Chapter 28 LUMABAS AKO ng silid ko dahil hindi ako makatulog. Hindi ako sanay na hindi kami bati ni Milo. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin simula pa kanina habang naghahapunan kami. Napansin naman iyon nila Nanay at Tatay pero hindi na sila nagsalita. Ayaw naman na siguro nilang makialam sa relasyon namin ni Milo. Saka isa pa nasa tamang edad na rin kami, at alam na nilang kaya na naming ayusin iyon. Napahinga ako nang malalim habang pababa ng hagdan. Iinom lang ako ng tubig at magpapalipas ng kalahating oras sa labas. Para naman dalawin ako ng antok. Tumungo ako sa kusina at uminom ng tubig. Napadako ang tingin ko sa Milo at napangiti. Magtitimpla na lamang ako no'n. At iinumin para naman dalawain ako ng antok. Sa kalagitnaan ng aking pagtitimpla ay naramdaman kong may

