Chapter 46

1439 Words

Nagising ako kinabukasan nang maaga sa kinasanayan. Nakangiting nilingon ko si Levi na hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog sa aking tabi. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang maramdaman ang isang bilog na bagay na kumukulong sa aking palasingsingan. Ang katotohanang magiging asawa ko isang araw ang lalaking ito ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Parang kailan lang ay isa ako sa nagbabakasakali na mapasok ang kompanyang Nexus na matunog ang pangalan. Parang kailan lang ay ginusto kong umalis sa trabaho at parang kailan lang nang hindi ko pa matanggap na may gusto sa akin ang amo ko. Pinasadahan ko ng aking daliri ang bawat parte ng kanyang mukha, simula sa makapal nyang kilay hanggang sa perpektong labi nya. "Mahal na mahal kita, Levi." Sinabi ko iyon sa paraan na hindi nya pa naririnig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD