Kabanata Dalawampu't Lima

1739 Words
Chapter Twenty-five: The Library. Pagkapasok ni Lene sa paaralan, nakaramdam siya ng kaba at takot. Anong meron? Bakit ganito ang kaniyang mararamdaman? Isang butil ng luha ang nalaglag sa kaniyang kaliwang mata. Bakit siya nakakaramdam ng ganito? Bakit parang may sugat ang kaniyang puso sa sakit na kaniyang nararamdaman? Pinabayaan niya nalang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kaniyang silid. Habang naglalakad nakarinig siya ng mga babae na nagsasalita. "Ang ingay mo maglakad, dahan-dahan lang Sidney." "Ikaw nga ang ingay ng bunganga mo nagreklamo ba ako? Manahimik ka ka nalang diyan, ang baho ng hininga mo," bulong ang kaniyang naririnig, malakas na bulong. Kaya kahit medyo malayo si Lene, naririnig niya parin ito. "Ano nananaman ba kasi ang gagawin natin? Signey?" Sumilip si Lene sa mga babae, at doon niya nakita ang mga babae, sila yung mga babae na nagbonfire noon. Bakit hindi nila kasama ang mga lalaki? "May titignan lang ako sa silid-aklatan." "Ano? Ayaw ko roon, nakakatakot, ang dilim-dilim pa, ikaw nalang ang pumasok." "Kaya nga kita sinama, para may kasama akong papasok sa silid-aklatan, gamitin mo nga utak mo, ang bobo ko talaga," umiling ang babae na kasama ni Sidney at naglakad nalang papasok ng silid-aklatan. Anong gagawin nila sa loob? "s**t," pabulong na mura ni Lene, nang may makita siyang marka na hugis bituin sa pulsuhan ng dalawang babaeng pumasok sa silid-aklatan. Ano ba kasi ang pakay nila roon? Bakit sila pumasok sa silid-aklatan? Nakakatanga naman, binibigyan nila ng sakit ng ulo si Lene, ang dami na nga niyang iniisip dadag-dag pa sila. Wala ng ginawa ang mga estudyante rito kung hindi ang ipahamak ang kanilang sarili. Takot na takot kapag mamamatay tapos sila ang gumagawa ng dahilan kung bakit sila mamamatay. Walang nagawa si Lene kung hindi ang sundan ang dalawa at pumasok sa silid-aklatan. Plano niya sana na mamaya pumunta rito, kaso kailangan niyang samahan ang dalawa, dahil baka mapahawak, lalo na't may nakita siyang marka sa mga pulsunan nito. "Anong ginagawa niyo rito?" Seryosong sabi ni Lene, nakita niya sa pulsuhan ng dalawa na nawala ang marka, nang tignan siya ng dalawang babae. "Anong naman pake mo? Mamamatay tao," tinaasan ng kilay ni Lene si Sidney, sila na nga ang tinulungan galit pa? Kung iwan kaya ni Lene ang dalawang ito nang mamatay na. Ang sama ng ugali eh. Katulad ni Kerri, plastic pala. "Mamamatay tao? Sige sabihin na natin na ako ang pumatay sa kaibigan niyo, para manahimik kana, rindi na rindi na ako sa bunganga mo eh, kaya pwede ba? Pumunta na kayo sa kwarto niyo at matulog na?" "Sino ka ba para utusan ako?" "Ako lang naman ang tatapos sa buhay mo kapag hindi mo ako sinunod." "Grabe na takot ako." "Hindi kayo lalabas?" Tinignan ni Lene si Sidney ng seryoso at walang emosyon, natakot naman ang babae, dahil sa titig nito sa kaniya. "Hindi ka pa aalis?" "Hinding-hindi," hindi talaga magpapatalo ang babaeng to, akala pa naman ni Lene ang bait-bait. Ang tigas pala ng ulo. Parang hindi dalaga, bata ata ito. "Ano gusto mo? Babalik ka sa kwarto niyo o buhay niyo? Hindi ko kayo pipigilan kung ayaw niyong sumunod sa akin, kapahawakan niyo lang ang iniisip ko." "Kapahamakan namin? Nagpapatawa ka ba? Hahaha, kaibigan nga namin pinatay mo, tapos kapahamakan namin?" "Kung ayaw niyong maniwala sa akin, maya-maya wala na kayo, dalawa lang naman ang papatay sa inyo eh." "Sino?" "Ang demonyo at ako," kinuha ni Lene ang kaniyang kutsilyo sa loob ng palda. Nagulat ang dalawang babae kaya napaatras ito. Napangisi si Lene nang makita niya ang dalawang babae natatakot at sinabing. "Ano? Susundin niyo pa ba ako?" Tumakbo ang dalawa dahil sa takot. Napatawa nalang si Lene, susundin din pala siya pinatagal pa, takot naman palang mamatay ang babaeng yun eh. Tapang-tapangan. Nakarinig ng tunog na parang naglalakad na tao si Lene sa kaniyang harapan, kaya napatingin ito doon. Wala namang tao. Pati sa kaniyang likod at gilid ay nakarinig siya. "May tao pa ba rito?" medyong malakas na sabi ni Lene, at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Kung meron man lumabas na," naghintay si Lene na may lalabas na tao, pero wala, kaya hinayaan niya nalang iyon at naglibot sa silid-aklatan. Habang naglilibot at nagtingin-tingin ng mga libro na pwede niyang basahin, nakapansin siya ng dugo, madaming dugo na nasa sahig, bakit may dugo rito? Nasa madilim na pwesto ito kaya hindi pa nakikita ni Lene kung saan nanggaling ang dugo. Kaya ang ginawa niya, binuksan niya ang kaniya flashlight at itinutok ang ilaw kung saan nanggagaling ang dugo. Napataklob ng bibig at ilong si Lene, lumaki ang kaniyang mga mata, nanginginig at nanghihina ang kaniyang binti, dahil sa kaniyang nakita. Isang lalaki, isang lalaki na may saksak sa likod at sa mismong utak nito. Ang buong sahig ay punong-puno ng dugo. Bakit ang daming dugo? Lalapit na sana siya sa lalaki nang may maapakan siyang sapatos. Sapatos na itim, nagtaka siya bakit sapatos ng babae ito? Pati ang sapatos ay punong-puno ng dugo. Ngayon alam niya na, hindi lang lalaki ang namatay dito, kung hindi isang babae rin. Pero nasaan ang katawan ng babae? Bakit wala rito? Naalala ni Lene ang mga katawan sa sementeryo, ito ay mga nawawala, pati rin daw ang katawan ng kaniyang ina. Hindi kaya pati ang katawan ng babaeng ito ay kinuha rin? Pero bakit hindi nila kinuha ang katawan ng lalaki? Ito ba iyun? Ito ba yung dahilan kung bakit napaluha siya kanina? Kung hindi niya pinigilan ang dalawang babae, sigurado siya na mamamatay ang mga ito. Walang ganang naglakad palabas si Lene. Para siyang matutuba kapag walang hawakan, kaya pader ang kaniyang pinagsasandalan. Nanginginig ang kaniyang binti at ang kaniyang pawis ay tulo ng tulo kahit hindi mainit ang paligid. Nasaan!? Nasaan ang nga katawan nila!? Dahil sa pagod, galit, at lungkot, napaupo si Lene sa sahig, hinawakan niya ang kaniyang buong mukha. Para siyang tao na patay, kung makikita mo siya ngayon, dahil hindi niya gumagalaw sa kaniyang pwesto at ang kaniyang mga mata ay nakasarado. Hindi niya na alam ang kaniyang gagawin. Para siyang nawalan ng pamilya sa buhay kapag may nakikita siyang estudyante na namamatay. Bakit hindi nilang patayin ng deretsyo? Bakit kailangan pang pahirapan? Bakit kailangan pang buksan ang lamang loob? Bakit? "Lord, tulungan niyo naman po ako, bigyan niyo pa po ako ng madaming lakas," boses lamang ni Lene ang maririnig mo sa loob ng building. Nakatingin lang siya sa pader. "Ate," napatingin si Lene sa kaniyang kaliwa. Nandoon ang bata na nakausap niya sa silid aralan noon. Yumakap sa kaniya ang bata at ngumiti. "Ate, alam niyo po ba ang pangalan ko?" umiling si Lene sa bata, kaya mas lalo itong ngumiti. "Grace po ang pangalan ko, sa tagalog po ay biyaya, sabi sa akin ng mama ko, dahil daw po grace ang name ko, biyaya raw po ako sa kaniya, at mahal na mahal niya raw po ako," niyakap din ni Lene si Grace. Nakaramdam siya ng pagmamahal sa batang ito, parang yakap ng isang ina. "Kayo po ate? Ano po ang buong pangalan niyo?" "Raelene Angel." "Tinuloy pala ni Kuya yung Angel." "Bakit?" "Yun kasi ang huling naisip ni Ate na ipangalan sayo, bago ka niya ipinanganak." "Nandoon ka?" "Oo ate, ako pa nga ang unang nakabuhat sayo noon, tapos ngayon ang laki niyo na po," hindi siya makapaniwala na may kausap siyang multo na mas matanda pa sa kaniya, pero ang kaniyang mukha at laki ay isang bata. "Lola pala dapat ang itawag ko sayo." "Luh, huwag po," nagpuppy eyes siya kay Lene, natuwa naman ang dalaga, ayus na siya, hindi katulad kanina, sobrang depress niya. "Umuwi kana sa mama mo, sigurado akong nag-aalala na yun sayo." "Wala na po ang mama ko nasa impyerno na." "Paano?" "Hindi ko po alam ate, bigla nalang pong nawala ang kaluluwa niya, marami na pong nagsabi sa akin na ganon daw po iyun habang tumatagal ang kaluluwa sa daigdig na ito, sabi lang po yun ng mga kasama kong kaluluwa, hindi ko nga po alam kung kailan ako mawawala, ipangako mo sa akin na kahit mawala ako ay ipagpapatuloy mo to, dahil madaming kaluluwa ang kailangan ng tulong mo," ipagsabihin ba nito maaaring mawala ang kaluluwa ng kaniyang ina kahit kailan? Kailangan niyang bilisan ang pag-iimbestiga. "Nakikita mo ba ang mama ko rito?" "Sorry ate pero wala eh, simula nong namatay siya wala po." "Alam mo ba kung saan tinatago ang mga nawawalang katawan dito?" "Wala pong nakaka-alam ate, hindi po kasi kami pinapalabas dito." "Bye na po ate, tinatawag na po ako ng mga kaibigan ko, babye po." "Mag-iingat ka ahh." "Opo." Bigla nalang nawala ng parang bula si Grace, kaya tumayo na agad si Lene, para pumunta sa opisina ng punong guro, at sabihin kung ano ang nangyare sa silid-aklatan. Gusto niyang isekreto ang mga nangyayare sa paaralan, para walang kabahan at matakot. Bago kasi ipasok ang mga estudyante rito sa university may pinirmahan ang kanilang mga magulang na walang makakaalis hangga't walang pahintulot ng magulang. "May problema ba?" tanong sa kaniya ng punong guro, nang makapasok siya sa kaniyang opisina. "May patay sa silid-akalatan." "Ano? Ayus ka lang ba?" "Opo, gusto ko po sanang itago sa mga estudyante ang mga nangyayare rito, para po hindi po sila mabigla or matakot." "Paumanhin, iha, isa kasi sa panuntunan ang bawal lumabas sa paaralan na ito, hangga't walang pahintulot ng magulang, dahil ang mga batang ito ay puro may record sa pulis." "Ayus lang po yun, at saka po pala, pwede ko po bang makuha ang mga pangalan ng mga namatay na estudyante ngayong Pebrero?" "Sige, ito," ibinigay sa kaniya ng punong guro ang isang folder, ang folded kung saan ang mga inpormasyon ng mga namatay na estudyante. Pati na rin ang mga nadamay sa pagpapatay. "Salamat po." "Walang anuman, Lene, sige na ako na bahala sa silid-aklatan, magpahinga kana." "Opo." Nagtungo na si Lene sa kaniyang kwarto, at hinanda ang mga mga panulat at papel na kaniyang isusulat tungkol sa mga namatay. Kailangan niyang isa-isahin ang mga libibingan nito, para malaman niya kung nawawala rin ba ang mga katawan nila, isang salita ang masasabi ni Lene. "Nasa puso ko ang Panginoon araw-araw. Gagabayan niya ako, kung ano man ang mangyare. Hindi niya ako pababayaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD