawang tatay ko, ang bait niya sa amin, para na namin siyang totoong tatay, kaya alam kong may dadating din sayo na ikakasaya mo. Maghintay ka lang, dadating din yan," nginitian niya si Jaris at bumalik sa pagtitingin sa kabaong. Pero may nakita si Lene na isang tao na nakatago sa dulo ng sementeryo, may hawak itong pala. Nakabonet, nakamaskara, at nakajacket ito. Hindi niya ito kilala, basta ang alam niya ay isa itong lalaki. "Nakikita mo ba ang lalaki na iyun?" pagtatabong niya kay Jaris at tinuro ang lalaki na nakatago sa puno. "Anong lalaki?" "Yung lalaki na nakabonet, sa dulo ng sementeryo at nakatago sa puno." "Nakatago sa puno? Wala naman, antok lang iyan, Raelene." "Hindi Jaris, tao talaga ang nakita ko." "Baka naman namamalikmata ka lang? Dahil Raelene wala naman akong nakikitang lalaki sa sinasabi mong puno," tinignan ulit ni Lene ang lalaki na nakatago sa puno, pero wala na ito. "Siguro nga," pagkakasabi niya kay Jaris, napahiya siya sa lalaki, kaya nanahimik nalang siya. Kulang lang ba siya sa tulog kaya siya nakakakita ng kung ano-ano? O totoong merong lalaki nga sa punong iyon? Pero bakit naman ito tumatago at may hawak na pala? Anong gagawin niya sa pala? "Hindi muna tayo aalis dito mamaya, hintayin nating makaalis ang mga tao, meron tayong titig- s**t! Wag na pala, sumabay ka nalang kila Tita Ruth, mamaya," muntikan ng makalimutan ni Lene na ngayon niya pala lilinisin ang silid aralan. Plano niya kasi na tapusin ito ng maaga, para wala ng iintindihin. "Saan kaba pupunta? Bakit ka magpapa-iwan?" "May babantayan akong tao." "Ewan ko sayo nakakakilabot ka, basta hintayin nalang kita sa labas ng paaralan mamaya." "Huwag na." "Sge ikaw bahala." Nang matapos ang paglilibing, sumabay si Lene sa paglabas ng sementeryo kila Ruth, oara hindi siya mahalata ng lalaki. Oo, babantayan niya yung lalaki na nakita niya kanina, alam niya na totoo ang kaniyang nakikita, baka hindi lang nakikita ni Jaris iyon. Nagpaalam siya kay Ruth na rito muna siya, buti nalang at pumayag ito. Pagkaalis ng mga tao, dahan-dahan siyang naglakad papasok sa sementeryo at nagtago sa gilid ng puno. Tinignan niya ang paligid kung merong tao, pero wala, ilaw lang ng mga poste at ilaw ng buwan ang kaniyang ilaw sa dilim. Ilang minuto na siyang nagbabantay sa paligid, pero wala paring lumalabas na tao. Kaya napagpasyahan na niya na umalis na. Bago niya paandarin ang motor, kinuha niya muna ang kaniyang rosario at tinignan ito. Meron siyang nakitang maliit na pangalan sa likod, at ito ay. Gloria Del Rosario Hindi niya na iniisip ang matanda, dahil alam niya na malulungkot lang siya. Pinaharurot niya ang kaniyang motor papuntang paaralan. Nang maiparada niya ang motor sa likod ng paaralan, nakita niya si Elias doon nakasandal sa gilid ng pintuan papasok ng school. "Saan ka nanaman ba pumunta?" "May pinuntahan lang." "Kasama si Jaris? Seryoso Raelene? May relasyon ba kayo?" Pinipilit ni Lene na makapasok ng paaralan, pero hinaharangan siya ni Elias. "Wala!" "Bakit kayo magkasama?" "Ano ba Elias, padaanin mo ako!" "Hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo, hindi kita papakawalan!" Hinawakan ni Elias anh magkabilang pulso ng dalaga at hinigpiran ang hawak nito. "Wala nga Elias! Bitawan mo ako!" "Bakit nga kayo magkasama kanina!" "Anong magkasama? Nakita mo ba siyang nakasakay sa motor ko? Ano ba Elias! Nasasaktan ako!" Binitawan ni Elias ang pulso ni Lene at pagkatingin niya sa mga ni Lene, nagukat siya, dahil tumutulo na ang mga luha nito. "Paumanhin nasaktan kita baby," pinunasan ng binata ang mga luha ni Lene, pero tuloy parin itong tumutulo. "Elias, hindi mo ba nakikita yang ginagawa mo?" Paos na sabi ni Lene, nakatingin sila sa isa't isa. Nang dahil sa hangin ay lumipad ang mga buhok ni Lene at sinabing. "Walang tayo Elias, at hinding-hindi magiging tayo, kaya itigil na natin to, ang sakit-sakit na eh, paulit-ulit na akong nasasaktan, pahingahin mo naman ako, huwag ako, huwag mo akong saktan, Elias, parang awa mo na." Pagkatapos sabihin ni Lene ang mga katagang yon, nilampasan niya si Elias at pumasok na sa paaralan. Dahil sa galit ni Elias nasuntok niya ng madaming beses ang pader, napaupo siya sa kapaguran ng katawan at inisip kung gaano karaming luha ang tumulo sa mga mata ni Lene. Titignan niya lang ang dalaga na umiiyak ay nasasaktan na siya at nanghihina. Si Lene naman, nang makapasok sa kaniyang kwarto ay pinunasan niya lang ang kaniyang mga luha, sabay kumuha ng panulat para dagdagan ang Pebrero 24 at sinulat ang 'Lalaking may pala' Meron kaya siyang huhukayin sa sementeryo kaya may pala itong dala? Sinong huhukayin niya? Nagulat siya nang mamatay ang ilaw ng kaniyang kwarto, kaya wala siyang makita. Ilaw lang ng buwan ang kaniyang ilaw na nanggagaling sa napakaliit na bintana. Nang luminaw ng kunti ang kaniyang paningin ay may napansin siya na parang isang tao na nakatayo sa dulo ng kwarto. Pagkakurap niya ay lumapit ito ng kaunti, kaya ang ginawa niya ay kumurap siya ng kumurap para lumapit ng lumapit sa kaniya ang demonyo. Pagkabukas ng ilaw ay ito naman ang pagkawala ng demonyo. Hinahabol niya ang kaniyang hininga, dahil hindi siya nakahinga habang palapit ng palapit ang demonyo. Ano yun!? Bakit ganon? Bakit parang lalaki ang demonyo? Pero bakit nagpakita ang demonyo sa kaniya? Kinuha niya ang kaniyang tubigan sa lamesa at mabilis niya itong ininom, pero napatigil siya nang may malasahan siyang dugo. Dugo na nang galing sa kaniyang ilong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD