Chapter 34 “HANAPIN NIYO ang bata! Hindi iyon pwedeng mabuhay! At ang katawan nila Deleon at Sampaguita dahil niyo sa morgue, para mailibing na bukas. Huwag na huwag kayong babalik rito hangga't hindi niyo nakikita ang batang iyon kasama ang dalawang matandang 'yon! Naiintindihan mo ba Saul?!” Tumango-tango ang lalaki sa kanyang harapan habang may mga nakaitim na labing dalawang kalalakihan sa likuran nito. “Hanapin niyo na!” inis niyang sigaw sabay niya tapon ng basong hawak dahilan upang mabasag iyon sa sahig. Kumaripas naman ang mga ito na nagsialisan palabas ng mansyon. Naiwan siyang inis na inis at galit na galit. Bakit ba kasi nakatunog ang dalawang matandang katulong na iyon? Sina Waldo at Consita. Mahuli niya lang talaga ang dalawang matandang iyon. Hindi na niya ito bubuh

