Chapter 29 "MAMAYANG LUNCH pupunta ako rito. Sabay tayo, huwag mo ko ulit iwan." Tumango-tango ako habang pinapakinggang ang mga bilin ni Milo pagkababa ng pajero. Tulad ng sinabi niya, hinatid nga niya ako. Malawak ang kanyang pagkakangiti habang nakatitig sa akin. Sana ganito na lang palagi. Masaya. Walang problema. Tumikhim siya nang mapansin nkya sigurong mataman akong nakatitig sa kanya. "What? Nagwagwapuhan ka ba sa nobyo mo?" natatawa niyang tanong sabay taas ng kaliwang kilay. Hinablot ko ang paper bag na kanina pa niya iniaabot sa akin saka ko siya inirapan. "You are so full of yourself, Mr. Milo Monteneille." Hindi ko napigilan ang ngumiti lalo nang akbayan niya ako saka bumulong sa tainga ko. "Don't worry, my sunshine. This handsome man beside you, love you truly and dee

