Kabanata Dalwampu't Apat

1650 Words
Chapter Twenty-four: The Second Wife. "Lene? May gusto ka bang sabihin?" Tanong ng punong guro sa kaniya, kanina pa kasi ito nakatingin sa punong guro, napansin nito, kaya siya tinanong. "Wala po, tita Ruth." "Sigurado ka ba? Iha, alam kong hindi mo ginawa yun, dahil hindi ka naman maghahanap ng mga daga para patayin," napangiti si Lene, at tinignan ang guro nila, nginisian niya ito, ang guro naman ay inirapan siya. "Kaya gusto kong sabihin mo ang totoo." "Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng mga patay na daga roon. Wala akong alam," hindi naman niya talaga alam, naglilinis lang naman siya, meron din siyang nakitang patay na daga, bago siya matapos maglinis. Ano kaya ang dahilan ng daga na yun? Bakit nagkaroon ng mga daga roon? Ang demonyo ang naglagay? "Ano? Paniniwalaan mo ang batang iyan kaysa sa akin?" "Mrs. Hazel, hindi naman po sa kinakampihan ko ang bata, sinasabi ko lang ang totoo, hindi naman kasi magsasayang ang batang ito sa paghahanap ng daga." "Pero-." "Wala ng pero-pero Mrs. Hazel, bumalik kana sa iyong klase, pinalinis ko na ang silid-aralan ninyo. Kayong apat, maiwan kayo," inis na umalis ang guro, at ang apat na magka-kaibigan ay nagsitawanan. "Kita mo yung mukha niya? Hahahaha," tawa ni Kerri. Tinignan ni Kerri si Lene sabay nginitian. Kakaiba ang tingin nito sa kaniya. Para bang walang nangyare sa kanilang dalawa, na parang walang ginawa si Lene sa kaniya. "Ang panget, hahahaha," pati si Nash ay nakisali sa kabaliwan ni Kerri. Nahihiya na si Lene kasama silang tatlo. Hindi na siya sanay sa mga kalokahan nila. "Usap tayo, sa labas, Lene," tinunguhan ni Lene ang punong guro, at sila ay lumabas. "May balita ka ba?" "Ako na po ang bahala sa lahat tita Ruth, malalaman niyo naman po kung tapos na ito." "Pero iha, kailangan ko rin namang malaman kung ano na ang nangyayare, kaya balitaan mo ako ha?" "Opo," hindi pa niya kayang sabihin ang totoong nangyayare sa punong guro, hindi niya kayang sabihin na nakakakita siya ng demonyo ay mga multo. Ayaw niya itong biglain. Pagkapasok nila, umupo muna silang dalawa, bago magsalita ang punong guro. "Meron kasi akong pinapagawa kay, Lene, kaya baka magtaka kayo kung bakit kami palaging nagkikita," tumungo ang tatlo, at pare-parehas tumingin kay Lene, siguro ay nagtataka rin sila kung ano ang pinagawa ng punong guro sa kaniya. "Sige na, pumasok na kayo, ako ang kakausap kay Mrs. Hazel kapag may ginawa sa inyong masama." "Salamat po," magalang na sabi ni Kerri. Tumayo na ang mga dalaga at binata, nagpaalam sa punong guro, sabay lumabas na ng silid. "Ano pala ang pinagawa sayo ng punong guro, Lene?" tumingin siya kay Kerri. Sabi na nga ba magtatanong ang babaeng ito eh. "May iniimbestigahan ako, Kerri." "Ng ano?" nauna ang dalawang lalaki na maglakad kaya silang dalawa lamang ang nag-uusap. "Basta," wala siyang masabi kay Kerri, para bang may pumipigil sa lalamunan niya na wag magsalita. Bakit ba napakahirap sabihin sa isang tao kung ano ang nangyayare sa skwelahan na ito? "Bakit hindi mo sabihin sa akin?" "Mapagkakatiwalaan kaba?" dinirestsyo na ni Lene si Kerri, wala siyang tiwala sa dalaga, alam niya kasi na siya ang nagsabi sa mga bago niyang kaibigan ang ginawa ni Lene kay Kerri. Sinabi ni Kerri na nilandi ni Lene si Elias. Kaya baka sabibin din ni Kerri ang sikreto niya. Mas lalong magkakagulo sa skwelahan. Nagulat si Kerri sa sinabi ni Lene, anong tiwala? Meron ba siyang nagawa? "Anong tiwala Lene? Meron ba akong nagawa?" "Hindi mo alam? Ikaw ang nagsabi sa mga bago mong kaibigan na nilandi ko ang manliligaw mo, hindi ba?" "Bakit? Hindi mo ba nilandi? Kaya huwag kang mag-salita na parang ako ang masama rito, dahil ikaw, ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, Lene," napahawak sa ulo si Lene at tinignan ng seryoso si Kerri. "Huwag kang mag-alala sayong-sayo na si Elias, kahit isak-sak mo pa sa baga mo," nilabanan niya na si Kerri, sumusobra na eh, akala niya ba mag-kaibigan na ulit sila? Bakit ganito ang trato sa kaniya? Ipagsabihin ba nito hindi totoo ang sinabi ni Kerri sa kaniya kanina? Ayos-ayos siyang nagtanong kanina. "Hindi ko alam marunong ka rin palang makipaglaro," nginisian niya ang babae, at inunahan ng maglakad si Kerri, nilampasan niya rin sila Elias at Nash. Gustong makipaglaro ni Kerri? Pwes sasabayan niya itoI, paumanhin nalang sa matatalo. Kaibigan niya si Kerri, pero sumusobra na siya, kailangan niyang matututo, hindi niya rin maintindihan ang babae, ang gulo. Hindi niya dapat sinasabi ang mga yun sa ibang tao. Napatingin siya sa kaliwa ng madaanan niya ang silid-aklatan. Naalala niya ang daga na nakita niya kaninang madaling araw. Isinantabi niya muna iyon at dumiretsyo sa silid-aralan. Pagkapasok niya tinignan lang siya ng guro, sabay bumalik sa pagsasalita, dahil kanina nawalan siya ng gana makinig sa sinasabi ng guro, kaya ang kaniyang ginawa ay natulog nalang. ***** "Ambrosio, mahal na mahal kita, huwag mo namang gagawin to, buntis ako Ambrosio, parang awa mo na, kahit yung anak nalang natin ang buhayin mo," nakita ni Lene ang babae at lalaki sa kaniyang panaginip na kinakaladkad ni Ambrosio ang babae papunta sa sementeryo. Kung noon ay unang asawa niya ang kaniyang nilibing, ngayon na nakikita niya ay ibang babae naman ito, siguro ay pangalawang asawa niya ang kaniyang nakikita. Pero bakit niya ito nakikita? Bakit nagpapakita sa kaniya ulit si Ambrosio? Babalik nanaman ba siya sa sementeryo? Bakit ba ang dami niya nakikita? Kahit sa kaniyang panaginip, ano bang kababalaghan ang meron sa paaralan na ito. "Akala mo ba papakawalan kita? Magsama kayo ng anak mo sa impyerno," itinapon ng lalaki ang babae sa hukay, nagsindi ito ng apoy at itinapon sa babae. Sinunog niya ito ng buhay. "Aaahhh! Tama na! Ahhh!" Sigaw ng sigaw ang babae, dahil sa sakit ng kaniyang nararamdaman. Habang na susunog ang katawan ng babae at nilalagyan na ng lalaki ng buhangin ang, hanggang sa matabunan na ng buhain ang babae. Nilibing niya ang kaniyang pangalawang asawa at unang anak ng nasusunog ang buong katawan at buhay. Kinabukasan, meroong lalaki ang pumunta sa sementeryo, itim ang mga mata nito at may dalang pala. Hinukay niya kung saan nilibing ang pangalawang asawa ni Ambrosio at kinuha ito. ***** Nagising si Lene, dahil sa malakas na tunog ng kampana ng paaralan. Lahat ng kaniyang panaginip ay may pangitain na nagsasabi na kailangan mong pumunta sa lugar na iyon, pero bakit sa sementeryo ulit? Meron pa kaya siyang hindi nalalaman sa sementeryo na yun? Nang makapasok siya sa cafeteria, ay bumili agad siya ng kaniyang gustong kainin at dumeretsyo sa rooftop, ayaw niya sa likod ng paaralan, dahil may naaalala siya doon. Si Elias. Umupo siya sa sahig at tinignan ang kalangitan. Langit na makulimlim at maya-maya ay pwede na itong umulan. Makulimilim talaga palagi ang langit dito, minsan lang ang maaraw. May napansin siya sa mga ulap. Ulap na parang hugis demonyo. Inirapan niya nalang ito at nagpatuloy sa pagkakakain. Napagisipian niyang kumain nalang dito, dahil gusto niyang makapag-isip ng maayos, maingay din kasi sa cafeteria, at nandoon pa sila Elias, baka yayain siya na sumama sa kaniyang lamesa. "Elias huwag diyan, hahahah nakakakiliti!" Nakarinig si Lene ng babaeng boses sa ibaba ng building, dahil sa narinig niya ang pangalan ni Elias, ay tinignan niya ito. Si Kerri at Elias nagtatawanan. Kinikiliti ni Elias si Kerri at gumaganti rin si Kerri, kinikiliti niya rin si Elias. Bakit parang ang sakit sa kaniya? Bakit parang binibiak ang kaniya puso? Gusto niyang maluha, pero walang lumalabas na luha sa kaniyang mga mata. Anong meron kay Elias at nagkakaganito siya? Hindi niya naman ito mahal. ***** "Ugghh! Hhmmm," ungol ng isang babae, habang naghahalikan sila ng kaniyang kasintahan sa loob ng library. Nasa malilim na lugar sila kaya walang makakakita sa kanilang ginagawa. Habang naghahalikan sila dahan-dahan ipinasok ng lalaki ang kaniyang kanang kamay sa damit ng babae, at ito naman ay napaungol sa sarap na kaniyang nararamdaman. Habang sila ay sarap na sarap, hindi nila alam na merong lalaking naglalakad papunta sa kanila, may hawak itong kutsilyo at ang kaniyang mga mata ay kulay itim. Nang makapunta ang lalaki sa kanilang harapan ay mabilis niyang sinaksak ang lalaki sa likod at sa ulo. "Aaaahhhh!" Napasigaw ang babae, dahil may mga dugo na sumirit sa kaniyang mukha, natumba ang kasintahan niya dahil ito ay patay na, tumingin sa kaniya ang lalaking sumaksak sa kaniya kasintahan at sinaksak siya sa mata pati sa noo. Nasa makulimlim sila, kaya wala pang nakakakita sa kanilang mga katawan **** Pagkatapos kumain ni Lene, pumunta siya agad sa silid-aralan, kung kanina hindi siya nakinig, ngayon ay makikinig na siya, dahil hindi na siya inaantok at pampatanggal oras lamang ito. Pagkatapos ng klase, pumunta muna siya sa kaniyang kwarto at kumuha ng ilaw, pupunta siya sa sementeryo mag-isa. Nagmamadali siyang lumabas ng paaralan, kasi baka may makakita pa sa kaniya. tumakbo siya papunta sa sementeryo at nang makapunta siya hinanap niya ang pangalawang asawa ni Ambrosio. 'Kristina Alcantara 2' Ito ang pangalawang asawa ni Ambrosio. Kinuha niya ang pala na nakita niya sa malapit na hukay, at mabilis na hinukay kung saan nakalibing si Kristiana. Hukay lang siya ng hukay pero wala siyang nakitang katawan, totoo ang kaniyang panaginip, meron ngang kumuha sa katawan ni Kristina. Hinukay niya rin ang ibang mga nakalibing sa sementeryo, pero wala talang mga katawan. Bakit walang katawan? Nasaan ang mga katawan na nakalibing dito? Bakit kinukuha nila ang katawan? Bumalik siya sa kaniyang kwarto at naligo. Kumuha siya ng panulat at dinagdagan ang nasa pader. Pebrero 26, 2022. Mga asawa ni Ambrosio. Dapat may mga larawan ang mga nakasulat dito, pero wala siyang polaroid para mapikturan ang mga ito. Medyo mahirap ang pag-iimbestiga rito sa paaralan na ito. Mukhang kailangan niyang puntahan ang libingan ng mga namatay ngayong Pebrero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD