Kabanata Dalawampu't Pito

2024 Words
Chapter Twenty-seven: The Secret of Kerriel. Oddete Nuñez. Age: Labinwalong taong gulang. A scholar student Birthday: Pebrero 3, 2004. Cost of death: cardiac arrest. Nailibing sa Death Cementery. Sex: Female. Type of blood: 'A' Religion: Catholic. Pure Pilipino. Parents: Bianca Nuñez at Robin Nuñez. Tinignan ni Lene ang patay na katawan ni Oddete, nakanganga ito at putlang-putla ang buong katawan, nakatirik pati ang mga mata nito. Bakit ganito? Kung cardiac arrest ang ikinamatay ni Oddete bakit ganito ang mukha niya? Nag-iisip ba ang doktor na to? Mali-mali ang pinagsasabi niya. Hindi cardiac arrest ang ikina-matay ni Oddete, dahil pinatay siya ng demonyo. Halata naman na demonyo ang pumatay sa babaeng to. Kinuha niya ang papel at idinikit sa pader, sabay ikinonek sa Pebrero 3, teka. Binalikan ni Lene ang papel at tinignan ang kaarawan ni Oddete. Kaarawan niya noong tumalon siya sa building? "May problema po ba ate?" Hinarap niya ng nakangiti si Grace, masaya si Lene, dahil nakita niya ulit ang bata, wala kasi siyang mapagsasabihan ng problema. "Nandito lang po ako kung kailangan niyo ng kausap." "Paano ko gagawin to ng mag-isa? Lalo na't dalawa ang aking kalaban." "Kasama mo ako, ate, ganyan din ang tinanong sa akin ng iyong ina, kaya hindi ko siya iniwan, kasama niya ako sa kahit anong pagsubok na dumating at tama po kayo, dalawa po ang iyong kalaban, yung isa po ay ang pumapatay sa panaginip, ang pangalawa naman ay pumapatay sa totoong buhay gamit ang katawan ng isang tao. Hindi ko po dapat sinasabi sa iyo ito, pero ibinibigay ko po ang buhay ko sa inyo, para matigil na ang kasamaan na ito." "Anong ibibigay mo ang buhay mo sa akin?" "Wala po iyon," nginitian ng bata si Lene, ayaw sabihin ng bata na kapag sinabi niya ang kaniyang ibang nalalaman ay ipapatapon siya sa impyerno, at pang habang buhay masusunog ang kaniyang kaluluwa doon. Wala kang magagawa kung hindi ang tiisin ang sakit. Ngumiti na rin si Lene sa bata. Nang mawala ang bata, ay humiga na siya sa kaniyang kama. Bukas niya na aasikasuhin si Oddete. Sa ngayon kailangan niya ng magpahinga. Ayaw niya sanang pumasok bukas, dahil ayaw niyang makita ang tatlong magkakaibigan. Nakakahiya na, at ayaw niya ng makipag-away. Ayaw niya ng gulo, pero kailangan niyang pumasok bukas. Ayaw niya namang bumama ang grades niya. Natutulog siya sa klase, dahil alam na niya kung ano ang pinag-aaralan nila. Ayaw niya na itong pakinggan pa. Kinabukasan* Buong gabing nakatunga-nga sa ding-ding si Lene, hindi siya nakatulog ng maayos, hindi niya alam kung bakit, parang meron kasing pumipigil sa kaniya na huwag matulog, para bang may kulang, meron siyang hindi na nagawa. Pero ano naman yun? Ano ang hindi niya ginawa? Para hindi siya malate sa klase, kinuha niya na ang kaniyang towel at pumasok sa banyo, para maligo at magbihis. *** Nagising si Kerri ng masakit ang ulo, naalala niya ang kaniyang nakaraan, nakaraan na palaging bumabangungut sa kaniya. Napatingin siya kay Elias, na natutulog sa kaniyang tabi habang yakap-yakap siya, natatakot siya kay Elias, baka malaman niya ang kaniyang sikreto, sikreto na hindi dapat malaman ng lahat. Lahat ng tao may sikreto, at yung problema ng lahat, mahirap kalimutan at mahirap sabihin. *tok*tok* Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso ni Elias sa kaniyang tiyan, at dahan-dahan ding tumayo sa kama, pagkabukas niya ng pintuan, nakita niyang nakatayo si Miss Rena, ito ang may hawak-hawak na selpon. Kinuha niya ito at inilagay sa kaniyang tenga at naglakad palayo kay Miss Rena. "Hello, Mama?" mahinang sabi ni Kerri. [Ano? Nagsisi kana ba at huwag mo akong tawagin na Mama, wala akong anak na mamamatay tao.] "Mama," nanginig si Kerrix hindi dahil sa takot siya sa kaniyang ina, dahil ipinaalala nanaman ng kaniyang ina ang ginawa niya noon. Gustong-gusto niya ng makalimutan ito pero hindi maalis sa kaniyang isip. [Siguro naman natuto kana sa mga ginawa mo?] "Opo." [Hangga't hindi ka namamatay diyan sa paaralan na iyan hindi kita papatawarin.] "Mama, patawarin niyo na ako, hindi ko yun sinasadya." [Mamamatay tao ka, wala akong anak na pumapatay ng tao.] "Hindi ko po kasalanan yun, pinotektahan ko lang po ang sarili ko, kung hindi po yun ginawa ako ang mamamatay, mama." [Mas mabuti nga na ikaw nalang ang namatay kaysa ang asawa ko, ibalik mo ang asawa ko. Buhay ng asawa ko, kapalit ng buhay mo.] "Mah," nang mamatay ang tawag ay unti-unti nang tumutulo ang kaniyang mga luha. Hindi naman niya kasalanan na nalaglag ito sa hagdanan at na bagok ang ulo. May balak kasi itong masama sa kaniya, kaya kailangan niyang protektahan ang sarili. Ibinigay niya ang selpon kay Miss Rena, sabay deretsyo sa banyo ng kanilang kwarto. Tinignan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Tulo ng tulo ang kaniyang mga luha, hindi niya maintindihan ang kniyang ina, mas mahal nito ang kaniya ama kaysa sa sariling anak. Hindi niya inakala na lalabas ang totoong ugali ng kaniyang ina, napakasama pala nito. Mas gugustuhin niya pang dito nalang sa paaralan kaysa sa bahay nila. Wala naman siyang mapapala roon kung hindi ang mga sermon ng kaniyang ina sa kaniya. Natatakot siya, na baka malaman ng lahat ang kaniyang sikreto, maliban kay Elias at ayaw niyang mangyare iyon. **** "Anak buksan mo ang pintuan," narinig niya ang kaniyang ama na nasa labas ng kaniyang kwarto, sakto naman na gumagawa siya ng kaniyang takdang aralin kaya hindi niya agad ito na buksan. "Buksan mo ang pinto, Kerriel!" Kung kanina, malambing ang pagkakasabi ng kaniyang ama, ngayon ay galit na galit na. Ganyan ang kaniyang ama, walang pasensya sa lahat, palaging galit. "Bubuksan na po papa, teka lang po." Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kaniya ang galit na mukha ng ama. "Hayop ka! Kapag sinabi kong buksan mo! Buksan mo! Hindi mo ba maintindihan!? Dito ka nga!" Lumapit siya sa ama, pero hindi niya inaasahan na hahawakan nito ang kaniyang buhoknat hinila siya palabas ng kwarto. "Papa, aray," angal ni Kerri, hindi niya maitanggal ang kamay ng ama sa kaniyang braso, dahil mas malakas ito kaysa sa kaniya. "Papa masakit po, tanggalin niyo po ang iyong kamay. Tama na po papa." "Ito ang dapat sayo!" Sinampal muna siya, bago siya halikan sa leeg, pinipilit niyang makawala sa mga bisig ng ama, nang magkaron siya ng lakas para itulak, ay ginawa niya na. Pero hindi niya inaasahan ang mga kasunod na nangyare. Nalaglag ang ama sa hagdanan at saktong-sakto ang kaniyang ulo na tumama sa malaking bato. Nakatingin lang siya sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga binti at kamay niya nang siya ay bumaba. "Papa?" Iniharap niya sa kaniya ang ama, nakatingin lang siya sa noo ng ama, dugong-dugo ito. Sinuri niya ang puso at hininga ng ama, pero wala na. Patay na ito. "Anong ginawa mo!? Lumayas ka!" Itinulak siya ng kaniyang ina palayo sa kaniyang ama. Nakatingin lang ang dalaga sa ama, habang ang kaniyang ina ay natataranta na, hindi alam ang gagawin. "Pinatay mo ang ama mo! Pagkatapos ka naming pakainin, bihisan, at pag-aralin sa mamahaling paaralan, ganito lang ang ibabalik mo sa amin!?" Galit na galit ang ina sa kaniya, sinampal na siya ng paulit-ulit, pero nakatitig parin siya sa kaniyang ama, para bang may magnet ang mga mata niya sa ama. "Alam mo ba ang ginawa mo!? Pinatay mo ang asawa ko!" Doon lang sumagi sa kaniyang isip na pinatay niya ang kaniyang ama. "Hindi," mahinang sabi ni Kerri. Hindi niya naramdaman ang mga luha na tumulo sa kaniyang mga mata, dahil sa labis na panginginig at pagkatakot. Makukulong ba siya? Pang habang buhay ba siya sa kulungan? Ano na ang mangyayare sa kaniya? "Walanghiya ka! Wala ka ng ginawa sa pamilyang ito kung hindi ang magdala ng mga malas! Buhayin mo ang asawa ko!" Nang tumigil ang ina sa kakatalak at kakasampal sa kaniya, tumakbo na siya papunta sa kwarto niya at doon siya nagkulong. Hinugasan niya ang mga kamay niya na punong-puno ng dugo ng kaniyang ama. *** Hindi naman niya sinasadya ang mga nangyare noon. Hindi niya kasalanan yun! Hindi siya ikinulong dahil ito ay hindi pa minor, kaya napagdisisyonan ng kaniyang ina na ipatapon siya sa paaralan na ito. Ang paaralan kung saan siya unti-unting mamamatay, pero masaya siya kasi rito niya nakilala si Elias. Ang lalaking mahal na mahal niya. "Kerri? Nandito ka ba?" "Elias? Oo lalabas na rin ako, naghilamos lang ako," naghilamos muna siya at nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. "Umiiyak ka nanaman, huwag mo ng alalahin ang nakaraan mo, ang halaga ay masaya tayo, nakaraan na iyon wala ka ng magagawa kung hindi ang kalimutan iyon," tumungo siya kay Elias at niyakap ito ng mahigpit. Buti nalang nasa tabi niya si Elias, kung wala ito matagal na siyang nagpalamon sa depression at nagpakamatay na siya. Oo alam ni Elias ang sikreto ni Kerri, silang dalawa lamang ang nakakaalam nito, wala ng iba. Pagkapasok ni Lene sa silid aralan, lahat ng estudyante ay nakatingin sa kaniya, pati sila Elias na nasa dulo. "Bakit ka late, Miss Dixon?" tinignan niya si Ma'am Hazel ng walang emosyon. "Nasobrahan sa tulog," kahit hindi naman, halatang-halata sa kaniyang mga mata na kulang siya sa tulog. Sigurado siya na hindi siya makakapagconcentrate sa pakikinig. "Sa itsurang iyan, siguraduhin mo lang na makikinig ka sa akin klase, dahil ayaw na ayaw ko na may natutulog sa harapan ko, maliwanag ba?" tinunguhan niya ang guro, sabay umupo na sa kaniyang upuan. "Tayo ay magpapatuloy na--," Pinipilit ni Lene na hindi makatulog, ang kaniyang mga mata ay pasara na ng biglang sumigaw ang kanilang guro. Kaya napatingin siya roon. Nakita niya ang kaniyang guro na nakatingin sa kaniya na nakataas ang kilay. "Sobra sa tulog? Miss Dixon? Kung sobra ang iyong tulog, bakit pumipikit iyang mga mata mo?" Inasar niya ang guro gamit ang kaniyang ngiti at hindi ito sinagot, kaya inirapan siya nito. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ng guro, wala siyang oras para makipaglokohan dito. "Bukas ng umaga, magaganap ang inyong unang pagsusulit," tinignan siya ng guro ay nag-umpisa ulit magsalita. "Kaya kung sino ang hindi nakapasa sa aking klase ay makakatanggap ng matinding parusa. Parusa na malalaman niyo lang kapag hindi kayo nakapasa," kailangan ba talaga habang nagsasalita siya nakatingin kay Lene? Ano nanaman ba ang problema sa kaniya ng guro? "Kaya mag-aral kayo ng mabuti, tama ba ako, Miss Dixon?" Hindi niya sinagot ang guro, tinitigan niya lang ito, na parang sinasabi niya na wala siyang pake sa mga sinasabi ng guro. Totoo naman wala naman talaga siyang pake. Kahit pinakamahirap pa na ipasagot sa kaniya bukas, ay wala siyang pake. "Hindi naman iyan nag-aaral." "Tamad kasi mag-aral." "Buti nga sa kaniya." "Hula ko hindi makakapasa yan bukas. Halos puro tulog lang naman ang ginawa ng babaeng iyan sa klase ni Ma'am Hazel." Narinig niya nanaman ang tatlong babar na pinatulan siya noon sa cafeteria. Pasalamat sila nasa klase sila, kung nasa lugar na walang tao silang apat, pinatulan niya na ito. Hindi lang sampal at sabunot ang matatanggap nila, pati sipa at suntok. Tumingin siya sa tatlong babae na nakatingin sa kaniya, nagulat ang tatlo, kaya siya napangisi. "Pataasan ng puntos?" tinaasan siya ng mga kilay ng mga babae. "Bakit? Takot? Hindi ko alam na may kinakatakutan paa kayo, pweo huwag kayong nag-alala, bababaan ko lang ang puntos ko." "Wala akong pake sa puntos mo at bakit kami matatakot? Sino kaba?" sabi ng babae na nasa gitna. "Sino nga ba naman ako? Isa lang naman akong babae na natutulog sa klase," biro ni Lene sa tatlo. Hindi pa nila kilala si Lene tapos sinasabihan agad ng kung ano-ano? Matuto silang huwag mangielam sa buhay ng ibang tao. "Tignan nalang natin bukas, kung sino ang babagsak," sabi ni Lene sa kaniyang isip, at humarap na sa kanilang guro na nagtuturo. Hindi pa kayo titigil ahh. Siguro naman bukas titigil na kayo, dahil kapag naubos pasensya ni Lene, sunog sa impyerno ang kanilang mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD