Kabanata Dalawampu't Anim

1886 Words
Chapter Twenty-six: Jazmene Alonzo. Jazmene Alonzo. Age: Labinwalong taong gulang. Drug addict. Birthday: Mayo 5, 2004. Cost of death: Suicide by hanging herself. Nailibing sa Death Cementery. Sex: Female. Type of blood: 'O' Universal blood. Religion: Catholic. Pure Pilipino. Parents: Paciano Alonzo at Anna Alonzo. Siya yung nakita niyang nagpakamatay noon. Nakita ni Lene ang mukha ng babae, isa nga itong adik sa droga, dahil sa kaniyang mga mata na pulang-pula at napakasobrang lalim. Nandito rin ang kaniyang katawan na patay, at makikita mo ang kaniyang leeg na may dugo at pulang-pula ito. Ang gusto niyang malaman, kung ang sarili niya ba ang may dahilan kung bakit siya namatay o demonyo ang pumatay sa kaniya. Kung nagpakamatay siya, bakit niya ito ginawa? Bakit siya nagpakamatay? Pwede rin naman itong nagpakamatay dahil sa sobrang depress. Kinuha niya ang papel at idinikit sa pader, kinunek niya ito sa Pebrero 2, 2022. Isa-isa niya itong i-imbestigahan ng maayos, para malaman niya masyado ang mga nangyayare. Uunahin niya si Jazmene Alonzo. Seryoso siyang nakatingin sa kaniyang sinulat, habang hawak-hawak ang kutsilyo. Makakapatay siya ng demonyo, huwag nilang ginagalit si Lene. Napatingin siya sa pintuan, nang marinig niya itong may kumakatok. Tinago niya muna ang kutsilyo na hawak niya, bago niya ito buksan. Pagkabukas niya ng pintuan, mabilis siyang hinalikan ni Elias, itinulak siya nito hanggang pader. Para siyang gutom na gutom kung makahalik. "Ano ba!" Malakas na tinulak ni Lene si Elias, at tinignan niya ito ng seryoso, pinipigilan niyang hindi mapaluha. Sa tuwing nakikita niya si Elias, may kirot sa kaniyang puso, at palaging nanghihina ang kaniyang mga katawan. Hindi niya maintindihan ang kaniyang puso. Mahal niya ba si Elias? "Lene, mag-usap tayo, mahal kita, palagi kitang iniisip, hindi kita mawala sa aking isipan, Lene, parang awa mo na," napakunot ang noo ni Lene. Nilapitan niya si Elias at hinawakan ang magkabilang pisngi. Hindi niya napigilan ang mapaluha, habang tinitignan si Elias. Bakit ba hindi niya makalimutan ang lalaking ito? "Bawal, Elias. Bawal maging tayo," pinilit niyang ngumiti sa harap ng lalaki. Gustong-gusto ni Lene na magsama silang dalawa, pero bawal. "Lene, parang awa mo na Lene," mas lalong nanghina ang buong katawan ni Lene, nang makita niya na may tumulo na luha sa mata ng lalaki. Totoo bang mahal niya si Lene? Paano si Kerri? Anong mangyayari kay Kerri? Ayaw niya ulit na magkasala. Kahit gaano pa kasama sa kaniya si Kerri. Oo magkaaway silang dalawa, pero hindi ito ang dahilan para manalo siya sa kanilang pag-aaway. Ayaw niyang saktan ang kaibigan, kahit hindi kaibigan ang turing sa kaniya ni Kerri. "Meron ka lang nakita sa akin na wala siya, kaya kung ano-ano ang naiisip mo ngayon, pag-isipan mo ng mabuti Elias, dahil hindi ko hahayaan na masaktan ang kaibigan ko ng walang dahilan, nililigawan mo si Kerri hindi ba?" Napatigil si Elias sa sinabi ni Lene, nakatingin lang ito sa dalaga. "Nililigawan mo siya, dahil mahal mo siya, gusto mo siyang mapasayo, tama ba ako? Ngayon, ngayon mo sa akin sabihin na mahal mo ako," hinawakan ni Lene ang kaliwang kamay ng lalaki at ang kanang kamay naman ay pinampunas niya ng luha ng lalaki. "Huwag kang umiyak, dahil wala kang kasalanan, nalilito ka lamang, hangga't hindi alam ni Kerri ang pinag-gagawa mo ay ligtas ka, ligtas sa akin ang sikreto mo, huwag kang mag-alala, hindi mo kasalanan ang lahat ng ito, dahil ako ang may kasalanan, simula noong dumating ako rito, ay nagkagulo-gulo na ang paaralan na ito, pati ang relasyon niyong dalawa ay nadamay," kung kanina ay umiiyak si Lene, ngayon ay makalma na. Alam niyang tama ang kaniyang ginagawa, kaya kailangan niyang maging masaya. "Hindi, ikaw ang mahal ko, Lene." "Pero ikaw ang mahal ni Kerri," nginitian ni Lene ang lalaki, bago magsalita ulit. "Hinihintay ka niya, umaasa siya na mamahalin mo ulit siya, umaasa siya na masaya kapa sa kaniya, hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin Elias, ito ay kaibigan lamang." "Hindi ko na mahal si Kerri, ikaw ang mahal ko." "Tama na, Elias, umalis kana rito!" Tinulak niya palabas ang lalaki, bigat ang lalaki kaya matagal niya itong naipalabas. Nang mailabas niya, napasandl siya sa pintuan. Habang si Elias naman ay walang nagawa kung hindi ang umalis nalang. Nakapag-usap na sila ah? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit pinipilit niya ang gusto niya? Napaupo si Lene sa kaniyang kama at tinignan ang kaniyang mga sinulat sa pader. Napakarami ng nawala. Gagawin niya na ito ngayon. Lumabas si Lene sa kaniyang kwarto, para pumunta sa Dorm 222, kung saan ang kwarto ni Jazmene. Nadaanan niya ang silid-aklatan, nakita niya ang mga tao na binuhat ang lalaki na namatay. Pinabayaan niya na iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Sana meron siyang makitang ebidensya, kahit isa lamang at sana tulog ang mga tao sa kwarto na iyon. Nasa harap na siya ng pintuan, sinubukan niya muna kung hindi ito nakasara, nang malaman niya na hindi ito nakasara, dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang isang babae at dalawang lalaki na natutulog. Napansin niya ang malinis na higaan sa dulo ng kwarto, ito siguro ang higaan ni Jazmene noong nabubuhay pa siya. Pumikit siya at nagkonsentrate. "Hindi ka ba sasama sa amin Jazmene?" nakita ni Lene sa kaniyang pangitain ang isang babae at dalawang lalaki na kaniyang kaibigan na niyaya siya nitong sumama sa kanila. "Ayus lang ako Krisma, rito lang ako, bigyan niyo nalang ako ng pagkain, alam niyo naman siguro ang aking paborito, hindi ba?" mahinhin at nakangiting sabi ni Jazmene sa mga kaibigan. Hindi naman pala siya masiyadong masama, may kaunting kabaitan pa rin ang dalaga. Hindi porket adik sa droga ay masama na, merong taong mabait parin kahit may bisyo. "Sige, ikaw bahala, riyan ka lang ahh, babalik kami agad, huwag kang gagawa ng katarantaduhan, kilala kita Jazmene." "Oo na, oo na, ano ba yan kung ano-ano pa ang sinasabi hindi nalang umalis kung aalis," inis na sabi nito, sabay upo sa kaniyang kama, tinignan niya ang nga kaibigan na nakatingin lang sa kaniya. "Ano? Tutunga-nga lang kayo riyan? Wala kayong balak, kumain?" "Huwag kang lalabas dito." "Oo nga," pagkasara ng pintuan ng kaibigan, ay napabuntong hininga si Jazmene. Tumayo siya at pumunta sa kaniyang kabinet, kumuha siya ng kuwaderno at panulat, sabay umupo sa kama, isinandal niya ang kaniyang likod sa ulunan ng kama, at nagsulat ng kung ano-ano. Pagkatapos niyang magsulat, ibinalik niya ito sa kabinet. Tumuwid ang kaniyang ulo, at tumingin ang babae sa kaniya. Nagulat si Lene dahil ang mga mata ng babae ay buong itim, meron na rin itong marka na bituin sa pulsohan. Mabilis na naglakad ang babae papunta sa kabinet ng isa sa kaibigan niyang lalaki at kumuha ng lubid hinagis niya ito sa sahig, kumuha rin siya ng upuan, inilagay niya ito sa gitna ng kwarto. Kinuha niya sa sahig ang lubid at umakyat sa upuan, ginawa niyang pangbigti ang lubid, isinabit niya na ito sa bakal na nasa taas ng kwarto. Pagkatapos niyang gawin ang mga iyon, ay agad-agad niyang ipinasok ang ulo sa bilog, itinulak niya gamit ang paa yung upuan. Pinanood ni Lene kung paano siya mamatay, kung paano siya mawalan ng hininga. Pagkamulat ni Lene, naramdaman niya ang kaniyang mga balahibo na tumayo. Hindi siya nagpakamatay, siya ay pinatay. Nang maalala ni Lene ang sinulat ni Jazmene sa kaniyang kuwaderno, tahimik na binuksan niya ang kabinet, doon niya nakita ang mga lumang gamit ni Jazmene, buti hindi kinuha ng mga magulang niya ito? "Bakit na nandirito? Anong kailangan mo sa mga gamit ni Jazmene?" napatingin siya sa likod, dahil may narinig siyang boses lalaki. "May titignan lang ako sa gamit niya." "Anong gamit? Makakatulong ba ito kay Jazmene? Dahil nagtataka rin kami kung bakit siya nagpakamatay, alam namin na hindi niya yun gagawin." "Alam ko." "May alam ka ba? Kung may alam ka pwede bang sabihin mo sa amin? Napamahal na sa amin si Jazmene, kaya kailangn naming malaman ang totoong nangyare kay Jazmene." "Sige, kukuhain ko lang ang kuwaderno niya, kapag may nalaman ako sasabihin ko sa inyo," pagsisinungaling ni Lene, hindi niya kailangan sabihin ang mga nalaman niya tungkol kay Jazmene. Pagkakuha niya ng kuwaderno, ay pumunta na siya sa tapat ng pintuan. "Salamat," pagkatapos niyang magpasalamat ay tinunguhan niya ito, at binuksan ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas siya sa kwarto, pero hindi niya inaasahan na magbukas din ang pintuan sa kabila, at ang iniluwa non ay si Kerri. "Anong ginagawa mo riyan?" mataray na sabi ni Kerri sa kaniya, nakakrus ang mga braso nito, ang kaliwang kilay naman niya ang nakataas. Ano nanaman ang problema ng babaeng to? "Pake mo?" walang emosyon na sabi ni Lene sa kaniya. Wala siyang oras makipagbangayan kay Kerri, lalo na't may kailangan siyang tapusin at gawin. "Huwag mo akong tatalikuran," hinawakan ni Kerri ang braso ni Lene at iniharap sa kaniya. "Anong karapatan mong bastusin ako?" Tinitigan lang niya si Kerri, binawi niya ang kaniyang braso at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na pinansin ni Kerri ang dalaga, kaya bumalik na siya sa kwarto. "Sino yung kausap mo? Si Lene?" "Alam mo naman pala, Elias, sinasabi mo pa, bakit? Miss mo?" napahilot ng noo si Elias. Bakit ba naging ganito ang ugali ni Kerri? Parang hindi siya yung nakilala niya dating Kerri. "Elias, ano bang problema? Bakit ka nagkakaganyan?" "Kerri, ako yung walang problema rito, IKAW, ikaw may problema, anong nangyare Kerri? Bakit ka ba nagbago?" "Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan, huwag mo akong gawing tanga." "Ang gulo mo kausap, Kerri napakagulo, pagpahingahin mo naman ako!" "Sino ba ang nagbago? Ha? Sino ba?!" "Tangina Kerri! Manahimik ka na!" Napatigil si Kerri, at natakot sa sigaw ni Elias, para hindi siya makitang umiyak ni Elias, ay humiga siya sa kaniyang kama at nagtaklob ng kumot. Walang nagawa ang lalaki, kung hindi ang suyuin ito. Samantalang si Lene ay ilang minuto ng nakatingin sa pader na kaniyang sinulat. Iniba niya ang cost of death na nakalagay, ginawa niyang killed. Tinignan niya ang orasan sa kaniyang relo. Alas dose na ng umaga, puyat nanaman siya, pero hindi siya makakatulog ng maayos kung hindi niya tatapusin ang pag-iimbestiga kay Jazmene, gusto niyang malaman kung kinuha ba ang kaniyang katawan o hindi. Kinuha niya ang flashlight at ang susi ng kaniyang motor. Naglakad siya papunta sa likod ng paaralan at dumeretsyo sa kaniyang motor. Inilagay niya muna ang flashlight sa lagayan ng motor bago siya sumakay at pinaandar ito. Nang makapunta siya sa Death Cementery ay hinanap niya agad ang pangalan ni Jazmene gamit ang flashlight. Nang makita niya ito ay kumuha agad siya ng pala at inumpisahan na itong hinukay. Inabot siya ng ilang minuto sa pghuhukay, hanggang sa mapala niya ang kabaong. Ito na rito niya na malalaman kung nandito ba ang katawan niya. Binuksan niya ang kabaong, hindi niya inakala na wala doon ang katawan. Binalibag niya ang pagsara ng kabaong at nakahawak sa buhok. Bakit wala? Nasaan ang mga katawan ng mga nawawala? s**t! Ibinalik niya ulit ang mga buhangin at umuwi na ulit sa paaralan. Dinagdagan niya ang impormasyon ni Jazmene, nilagay niya ay 'Boby not found'. "Tapos na ang isa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD