Chapter 8
HALOS SIGURO NALIBOT KO na ang kabuuan ng gubat pero hindi ko parin makita si Pea. Lumalalim na ang gabi at kinakabahan na talaga ako sa maaring mangyari. Mapapatay ko talaga ang sarili ko kapag may mangyaring masa sa Pea ko. Gusto kong kasuklaman at sisihin ang sarili ko kung bakit hinayaan ko na lamang siyang umalis kanina at hindi ko sinamahan.
Ang tanga-tanga ko.
Hindi ko manlang naisip na delikado sa gubat na ito at hinayaan ko siyang umalis mag-isa. Hindi ko manlang nasunod ang pangako ko sa kaniyang iingatan ko siya at hindi pababayaan. Pero ano itong ginawa ko? Bakit ko siya pinabayaan?
Itinali ko si Airblaze sa isang malaking puno saka pumunta sa ilog sa hindi kalayuan. Mabuti na lamang at maliwanag ang sinag ng buwan kung kaya't kitang-kita ang paligid ng gubat. Kahit hindi ganoon kita ang paligid atleast maliwanag ng kaunti.
Rinig na rinig ko ang lagaslas ng tubig. Napamangha ako nang makita kung papaano kumislap ang malinaw na tubig dahil sa tinatamaan ito ng sinag ng buwan. Parang nang-e-enganyo na hawakan at damhin ko. Para akong batang lumusong sa tubig at humilamos.
Uminom ako ng kaunting tubig para mapawi ang uhaw na nadarama ko kanina pa. Napatigil ako sa aking pag-inom nang makarinig ako ng kaluskos sa unahan ng aking kinaroroonan. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid pero wala akong makitang tao, wala akong makitang kakaiba.
Tumakas na ako mula sa pagkakalusong at bumalik sa kinaroroonan ng kabayo kong si Airblaze.
Ganoon na lamang ang pagtago ko sa katawan nito nang may matanaw akong mga taong papasok ng kagubatang may mga dalang mga sulo.
What the hell? Anong ginagawa ng mga tao rito sa kagubatan? Sina Mommy at Daddy na kaya iyan? Baka natunugan na nila ang pagkawala namin ni Pea at pinadala ang mga tao rito para hanapin kami? Pero anong gagawin ko hindi ko parin mahanap si Pea. Tiyak na malalagot ako nito kina Mom at Dad, kapag malaman nilang pinabayaan ko si Pea.
Dali-dali kong kinalas ang pagkakatali ni Airblaze saka siya dinala sa pampang ng ilog na pinanggalingan ko kanina. Tumungo ako sa kabila no'n para doon naman hanapin si Pea.
Oh, Lord. Enligten me. Huwag mo naman sanang pababayaan ang Pea ko, kahit kapalit nito ay ang pagbabago ko. Makita ko lang siya na ligtas at walang nangyaring masama sa kaniya.
Huminga ako nang malalim saka nagsimula nang hanapin si Pea. Hindi rin ako pwedeng sumigaw at baka makita ako ng mga taong kumpol-kumpol na iyon kanina habang may mga dalang solo.
Isa pa, hindi ako sigurado kung iyon nga ay mga tauhan sa hacienda namin. Mabuti na ang mag-ingat sa panahon ngayon, lalo na't marami na ngayong mga masasamang tao.
Ngali-ngali na akong suntukin ang sarili ko dahil ilang oras na akong naglilibot dito sa gubat wala parin akong napapala. Is this a karma? Dahil sa mga babae kong pinaiyak at niloko, kaya, ang babaeng mahal ko ang s'yang nawawala ngayon? Ayaw ko man isipin na ganoon, pero mukhang iyon na nga ang nangyayari ngayon.
Hahakbang na sana ako papasok sa isang daan nang biglang naging malikot si Airblaze. Kinunotan ko ito ng noo, saka, hinimas-himas ang katawan.
"What is the problem, man? May nakita ka ba?" Kausap ko rito.
Tiningnan ko ang tinitingnan nitong direksyon, nakatingin ito sa aking likuran, habang patuloy sa paglikot at parang gusto nang tumakbo papalayo sa lugar na iyon.
Nilingon ko ang aking likod at sa laking gulat ko nang makita ang mga kumpol ng taong may mga dalang solo kanina, na papunta sa aming direksyon. Malayo pa ang mga ito sa amin pero mukhang dito ang patungo ng mga ito sa amin.
"s**t! Who are they? f**k it!"
Wala akong pag-alinglangang sumakay sa likuran ni Airblaze nang mabilis saka ko ito pinatakbo ng papalayo. At ang paghahanap ko kay Pea ay naudlot na lamang tuloy.
Pero saan nga ba maaaring magpunta ang babaeng mahal kong iyon? Imposibleng hindi siya makabalik agad sa kinaroroonan ko kanina. Kung hindi naman siya lumayo nang masyado sa akin. Imposibleng hindi na niya alam ang daan pabalik sa akin.
Imposible. Unless...oh, God...
"Hoo!" Pinatigil ko na si Airblaze nang makarating na ako sa harap ng mansyon namin. Mabilis lang tinakbo ni Airblaze ang mula gubat hanggang dito sa hacienda.
Papasok palang ako ng malaking gate nang salubungin agad ako nila Mom at Dad na may pag-aalala sa kanilang mga mata. Niyakap agad nila ako nang mahigpit.
"Oh, my son! Kanina pa kami nag-aalala ni Daddy mo sa 'yo. Mabuti at ligtas ka. Salamat sa Diyos, saan ka galing? Anong nangyari anak?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Mommy. Lumakad ako papasok ng mansyon at hinanap agad ng aking mga mata si Pea. Unaasang makita ko siya at nakabalik siya rito ng ligtas.
"Mom, Dad, si Pea?" Baling ko sa mga magulang ko nang mapansing walang Pea sa loob ng mansyon.
Where the hell is my sunshine?!
Ang tanaga mo Milo! Paanong makakabalik mag-isa rito si Pea, kung ang layo pa ng gubat mula rito?
"Anak...calm down. Kanina pa natutulog sa silid niya si Pea. Hinatid rito kanina ng mga Peralta, dahil naligaw raw ito sa gubat kanina..."
Napahinga ako nang malalim saka napapikit. Parang nawala ang isang bagay ba nakadagan sa dibdib ko. Nakahinga na ako nang maayos.
Thank God.
"You need to rest, son. Mukhang kanina mo pa hinahanap si Pea. Alam naming pagod ka," pukaw sa akin ni Dad mula sa aking pagkakatulala sa kawalan.
Parang maiiyak ako na ewan. Hindi ko alam kung magdidiwang ba ang damdamin ko dahil ligtas si Pea o ang mag-alala dahil ang mga Peralta ang humatid dito sa kaniya.
"Kasalanan ko 'to. Hindi ko siya sinamahan, hindi ko siya na-prorektahan. Nangako ako sa kaniya na hinding-hindi ko siya iiwanan at pababayaan. Pero napako ko iyon, hindi ko nagawa. Napabayaan ko siya."
"Son, it's not your fault. No one's fault, okay? It's an accident, so stop blaming yourself. Walang may gusto na mawala si Pea sa gubat na pinuntahan niyo kanina," pagpapaalala sa akin ni Dad.
Kahit kumbinsihin niya man ako, still, it's my fault. Kung hindi ko sana dinala doon si Pea, hindi ito mangyayari. So, it's my fault, kahit saang angulo tingnan.
Huminga ako nang malalim saka pabagsak na umupo sa sofa. Sinundan naman ako nila Mom at Dad ng tingin. Huminga rin sila nang malalim saka lumapit sa akin at tinapik-tapik ang aking balikat.
"If you are really worried about Pea. Maaari mo siyang puntahan sa silid niya."
Tumango ako sa sinabing iyon ni Mom.
"At alam mo bang kanina ka pa niya bukam-bibig pagdating dito? Hinahanap ka niya, kung kaya't nandoon sina Fee at Kanor sa gubat para hanapin ka kasama ang mga iba pa nating tauhan sa hacienda. Dahil hiniling ni Pea sa mga ito na hanapin ka. Hindi makakatulog ang batang iyon, hanggat hindi ka pa nakikita. Nag-aalala siya sa 'yo, anak. Baka daw nakain ka na ng masamang hayop, o, di kaya ay baka daw may nangyari na sa 'yong masama. Gusto sana niyang sumama sa paghahanap sa iyo, kaso hindi na namin siya pinayagan."
Para akong sinabugan ng bomba sa dibdib mo dahil sa kwentong iyon ni Mom. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak dahil sa labis na sayang aking nararamdaman.
My precious Pea, my sunshine.
Napangiti ako saka umiling-iling. Kinikilig ako, s**t! Ako parin ang iniisip niya sa kabila ng lahat. Pea...Pea...what did you do?
"Mabuti na lamang at ligtas ka anak, sobra kaming nag-alala sa iyo..." madamdaming litanya ni Dad.
Lumapit ako sa kanila saka binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Thanks Mom and Dad..."
MAIGI KONG pinagmasdan ang mukha ni Pea. Mahimbing na siyang natutulog sa kaniyang kama at hindi niya alam na nandito na ako. Nakatulugan na niya siguro ang paghihintay sa akin.
Lumapad ang ngiti ko. Sa patuloy na pagpapakita niya ng kagandahang loob, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Malala na talaga siguro ang tama ko. Hulog na hulog na ako kay Pea. Kung saan naman kasi titingnan, hindi siya mahirap mahalin. Mahuhulog at mahuhulog ang loob mo sa kaniya.
"I am glad that you are okay, sunshine. Sorry for my stupidness, sorry at hindi kita sinahaman. Sorry dahil napabayaan kita. Hindi na ulit mauulit. Good night sunshine." I love you.
Ilang minuto pa ang tinagal ko sa silid ni Pea. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa buong katawan at mukha ni Pea. I memorize every shape and edge of her. Nang sa gayon, kapag umalis na ako rito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat nang sa kaniya.
Marahan kong sinarado ang pinto pagkalabas sa silid ni Pea. Pumunta ako sa salas kung saan naroroon sina Mom and Dad.
"Mom...Dad..." tawag pansin ko sa kanila. Agad naman silang lumingon at tumingin sa akin. "I'm going home tomorrow. Hindi ko na po matatapos ang isang buwan ko rito.."
Kailangan ko itong gawin. Kahit ayaw ko pa. Dahil ito ang pinangako ko sa Diyos simula kanina. At ngayon, oras na para tuparin iyon.
Maaga ako ngayong lilisan sa hacienda. Hindi ko na hinintay pang magising si Pea at baka kung mamaya at magpaabot pa ako sa kaniya ay hindi na ako makaalis nang tuluyan. Mabuti na at tulog siya bago ako umalis at lisanin ang mansyon, ang hacienda at ang bayan ng Batangas.
Isang halik sa pisngi ang aking iginawad kay Pea bago ako tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Pagkarating ko sa salas ay binitbit ko na ang aking mga gamit.
Good bye, sunshine.
...