Hindi ko alam kung paanong matatagalan ang tingin ng mga tao sa amin nang makapasok kami sa venue. Ang paghanga sa mga mata nila ay hindi nakaligtas sa paningin ko, hindi ko matukoy kung dahil ng aba iyon kay Levi o sa akin na ngayon ay mas nagmukhang tao. Nakasukbit ang kamay ko sa braso ni Levi habang naglalakad papunta sa gitna ng lugar. "Mr. Lopez!" Inalis ko ang aking kamay saka tumayo sa likuran ni Levi nang salubungin sya ng isang hindi katandaan na lalaki. Ang kulubot sa mukha nya ay parang disenyo na nakadaragdag sa kagwapuhan nya. Ang dark blue nyang suit ay mukhang galing pa sa Europa at talagang ipinasadya para sa okasyon na ito. Kumuha pa muna ito ng wine sa waiter na naglalakad bago tuluyang lumapit sa amin. Nang sulyapan nya ako ay matipid akong ngumiti saka yumu

