bc

The Billionaire's Secretary

book_age18+
13.4K
FOLLOW
76.4K
READ
billionaire
love-triangle
confident
comedy
bxg
female lead
city
first love
virgin
office lady
like
intro-logo
Blurb

Limang taon nang nagtatrabaho si Clara sa kompanya na pag-aari ni Levi Lopez. Sa limang taon na iyon ay napatayuan na nya ng sariling bahay ang kanyang ina at napagtapos na rin nya ng pag-aaral ang mga kapatid.

Kapalit naman ng pagsisilbi sa mga magulang ay ang kawalan ng oras para sa sarili. Ni hindi pa nito nararanasang magkaroon ng nobyo dahil na rin sa sobrang pagtatrabaho nya.

Nang minsang pumasok sya sa kompanya ay makilala nya ang isang binata na magpapabago ng takbo ng kaniyang buhay. Ngunit hindi nito aakalain na ito rin pala ang dahilan para maranasan nya ang sakit ng pagmamahal.

Sa muling pagsubok umibig ay pipiliin nya si Mr. Lopez ngunit muling magbabalik ang kanyang dating minahal.

Paanong guguluhin ng tadhana ang buhay nilang tatlo? Makakaya nga ba nya ang pagbabago sa relasyon na iniingatan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Argh! Ayoko na magtrabaho!" Malakas na sigaw ko at saka pabagsak na inilapag ang mga papel na hanggang ngayon inaayos ko pa rin. Alas-tres na ng madaling araw at napakarami ko pa ring ginagawa. Ni hindi na ata ako kilala ng kama ko. Lumingon ako sa aking bintana upang magrelax sandali. Secretary lang naman ako pero bakit pakiramdam ko ako na ang may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko? Tinanggal ko ang aking reading glass at saka nag-unat. Inaantok na talaga ako pero kailangan kong tapusin ang mga papeles na ito dahil kung hindi paniguradong mayayare ako. "If I don't see those papers on my table tomorrow, you're fired." Napailing ako nang muling maalala ang sinabi ni Sir kahapon sa telepono. Lumapit ako sa table at saka nagsimulang muli sa trabaho. Hindi ako papakainin ng pagiging tamad ko. Tumango ako at muling binuklat ang mga papel. Hindi pa man ako nakakatapos sa unang pahina ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. "Coffee. Yeah I need coffee." Saad ko at tumayo para pumunta sa kusina't magtimpla ng kape. 4:45 AM October 31, 2020 Gusto kong maiyak nang makita ang oras. Hindi nanaman ako nakatulog ngayong araw. Nakasimangot na tumuloy ako sa kusina upang ipaghanda ang sarili ng kape. Nang lumiwanag ay hindi na ako nagtangkang magbasa ng buhok. Tanging katawan ko na lamang ang niliguan ko dahil ayoko pang mamatay. "Good morning my love!" Napangiwi ako nang marinig ang pagbati ni Clint, ang katrabaho ko na matagal nang nanliligaw sa akin. Kinawayan ko lamang ito at sinenyasan na magtuloy na sa kanyang table dahil paniguradong lalapitan nanaman ako ng taong yon pag hindi mo agad sinabihan. Napakakulit pati nya. "Morning Cl-----OMG!" Napabulalas si Wendy nang makita ang mga mata ko. Antok na antok ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakalaglag ang dalawang balikat ko. Nagmamadali syang lumapit sa akin at saka sinapo ang aking noo upang tignan kung may sakit nga ba ako. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at saka tignan ang magkabilang mata ko. "Sis ang eyebags mo nagsusuntukan!" Sigaw nya at saka inabot ang salamin sa akin. Kahit ata hindi ko na tignan ang sarili ko sa salamin ay alam ko na kung gaano kagalit ang mga eyebags ko sa isa't-isa. Napayuko ako habang sinasabunutan ang sarili dahil ngayon ay nararamdaman ko nanaman ang antok na lumalamon sa akin at parang hinihila ako sa kadiliman. "Hindi ka na talaga magkakajowa nyan pag ganyan lagi ang itsura mo." Saka nya binitawan ang mukha ko. Nakakaawang tumingin naman ako sa kanya at tumango-tango pa ito ng ilang ulit. Parang sinisigurado na talagang hindi na ako makakahanap ng jowa pag nagpatuloy na ganito lagi ang itsura ko. "Magresign na kaya ako?" Suhestiyon ko matapos marealize na baka magkatotoo ang sinasabi nya. Syempre gusto ko magkaasawa no. Gusto kong maranasan yung pleasure na ginagawa ng mag-asawa. At pinaka-importante ay iyong magkaanak. Gusto kong magkaroon ng papaluin sa tuwing mang-iistorbo sa bebe time namin ng tatay nya. Charot. Gusto kong magkaanak at maramdaman yung pakiramdam na kakaiba tuwing titignan ko ang anak at asawa ko na magkasama. Naibalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagpitik ni Wendy sa noo ko. Napahawak ako roon dahil medyo malakas ang ginawa nya. "Gaga! Paano ang pamilya mo ha?!" Napaisip ako dahil sa sinabi nyang iyon. Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko dahil wala na kaming tatay na tutustos sa pangangailangan nila. Isang dahilan rin kung bakit ako nagtitiis sa kompanyang ito ay dahil na rin sa mga kapatid ko at sa pamilya ng kapatid ko. Wala akong maipapakain sa kanila pag hindi ako nagtiis. Hindi makakapag-aral ang mga pamangkin ko kapag umalis ako sa trabaho ko. Swerte na ngang binilhan ng amo ko ng bahay ang pamilya ko bilang regalo daw dahil matagal na ako sa kanya at mahal na mahal ko ang trabaho ko. Kung alam nya lang kung paano ko syang isumpa. Baka pati condo at kotse na binili nya para sa akin ay bawiin nya. "Tawag ka ni Sir!" Sigaw ni Wendy habang nakaturo pa sa intercom na nasa lamesa ko. Biglang nawala ang antok ko nang makita iyon. Agad akong tumayo at nag-ayos ng buhok. Sinuot ko ang pinakapekeng ngiti na meron ako dahil baka bigla nanaman syang topakin at planuhin nanaman na ipadala ako sa ibang branch ng kompanya na mas malayo sa bahay ko. Isang malakas na hikab pa ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng silid. Halos mapaatras ako nang makita ko na kahalikan nito ang isang babaeng halos ibenta na ang sarili sa lalaking kaharap nya ngayon. "Ehem." Masamang tumingin sa akin si Mila dahil sa naputol na ginagawa. Iyon yong isa sa manager ng mall na nangungumbinsi kay Mr. Levi na mag-invest. "Don't you know how to knock?!" Galit na sigaw ni Ms. Mila sa akin nang ialis sya sa kandungan ng aking amo. Tinapunan ko lamang ito ng masamang tingin na talagang nakapagpausok ng ilong at tainga nya. Malandi. Sa pagkakatanda ko parang lahat yata ng mga CEO ng company na kinukumbinsi nya ay naikakama sya. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang maiksi nitong palda ay halos pumutok na. Parang kaunting angat na lang ay makikita na ang pisngi ng pwet nya. Ang polo nya ay napakahapit sa katawan. Bukas ang tatlong butones na nasa ibabaw at lumuluwa ang ibabaw na parte ng kanyang dibdib. Akala mo hindi mataas ang posisyon sa isang mall. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinasabi ng iba na hindi bagay sa kanya ang posisyon. No wonder. "What are you looking at?!" Sigaw nito at saka hinawakan ang ibabang parte ng dibdib nya upang iangat ito. Nakita ko pa ang marahang pagtalbog ng mga yon kaya naman agad akong napatingin sa dibdib ko. Wala man lang sa kalahati ang mga king ina. Nakangisi na ito nang ibalik ko ang paningin sa kanya kaya naman inismiran ko sya at naglakad palapit sa table ni Mr. Levi. "What's my schedule?" Tanong ni Sir na nasa pwet ni Mila ang tingin. Napakamanyakis talaga ng lalaking to. Pang-ilang babae na 'to ngayong buwan ha? Napapagod na akong magtapal ng pera sa mukha ng mga reporters na madalas makakita sa kanya na may kahalikan. "You have a scheduled meeting with Mr. Clarence at 10:00 am and on 3:00 with Mr. Collins. And also you have to visit the site." Sadya kong pinutol ang aking sasabihin nang makitang nakasilip na si Mila sa tablet na hawak ko. Agad ko itong tinignan kaya naman nagkunwari itong sa iba nakatingin habang sumisipol pang lumayo sa akin. Masamang tingin ang ibinato ko kay Mr. Levi dahil sa inasta ng kalandian nya. Oo. Kalandian dahil hindi naman yata marunong magmahal ang isang 'to. Panay s*x lang ata ang habol sa mga babae. At wag ka, bukod sa hobby ang s*x, isa pang hobby nya ay ang pananakit ng mga tauhan nya ng walang dahilan. Hindi ko alam kung trip nya lang ba o talagang may pagka-psycho ang taong 'to. Malas ng mapapangasawa nya. "You may leave first." Saad ni Mr. Lopez. Agad namang tumakbo palapit si Mila sa kanya at saka umupo sa kandungan nito. Sinenyasan pa ako ng babaeng' to na umalis na pero hindi nya yata alam kung sino ang tinutukoy ng lalaking inuupuan nya dahil busy sya kanina sa paglilibot sa office. Mahina akong napatawa nang makita syang nakaupo sa sahig. Masama ang tingin nya kay Mr. Levi dahil sa ginawang pagtulak nito sa kanya na naging dahilan para mahulog sya. Wala talagang awa sa iba tong lalaking to. Maski babae ay hindi nya pinapatawad. Tinapunan nya ako ng tingin at saka nakangiting tumayo. Hahalik pa sana syang muli sa amo ko nang itulak sya nito at muling matumba sa sahig. Inis itong tumayo at dinampot ang bag nya sa lamesa. Hindi na sya nag abalang ibutones ang damit nya at lumabas ng pinto. Lumingon pa muna ito bago pabagsak nyang isinara ang pinto. "Continue." Hindi na sya nakatingin sa akin nang muling magsalita. Imbis na usisain pa kung ano ang tinitignan nya ay tinapos ko na lang ang pagsasabi ng schedule nya ngyong araw. Bago pa man ako tumalikod ay napatingin ako sa mga papeles na tinapos ko magdamag kagabi. Hindi man lang ito nagalaw at mukhang hindi pa talaga nabubuksan. "Next week pa kailangan yan." Saad nya nang mapansin na nakatitig ako roon. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Halos mabingi sa pagpaulit-ulit ng sinabi nya sa aking utak. “Next week? Pero minadali mo akong tapusin yan?!” Inis na tanong ko pero nginitian nya lamang ako. Inis akong lumabas ng office na iyon. Halos gusto kong bumalik sa loob para batuhin sya ng figurine na nasa lamesa ko. Punyeta! Next week? Tapos ang sabi nya kailangan yon ngayon kaya dapat tapusin ko agad? Ha! Siraulo talaga sya! Wala na sya sa matinong pag-iisip! Kailangan na syang dalhin sa mental! Punyeta! Pabagsak kong ibinaba ang tablet na hawak ko saka inis na umupo. Agad namang lumapit si Clint sa akin nang makita na nakaupo na ako. Para itong tutang nakangiti sa aking harapan. "Wag ngayon at wala ako sa mood." Saad ko nang magtangka syang ibuka ang kanyang bibig. Wala naman itong nagawa at kusa na lamang umalis nang makumpirma na badtrip nga akong talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
717.6K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Married to a Cold Billionaire

read
130.8K
bc

My Son's Father

read
590.0K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
713.9K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook