Chapter 11 PAGDATING SA HEADQUARTERS ay sinalubong agad ako ng mga kasamahan ko. Mukhang kanina pa silang naririto. Nakahanda na ang kanilang mga gamit at mga armas na aming gagamitin sa pagsulong doon sa NPA sa Batangas. Agad akong nilapitan ni Plantam at George nang ilapag ko sa mesa ang dala kong dalawang bag. Ngiting-ngiti sila habang papalapit sa akin. Huminga agad ako nang malalim. Mukha na naman pag-t-tripan ako ng dalawang 'to. "Huwag ngayon mga, brad. Umagang-umaga, sisirain niyo na naman ang mood ko," agad kong litanya nang makalapit na sila sa akin. Narinig kong tumawa nang malutong si George. Pagtawanan ba naman ako. "Lieutenant Monteneille, hindi ka na nasanay sa amin. Dapat palagi kang handa, ang kill joy mo naman." Inirapan ko ito. Kumuha ako ng 45 caballier sa mesa

