Chapter 39 Milo's Point of View KANINA PA ako pasipol-sipol sa labas ng mansyon namin habang naglilinis ako ng aking pajero. Habang hinihintay ang text o tawag ni Pea. Sumama kasi siya sa kaibigan niya sa pamimili sa bayan. Ayon sa text niya sa akin kanina. It was an hour ago. Papalubog na rin ang araw at panigurado nito mamaya ay tatawag na siya. Isang araw lang mawala sa paningin ko si Pea na miss ko agad siya. Sabik na sabik ko ulit siyang makita. She always make me insane. Para kang nasa alapaap na nakalutang habang ini-imagine na magkasama kami at nagtatawanan. It was a very beautiful scene. Someday, makakapunta rin kami sa himpapawid habang nagtatawanan. I will consider it our first date in the sky. Ngiting-ngiti ako habang binabanlawan na ang pajero ko na puno ng sabon. Bago

