Chapter 13 Peablossom's Point of View NAKAMASID ako ngayon sa papalubog na araw. Habang naririnig ko ang mga sagitsit ng mga iba't ibang tunog ng insekto sa paligid. Rinig na rinig ko ang paghampas nang malakas na hangin sa mga dahon ng puno. Ang pag-awit ng mga ibon na nasa mga sanga ng puno Ang mga maiingay na mga tao sa paligid at ang kanilang pagsasaya. Nakikita ko rin ang mga batang nagtatakbo sa mga kalsada at pauwi na sa kanilang bahay dahil magdidilim na. Kanina pa ako kinakabahan na hindi ko malaman sa kung anong dahilan. Pagkarinig ko kasing may lumalaban na mga sundalo sa kabilang bayan at mga NPA ay kinabahan na lamang ako. Sana okay lang mga sundalo. Ang mga sundalo ng Pilipinas. Naramdaman kong lumapit sa akin si Nanay Fee. "Anong iniisip mo, anak?" Huminga ako na

