Chapter 40 Peablossom's Point of View KANINA KO pa sinusubukan na tanggalin ang tali sa aking kamay pero hindi ko talaga matanggal. Bwisit naman at kung bakit hindi ko matanggal kahit anong gawin ko?! Bakit iyong sa mga pelikula o teleserye kapag nasa ganitong sitwasyon ang mga naki-kidnap at nakatali ang mga kamay nakakawala. Parang ang dali-dali lang nilang mahubad sa mga kamay nila. Pero sa akin? Bakit ganoon? Bakit ayaw?! Kaya minsan talaga hindi ako naniniwala sa mga teleserye minsan eh. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang lalaki. May dala itong isang tray na may platong nakapatong habang may lamang pagkain. Napangisi ako. Kinidnap ako tapos papatayin rin naman? Bakit niya pa ako pakakainin? Hindi na lang niya ako patayin sa gutom muna at patayin rin mamaya?

