Chapter 1
Tinititigan ni Amirah ang anak na mahimbing ang tulog habang hinahaplos ang buhok nito.
''Napakaganda mo''
bulong niya rito kasabay ng pagsungaw ng mga luha sa kanyang mata.
Pitong taon na si Rain, at natatakot siya na habang lumalaki ang anak ay hanapin nito sa kanya ang ama na hindi niya ipinakilala. Matalino ang anak niya at tiyak na ilang panahon nalang ay maguusisa na ito patungkol sa ama at iyon ang ikinakatakot niya.
Aminado siyang itinago niya si Rain kay Rainer dahil malaki ang agwat ng estado ng kanilang pamumuhay. Naninilbihan siya bilang katulong sa mga Salvador habang nag-aaral at matagal na siyang may lihim na paghanga sa binata.
Nagkaruon sila ng pagkakaunawaan at naging magkasintahan. Ngunit ng sinabi niya rito ang tungkol sa pagbubuntis niya nuon kay Rain ay tila naestatwa lamang ang binata at hindi nakakibo na siyang dahilan ng pag-alis niya sa mansyon ng mga Salvador dahil iniisip niyang hindi handa ang lalaki para panagutan siya.
Limang buwan ang kanyang dinadala ng mapadpad siya sa maynila para duon magsimula.
Sa isang restaurant siya nagtrabaho bilang waitress at ayos lang sakanya dahil magaan lang naman ang kanyang trabaho dahil hindi niya inilihim sa mga kasamahan niya at sa may ari ng restaurant ang kalagayan niya.
Nakapagipon siya ng kaunti bago ang kanyang panganganak. Pero sadya yatang mabait sakanya ang tadhana dahil habang pauwe siya isang araw sa kanyang apartment ay may nadaanan siyang lotto outlet, dahil wala naman siyang mapaglibangan naisip niya nalang din tumaya, at dito nga nabago ng tuluyan ang kanyang buhay.
"Mommy!" ang boses ng anak nagpabalik sa
pagala-ala niya sa nakaraan. "Yes baby?"sagot niya sa anak habang hinahaplos ang mukha nito. "Mommy family day po namin bukas sa school, sabi po ng sir. namin isama daw po namin ang Mommy at Daddy namin sa school."
Ang nakangiting sambit ng kanyang anak sabay yakap sa leeg niya.
Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito at kinabahan. Paano kung hanapan siya ng anak ng Daddy na hindi niya naman kayang ibigay?
"Diyos ko! Dumating na ba ang kinakatakutan ko?" Ang bulong niya sabay yakap ng mahigpit sa anak.
"Okay baby, sasama sayo si Mommy okay ba yun?'
Sabi nalang niya sa anak para hindi na madagdagan ang sasabihin nito. Piping nagdasal siya na sana hindi mag-usisa ito tungkol sa "Daddy" na dapat din daw isama na ayon sa guro nito.
Nag-aaral sa Grade 3 na ang anak at sa isang private school niya ito ipina-enroll sa yaya na nakuha niya mula sa isang mapagkakatiwalaang agency. Hindi niya ito nasamahan nuong nagpa-enroll ang anak dahil sumakto namang may emergency sa coffee shop niya dahil sa pag-eeskandalo ng isang costumer at sinampal pa ang isa sa mga crew niya.
May tiwala naman siya kay Letty ang yaya ni Rain ,dahil mula nung nanganak siya ay ito na ang kasa-kasama niya.
Nuong nanalo siya ng sampung milyon sa lotto na tinayaan niya ay hindi niya alam ang gagawin sa sobrang tuwa niya dahil alam niyang magiging maganda na ang kinabukasan ng anak niya.
Ginamit niya ang napanalunan para makapagsimula ng negosyo at Coffee Shop nga ang naisip niya dahil nakapag-aral naman siya sa kolehiyo ng isang taon at pangarap niya talaga nuon pa ang magkaruon ng sariling Negosyo.
Nakapagpatayo din siya ng Sarili niyang bahay at ipinagpatuloy ang pag-aaral pagkapanganak niya kay Rain. Nuong matapos siya sa college ay tinutukan niya ng maigi ang negosyo kaya lumago pa ito.
May mga nag-franchise nadin at masayang masaya siya dahil tuloy tuloy na nga ang pag-unlad ng buhay niya. Itinuring niyang swerte ang anak niya dahil magmula ng dumating ito sa buhay niya ay umalwan ang pamumuhay niya.
Mahal na mahal niya ito higit pa sa buhay niya ,kaya gagawin niya ang lahat para dito.
Nakita niyang nakatulog na ang anak sa mga bisig niya kaya dahan dahan niya itong inihiga sa kama.
Siguradong napagod ang anak sa school at sa paglalaro kaya hindi niya nalang din ito kinulit kagaya ng dati.
Tinabihan niya nalang ang anak sa paghiga at ipinikit niya na ang mata at nakatulog na.
Gumising siya ng maaga para siya na mismo ang magluto ng almusal ng anak.
Pagkapaligo ni Letty kay Rain ay sabay sabay na silang tatlo na nag-almusal, nakapangako na siya sa anak na sasama siya sa school nito kaya nakapagbihis na din naman siya.
"Mommy ,alam mo ba sabi ni sir. Rain pareho daw kami ng eyes pareho daw brown and big yung eyes namin".
Pagkukwento ng anak habang kumakain sila. Napatingin siya dito at natigil ang pagsubo niya.
"Rain ang name ng T- teacher mo baby?" Tanong niya dito. Piping dalangin niya na sana ay kapangalan lang ng lalaking matagal ng iniiwasan.
"Yes Mommy! sobrang bait nga po niya eh and I like him po kasi parang Daddy ko na daw po siya, same pa po kami ng name." sambit ng walang kamuwang muwang niyang anak.
Habang sakay ng kotse papunta sa school ng anak ay panay pa rin ang dalangin niya na sana magkaiba ang Teacher Rain na binabanggit ng anak at ang Rain na tinataguan niya.
Kung bakit ba naman kasi naisipan niya pang isunod ang pangalan ng anak sa Ama nito.
Nasapo nalang niya ang ulo dahil kumikirot na ito kakaisip sa pagkikita nila ng guro ng anak.
Pagkababa ng sasakyan ay nagmamadaling tumakbo si Rain papasok sa gate ng school. Napasunod nalang siya sa anak. Halatang excited ito dahil sa family day nila.
Amirah!?"
"Mommy!"
Magkasabay na tawag sakanya ng anak at ni Rainer.
Gustong gusto na ni Amirah na lamunin siya ng lupa ng mga sandaling iyo.
Dumating na ang kinakatakutan niya. Tiyak niyang hindi na niya maitatago pa ang anak sa lalaki.
Tiim bagang siyang tinitigan ni Rainer. Para bang inuusig siya.
Pagkatapos ay titingin sa katabing bata na walang kamalay malay na mag-ama sila.
"You have to explain everything!" Galit na saad nito sa kanya.
"Teacher Rain, You know my Mommy po?"
Tanong ng napakainosenteng anak niya.
Nilakasan niya ang luob at nakipagtitigan sa lalaking pinakahuling gusto niyang makita. Hinila ang anak palapit sa kanya.
"Come to my office! We need to talk." Sambit nito bago masuyong binalingan ang anak. Hinawakan niya ito sa pisngi.
Napapikit siya ng mariin at may sumungaw na luha sa mga mata niya. Ngunit pinigil niya ang pag-iyak.
" Rain, you can play with your Classmates muna. I wanted to talk to your Mommy. I have something to tell her, Ok lang ba yun?"
"Okay Teacher Rain." Ngiting sagot ng anak niya. Tumakbo na ito palayo sa kanila kasunod ang yaya.
"Bitawan mo ako ano ba!" Sigaw niya rito ng makapasok sa opisina ng lalaki. Malakas ang luob niya na sigawan ito dahil alam niyang soundproof ang office nito. Kilala niya ito dahil kahit nuon pa man ay gustong gusto nito na soundproof ang mga opisina kahit ang office nito sa bahay nila ay ganun din.
Pero hindi nakinig sa kanya ang binata bagkus ay inihiga siya nito sa isang couch at dinaganan. Niyakap siya ng mahigpit at hindi na siya nakawala.
Nagulat siya dahil basa ang leeg niya at humihikbi ito. Nagtataka man ay hindi nagpahalata si Amirah. Ngunit dahan dahan siyang bumangon ng naramdaman niyang hindi na ganun kahigpit ang yakap ng binata. Tinitigan niya ito ngunit umiwas lang si Rainier.