"What brought you here?" Tanong ni Levi sa pinsan nya. Nang ilapag ni Mama ang juice sa lamesa ay agad din itong nagpaalam na maghahain na ng pagkain sa lamesa. "You came unannounced. Kung alam ko lang na darating ka, ako sana ang nagsundo sa'yo sa airport." Kaswal na salita ni Levi saka kinuha ang juice at uminom. Hindi ko alam kung paano nya nagagawang kumalma habang mamatay na ako sa kaba rito. Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako. "My plan is to surprise you," saad nya. Nang mag-angat ako ay nasa akin na ang paningin nya. Nagtataka ko tuloy itinuro ang sarili ko kahit nahulaan ko na ang bagay na iyon habang nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Tumango sya saka ngumiti. "Little did I know na ako pala ang masusurpresa." Dagdag nya saka nagbaba ng tingin. Ramdam ko ang lun

