"Natawagan mo na ba?" Tanong ni Yvette habang nagmamaneho. Sinundo nya ako sa bahay dahil baka mahirapan daw akong magdrive dahil sa lagay ko. Panay ang pagpapalusot namin sa mga bodyguard ko dahil wala pa akong plano na ipaalam sa mga yon ang pagbubuntis ko dahil paniguradong sila pa ang mauunang magbalita kay Levi. "Hindi pa. Baka busy pa eh." Sagot ko. Mula pa man kagabi ay hindi ko pa tumatawag o nagtetext si Levi sa akin. Mukhang kaysa nitong mga nagdaang linggo ay mas lalo syang naging abala sa kanyang inaasikaso. "Mamaya mo na lang tawagan." "Oo. Paniguadong matutuwa yon." Saad ko, hinimas ko ang aking tyan saka nakangiti iyong sinulyapan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagdadalang tao ako. Kung masaya ako, ano pa kaya si Levi? Hindi pa man nya nalalam

