Kabanata Dalawampu't Tatlo

1837 Words
Chapter Twenty-three: The Classroom. Pagkatapos niyang patigilin ang pagdugo ng kaniyang ilong, pumunta siya sa kabilang building kung nasaan ang kanilang silid aralan. Pagkaapak na pagkaapak niya sa building meron siyang narinig na tunog. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas dahan-dahan lang ang tunog at wala itong boses na kumakanta. "Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw." Napalingon siya sa kaniyang likod, nang may marinig siyang isang boses na batang babae at ito ay sinasabayan ang kanta. "May dilag ang tula at awit, Sa paglayang minamahal." Umi-echo ang boses ng bata sa buong building, kaya rinig na rinig niya ito. Pinabayaan niya nalang ang bata na kumanta, at dumeretsyo sa silid aralan. Pagkabukas niya ng pintuan may napansin siyang aninong lalaki na nakatayo, katulad ng nakita niya kanina sa kaniyang kwarto. Binuksan niya ang ilaw para makita niya kung sino iyon, pero nawala ito. "Ang mamatay ng dahil sayo," Pagkatapos ng kanta ng bata ay biglang gumalaw ang mga upuan at lamesa, napalabas siya ng silid, nang may humagis sa kaniya ng pintuan. Bakit may ganito? Kakaiba ang demonyo na ito, kaya niyang manakit ng tao kahit sa totoong buhay? Hindi sa panaginip? Nang tumigil ang kakagalaw ng mga lamesa at upuan, pumasok ulit siya sa silid at inayos ang mga ito. Kumuha siya ng walis at tambo sa gilid ng kanilang silid at doon na nga nagsimulang maglinis. Hindi niya pinapansin ang kanta na pinapatugtog sa labas, nagpatuloy lang siya sa paglilinis. "Bakit ka ba kasi nakipagbastosan kay Ma'am Hazel? Iyan tuloy pinaglinis ka ng silid-aralan," napatingin siya sa babaeng nagsalita sa bandang pintuan, nakita niya roon si Kerri na nakatayo at nakasandal sa pintuan. "Huwag kang mag-alala ayaw ko rin si Ma'am Hazel, kung umasta akala mo siya ang may-ari ng skwelahan na ito," umupo si Kerri sa upuan niya at pinanood siyang maglinis ng silid. "Napansin ko lang ahh, bakit ang kalat dito?" Hindi siya pinapansin ni Lene, dahil nahihiya itong magsalita. Ang Panginoon ang may alam kung gaano niya ito gustong kausapin, pero may mali siyang nagawa kay Kerri, kaya nga itinatama niya ito. "Parang hindi mo naman ako kaibigan Lene, kausapin mo naman ako. Alam mo ba? Gustong-gusto na kitang makausap, pero nahihiya ako sayo, kasi nga sinampal kita hindi ba?" Nanatili parin itong tahimik, habang nagwawalis ng sahig. "Grabe ka naman sa akin, galit ka ba?" "Lene?" "Sige, kausapin mo ako kapag hindi kana galit ahh?" Palabas na sana si Kerri ng silid, nang may maalala itong hindi pa niya nasasabi kay Lene. "Salamat nga pala, dahil ginawa mo ang tama, ibinigay mo sa akin si Elias," nang makita niya ang dalaga na umalis na ay napaupo siya sa upuan at napaluha. "Bakit ko ibibigay? Hindi naman akin at hindi naman naging akin," bakit niya aangkinin kung hindi naman kaniya? Hindi niya hinihingi si Elias at hinding-hindi siya manghihingi. Pero ganon nalang iyun? Wala manlang paumanhin Kerri? May kasalanan ka rin kay Lene. Pagkatapos magpahinga ni Lene, pinagpatuloy niya na ang paglilinis. "Saan iyun banda?" tanong niya sa kaniyang sarili, nang may maamoy siyang bulok na patay na daga. Hinanap ni Lene kung saan namatay ang daga. Nang makita niya ang daga, ito ay nasa gitna ng silid. Nakakapagtaka, dahil kanina naman ay wala ito doon, sino ang naglagay ng patay na daga? Imposible naman si Kerri ang may gawa non, kanina pa siya umalis. Lumapit siya at nakita niya kung ano ang nasa loob ng daga. Isang maliit na aklat. Anong meron sa libro? Bakit may kinain na maliit na libro ang dagang ito? Hindi kaya isang palatandaan ito? Saan ba nakikita ang mga libro? Sa silid-aklatan? Anong meron sa silid na yun? Ano namang gagawin niya doon? Hindi niya na muna inisip ang daga kaya kinuha niya ang buntot ng daga at inilagay sa daspan para sabay na niyang itatapon sa basurahan. Pagkatapos niyang magwalis, pumunta naman siya sa banyo para banlawan ang mapa. Pagbukas niya ng ilaw ay hindi ito gumagana, kaya pinagtiisan niya nalang ang madilim na banyo. Hindi naman siya natatakot, mas gusto niya pa nga na madilim ang kaniyang paligid. Lalabas na sana si Lene sa banyo, nang kusang magsara ang pintuan ng banyo. Tinaray niyang buksan ito pero hindi niya mabuksan, dahil nakalock. "Ang malas naman! Kung kailan pwede na akong magpahinga, ngayon pa mangyayare to? Ang talino naman ng demonyong to! Bwesit!" Ginamit ni Lene ang kaniyang buong lakas para masira ang lock ng pintuan, pero hindi parin mabuksan, paulit-ulit niya itong ginagawa, hanggang sa mainis na siya at pinuwersa niya na ang pagsipa sa pintuan kaya ito ay nagbuksan Pagkalabas niya ay napaupo siya sa upuan at nagpahinga. Nabuhos niya ang kaniyang lakas sa pagsira ng pintuan kaya ang kaniyang puso ay malakas ang t***k at ang kaniyang paghinga ay mabilis, ang kaniyang pawis ay tumutulo, dahil sa init. "Ayus ka lang po ba ate?" napatingin siya sa batang babae na multo sa kaniyang harapan. "Nakikita niyo po ako?" tumungo si Lene, hinawakan siya ng bata sa pisngi. "Lungkot at paghihinagpis ang nararamdaman ko sa iyong puso, kailangan mong magpahinga, pagod at inaantok kana, hinang-hina ang iyong katawan," napangiti siya sa bata, meron itong hawak na manika, nakadress siya at ang kaniyang buhok ay nakaipit. Siya siguro ang batang kumakanta kanina. "Wala na po siya rito ate, umalis po siya, nakita ko po kung gaano ka niya sinaktan," umupo ang bata sa kaniyang tabi at nginitian siya, kaya nginitian niya rin ang bata. "Palagi kaba sinasaktan non?" "Lahat po kami sinasaktan niya rito, mas lalo na po yung nagpakita sa inyo." "Ilan kayong sinasaktan niya?" "Basta po marami ate, hindi ko po mabilang." Napaisip si Lene, bakit niya ito sinasaktan? "Ate mag-iingat po kayo ha? Huwag niyo pong hahayaan na makuha niya ang kaluluwa niyo, dahil kapag nakuha niya, hindi niya na po ito papakawalan at sasaktan niya kayo minu-minuto," naaawa siya sa bata, batang-bata palang sinasaktan na. Hindi talaga pumipili ng sasaktan ang demonyo. Bata man o matanda. "Noong hindi pa po ito skwelahan abandunadong kulungan pa po ito noon, dumadamaan lang kami ni mama, bigla pong may humigit sa amin ni mama, kitang-kita ko po kung paano niya patayin ang aking mama, at doon na po nagsimula ang paghihirap naming dalawa," kita ni Lene kung gaano kalungkot ang bata. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito, sa ganitong edad na bata, dapat nasa labas nakikipaglaro sa ibang bata. "Gagawa ng paraan si ate ha? Maghintay lang kayo, ipagpapatuloy ko ang naiwang misyon ng nanay ko." "Si ate Raemalene po? Mama niyo po siya?" kung kanina ay malungkot ang bata, ngayon naman ay masaya na ito. "Oo." "Napakabait po ng nanay mo ate." Nagkwentuhan silang dalawa, sinabi ng bata kung anong ugaling meron ang kaniyang ina, at gaano ito kabait sa kaniya. Habang nagkekwento ang bata, ay pinagpatuloy niya na ang paglilinis. Nang matapos siya sa paglilinis, tapos na rin magkwento ang bata sa kaniya. "Ate maglalaro po tayo ahh?" "Oo, punta ka lang sa kwarto ko." "Saan po ba kwarto niyo?" "Sa dark room." "Sa dark room?" Nanginig ang bata nang marinig niya iyon, anong meron? "May problema ba?" "Wala po, sige po babye po," ngumiti sa kaniya ang bata at bigla itong nawala. Meron bang masama sa kaniyang sinabi? Bakit parang natatakot ang bata sa dark room? May problema ba sa kwartong yon? Bago siya humiga sa kaniyang kama, ay dinagdagan niya ang mga sinulat niya sa pader. Pebrero 26, 2022. Patay na daga. Pagkatapos niyang isulat ang mga yon, siya ay humiga na at mabilis na nakatulog, dahil sa pagod at panghihina ng kaniyang katawan. ***** Pebrero 2, 1782* May dalawang mag-ina ang napadaan sa abandunadong kulungan. "Mama, bakit po puro sira na ito?" "Dahil anak abandunado na iyan, matagal na, huwag kang pupunta rito ng mag-isa ha?" "Opo mama," ngumiti ang bata sa kaniya ina. Hindi nila alam na ito na pala ang kanilang katapusan. "Mama!!" "Anak!" bigla nalang kasing may humigit sa kaniyang anak kaya ito napasigaw. Dahil gusto niyang iligtas ang kaniyang anak, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa loob ng abandunadong kulungan. Kaya pati ang ina ang nasama sa pagpapatay. ***** "Elias, hindi mo ba nakikita yang ginagawa mo? Walang tayo Elias, at hinding-hindi magiging tayo, kaya itigil na natin to, ang sakit-sakit na eh, paulit-ulit na akong nasasaktan, pahingahin mo naman ako, huwag ako, huwag mo akong saktan, Elias, parang awa mo na." Napangiti si Kerri nang makita niya sila Elias at Lene na nag-aaway. Nalungkot siya, dahil nakita niya si Lene na lumuha. Ayaw niyang nalulungkot ang dalaga, pero mahal niya si Elias, ayaw niyang ibigay si Elias, ayaw niya itong mawala sa kaniya. Gusto niyang maging masaya dahil ibinigay sa kaniya si Elias, pero malungkot siya, dahil malungkot ang kaniyang kaibigan. Hindi niya makausap ng mabuti si Lene, hindi rin siya makalapit, nahihiya siya. ***** Nagising si Lene, dahil naramdaman niyang malelate na siya, nagmamadali siyang naligo at nagbihis ng uniporme. Pagkatapos niya, kinuha niya ang kaniyang mga libro at tumakbo sa silid aralan. Nakita niya ang mga estudyante na nagkukumpulan sa labas ng silid, kaya nakisingit din siya. "Grabe ang baho." "Bakit may mga patay na daga rito?" "Sino ba ang naglinis nito kagabi?" "Ang dugyot naman." Narinig ni Lene ang mga sinasabi ng mga tao. Patay na daga? "Nasaan si Ms. Dixon?" nagpakita siya sa kaniyang guro, nang makita siya nito nilapitan niya si Lene at mabilis itonh sinampal. "Ang sabi ko linisin mo, hindi dumihan, nakakaintindi ka ba? O sadyang kabastusan ang alam mo?" "Sorry po," pinipilit ni Lene na hindi magalit sa kaniyang guro, dahil wala naman siyang laban dito. Wala rin namang maniniwala sa kaniya kapag sinabi niya ang totoo. "Ma'am mali naman po ata na saktan niyo si Lene?" pumagitna si Elias sa kanila, pati si Nash at Kerri nakisali. "Anong nangyayari rito?" napalingon ang lahat sa punong guro na nang galing sa kanilang likod. "Ma'am ito pong estudyante ko, sabi ko linisin ang silid aralan hindi dumihan, tignan niyo po ang silid puro patay na daga, paano kami makakapagklase niyan?" "Mrs. Hazel, hindi naman kailangang saktan ang bata." "Ano?" "Kayong lima, sumama kayo sa akin, sa opisina tayo mag-uusap," tinignan siya ng masaya ng kaniyang guro bago sumunod sa punong guro. Silang aoat naman ay nasa likod. "Ayus ka lang?" "Oo Nash, salamat." "Huwag kang mag-alala Lene, alam kong hindi mo ginawa yun." "Salamat Kerri, hindi ko naman talaga kailangan ng tulong niyo. Paumanhin napahamak tuloy kayo," nahihiyang sabi ni Lene sa kaniyang mga kaibigan. Nakatingin lang sa kaniya si Elias, siguro ay dahil sa pinag-usapan nila kagabi. "Kaibigan ka namin, kaya nandito kami para sayo," naiilang siya kay Kerri, dahil noon galit ito sa kaniya, tapos ngayon bigla nalang babait. Siguro ay narinig ni Kerri ang pinag-usapan nila ni Elias kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD