Chapter 9
Present...
TINAPOS KO NA ANG aking pagkain at ibinaon na lamang sa limot ang nakaraan. Limang taon na ang nakakaraan at sariwang-sariwa parin sa aking ala-ala ang magandang mukha ni Pea. Kahit na kailan hindi ko siya nakalimutan. Patuloy parin siyang tumatakbo sa isip ko at maging sa puso ko.
Napangisi ako nang nakakaasar. Natupad ko na rin ang pangako ko na magpapakabait rito. Pero damn! Hindi ko naman iyon natupad. Nanloko parin ako, nambabae, at mas lalong naging bulakbol. Pero tinupad ko naman kahit kaunti. Sadyang sa ugali ko na siguro ang ganoong hobby.
I missed her. I always miss her. Sa oras, bawat segundo at minuto, gusto kong liparin ang Batangas masilayan lang siya at mayakap muli ng aking mga bisig. Pero hindi pwede...nakalimutan na niya ako. Baka ang mas malala pa hindi na niya ako kilala.
She was only 13 years old, when I left her. At limang taon na ang nakakalipas, at sa susunod na buwan maglalabing walong taon na siya. Imposibleng matandaan niya pa ako.
At baka nga may nobyo na siya. Hindi iyon maiwasan. Bata pa ang isipan niya nang mga oras na iyong pinangako ko siya. Maging siguro ang mga iyon nakalimutan na niya.
Kung baga ibaon na lamang sa limot ang mga ala-ala naming dalawa. Maging ang pagmamahal ko sa kaniya.
Tinungga ko nang sunod-sunod ang alak na laman ng baso kong hawak-hawak. Sa ganoon akong sitwasyon nang abutan ako ng aking kapatid na si Promil.
"Kuya...may naghahanap sa 'yo, si Colonel Suarez daw."
Inilapag ko ang aking baso sa counter bar ng bahay namin. Tumayo ako at binalingan ang kapatid ko. Kunot noo ko itong tinanong, "bakit daw?"
Kumibit balikat ito bago ako sinagot, "hindi ko alam. Mukhang pribado ang sasabihin sa 'yo. Naghihintay siya sa salas."
Tumango ako saka tinapik ang balikat ng kapatid ko, "salamat dude."
Sabay na kaming lumabas ng bar counter ni Promil saka tumungo sa salas. Sumalubong agad sa akin si Colonel Suarez. Naka uniporme pa ito ng Philippine Army. Agad akong nagpugay kamay rito. Ganoon rin ang ginawa nito sa akin.
"Maiwan ko muna kayo, Kuya, Sir."
Tumango kaming dalawa kay Promil agad namang tumalima papaalis ang aking kapatid. Nang kaming dalawa na ang naiwan nito ay agad ko itong hinarap.
"Sir, naparito ka. May kailangan ka bang ipagawa sa akin?" Agad na tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa sofa at ganoon rin siya. Seryoso ang mukha nito. Well, kailan pa hindi naging seryoso ang mukha nito sa tuwing kaharap namin?
"I am here to personally tell you that we having a mission in Batangas next month."
Napatayo ako sa sinabi nito. "Next month? Sa Batangas?"
What a coincendents! Sa dinarami-raming lugar rito sa Pilipinas, bakit sa Batangas pa?
"Yes, Mr. Monteneille. Doon ang sunod na target ng mga NPA. Kailangan natin silang maunahan bago pa nila mapinsala ang mga mamayan sa Batangas."
Bakit kailangan pa sa lugar ng babaeng mahal ko? Now, nasa panganib na naman ang buhay niya. At kailangan ko siyang iligtas sa nagbabantang panganib na parating sa kaniyang buhay. At maging sa mga mamayan ng Batangas.
"Kailan ang simula ng mission natin? Kailangan magplano tayo, bago lumusob. At hindi ulit maulit ang eksena noon sa Mindanao. Kailangan na nating maunahan ngayon ang mga NPA. Isang linggo na lamang bago ang next month. Mas mabuti siguro kung sa susunod na makalawa nandoon na tayo, para masiguro ang kaligtasan ng mga mamayan ng Batangas."
Nakita kong napangisi ang matanda dahil sa aking sinabi. Iiling-iling ito habang mataman na nakikinig sa sinabi ko.
Tumayo ito na may ngisi sa mga labi. "You already making a plan, Mr. Monteneille. At wala na akong magagawa pa roon, lalo na at ang isang Lieutenant Milo Moneneille ang nagplano."
Napatawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. "Well, that is how Milo Monteneille make a move, Sir."
"And that is the way to be a colonel lieutenant, someday," seryoso nitong dugtong.
Napangisi ako, "well see through it, Sir. Not now. But, yes, maybe someday."
"Then, if that's the plan of yours, we'll see tomorrow at the headquarters. Pag-uusapan natin ang buong plano, kasama ang mga kasamahan natin sa paglusob roon."
"Yes, Sir!"
Pagkatapos ko siyang salutan ay tumalikod na ito sa akin. Naiwan akong nakatayo sa salas namin habang malalim ang iniisip.
Oras na ba para magkita kaming dalawa ulit ni Pea? Pagkatapos ng limang taon?
Handa na ba akong harapin siya? Hindi kaya ako matotorpe 'pag kaharap ko na siya? Punyeta naman Milo! Naduduwag ka na naman. Walang army na duwag, pero pagdating kay Pea, meron. Ikaw Milo, ikaw. Bulong ng isip ko.
Huminga na lamang ako nang malalim saka napahilot sa sintido ko. This is going to be a long day and long mission for me. Sana. Sana maging tagumpay kami sa misyong ito. Sana walang mapahamak na mga inosenteng mamamayan ng Batangas. Sana wala.
GINANAP NANG MAAGA ang meeting sa headquarters at isa ako sa nag-conduct ng plano at meeting ng araw na iyon. Wala namang naging problema at okay naman lahat sa mga kasamahan ko ang takbo ng plano. Bagamat kahit na delikado ang naisip kong plano ay hindi naman sila umatras at tumanggi.
"That's all, any further questions about the plan?" Pagpipinal kong litanya sa lahat ng pinag-usapan namin.
Wala namang nagtaas ng kamay para magtanong, so I considered it na okay na sa kanila ang plano at ang pag-alis namin bukas papuntang Batangas.
"So that's all. You have to go now, where do you want to go."
Inayos ko na ang aking mga gamit sa mesa. Saka inilagay iyon sa bag kong dala. Lumapit ang isang kasamahan ko sa akin si Plantam. Isa sa mga inaasahan kong kasamahan pagdating sa pagkikipaglaban.
"Brad, where do you want to go now? Bago tayo umalis bukas? Hang-out?"
Umiling ako, "no, brad. Magaayos pa ako ng mga gamit ko at mga kakailangan sa pag-alis natin bukas."
Tumawa ito nang malutong, "brad!? Seriously? Ngayon ka lang tumangi sa pag-aanyaya ko sa 'yo, for sure maraming chicks na naghihintay sa 'yo. Sayang sila kapag palampasin mo lang. Ligaya muna, bago tayo sumabak bukas sa misyon natin, pampa-good luck bâ."
Pagdating talaga sa chicks matinik itong si Plantam. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang naikama nito. Mas sobra pa yata siya sa akin.
"Yes, brad. Seryoso ako, kaya good bye na, at may kailangan pa akong gawin."
Tinapik-tapik nito ang aking balikat, "sige, brad. Mukhang hindi ka na nga talaga mapilit."
Lumabas na ito ng headquarters kasama ang mga kasama namin. Nagpugay kamay naman ang iba sa akin, bago sila lumabas nang tuluyan. Naiwan akong mag-isa sa loob.
Napahinga ako nang malalim. Naalala ko na naman si Pea.
"So, this is going to be a long trip, Mr. Lieutenant Monteneille."
Biglang pumasok sa loob si Colonel Suarez, dala na nito ang kaniyang backpack. Mukhang naayos na niya ang gamit niya.
"Sir..." tawag ko sa kaniya. Akmang sasalute sana ako sa kaniya pero ikinumpas niya ang kamay niyang huwag ko nang gawin iyon.
"No need to do it, you are going to be a Colonel. Ikaw ang papalit sa akin kapag mag-resign na ako."
"Sir..."
Ngumiti ito at tinapik ang aking balikat, "matanda na ako, Milo. At kapag dumating ang araw na mag-resign na ako. Ikaw ang ipopromote ko sa mga matataas na ipalit sa akin. Hindi dahil na isa ka sa mga kilala at may dugong Monteneille. Kundi dahil sa nakikita kong pursigido at mahal mo ang tungkulin mo, bilang isang Philippine Army ng bansa nating Pilipinas. Nakikita ko ang pagiging isang bayani sa 'yo, at hindi ako magtataka kung magiging maayos ang bansang Pilipinas kung ikaw na ang mamumuno sa Philippine Army."
Ngumiti ako nang bahagya. Matanda na nga talaga ito, nasa mid of 50's na.
"Well, it's that a compliment, Sir?"
Tatawa-tawa ang matanda habang iniitsa sa akin ang aking uniporme. Umiling-iling ito.
"You don't took it seriously, you always make it just like a joke," madamdaming pahayag nito.
"Okay, okay, Sir. Sorry, but seriously, hindi pa oras para mag-predict ng future. Mahirap na ang umasa sa wala."
Malutong na halakhak ang pinakawalan nito, "you sounds like a millennial, huh?"
"Sir, millennial naman talaga ako."
Lumabas na kami ng headquarters.
Nawala na tuloy sa isip ko si Pea. Mukhang naramdaman naman ni Sir Suarez ang pagkatahimik ko kaya't hindi iyon nakaligtas sa kaniya.
"Sino ang iniisip mo?"
Gusto kong matawa dahil sa tanong nito. Hindi talaga ano ang itinanong niya, kundi talaga kung sino.
Umiling ako, "no, Sir. May naisip lang na mga importanteng bagay."
"Babae?"
Nilingon ko ito, paano nito nalaman ang iniisip ko?
"Sir? Mind reader ka na pala? How did you know that?"
Napatawa na naman ito..masayahing matanda. "Your faced said it all, at lalaki rin ako, kaya alam ko. Saka isa pa, dumaan rin ako sa ganyan. Kaya hindi na iba sa akin."
Tumago-tango ako. Saka hindi na umimik pa.
"So? What about her?" Untag nito sa akin.
Ngumiti ako, mukhang hindi ako titigilan ni Colonel Suarez hanggat hindi ko ako nagkwekwento sa kaniya.
"I was 19 years old and she was 13 years old, at that age, I am already fall in love with her. And this time, bad boy does better, just for her, na hindi ko nagawa sa kaniya noon. Na hindi ko natupad sa kaniyang poportektahan ko siya. Ngayon, gagawin ko na.."
Tinapik-tapik ako sa balikat ni Sir saka siya ngumiti.
"Yeah, at hindi mo alam, na noon pa man, bad boy does better already."
...